Hanggang sa lumipas pa ang ilang buwan..
"Anak, alam mo napagdesisyunan namin ng papa mo na... Sumama na sa kanya.. "Sabi ng ina ni Allison.
"Kayo po ma, ako kasi... Di ko maiwan ang trabaho ko dito.. "
"I understand anak.."sabi naman ng ama nito.
"Kung gusto nyo po, mauna na po kayo ni mama, tapos susunod na lang ako sainyo pag bakasyon na.. "
"Ikaw ang bahala... "
"Alam mo, anak nung unang nakita kita.. Ang gaan ng loob ko sa'yo, yun pala... Anak kita, ang liit ng mundo no?"
"Syempre naman po pa, naniniwala na ako sa tadhana.. "
"Hmm, pero ikaw anak tandaan mo, may nakatadhana rin para sa'yo, yung hindi ka sasaktan.. Yung mamahalin ka lang at di paiiyakin. "Sabi naman ng ina nito.
"Sana nga nay no? Kung meron pa ba.. "
"Meron yan, ano ka ba? Saka imposibleng wala man lang sa mga alaga ko ang nagkakagusto sayo dun? "
"Pa naman! Hahahaha. "
"Meron no? "
"Eh?? Wala pa akong panahon dyan.. "
"Wala nga ba? "Tanong din ng kanyang ina habang nakangiti pa.
"Ma naman.. "
"Hahaha, sino pala yung nagbigay ng bulaklak sa'yo nun?"
Pang aasar pa ng kanyang ina."Haha, ma di ko po alam.. Eh, wala ngang sinabing pangalan ma.. "
"Secret admirer kumbaga? Haha!"
"Ganun na nga ma hehe. Pero focus muna ko sa trabaho ko.. Matagal ko nang pinapangarap 'to.. Saka na lang yan haha.. "
"Ikaw ang bahala,, kung saan ka masaya, support ka namin. "Sabi naman ng kanyang ama..
"Salamat pa.."
Hanggang sa lumipas pa ang isang linggo..
Naglalakad si Angel patungo sa ground ng school nang makita si Hayley na nakaupo mag isa at nakatingin sa kawalan..
Kaya di na siya nagdalawang isip na lapitan ito.
"Hayley?" Tawag nito.
"Anong kailangan mo? "Tanong ni Hayley na nakatingin parin sa kawalan.
Umupo ito sa tabi ni Hayley.
"May problema ba? "Angel.
"Kasalanan ko rin, kung bakit ko siya binalewala.. Ngayon, wala na siyang pakealam sa'kin.. May iba nang nagpapasaya sa kanya.. Alam mo.. Nasanay na kasi akong palagi siyang nag aalala sa'kin, kaso ang tanga kong binalewala lang yun, huli na ang lahat nung minahal ko siya, kasi.. May mahal na siyang iba.. Ang swerte ng babae sa kanya no? "
Mukhang alam na ni Angel ang tinutukoy ni Hayley kaya parang natuwa ito..
'Kung ganun, gumagana ang pagkukunyari namin ni Kenji. '
"Sino ba tinutukoy mo? "
"Di na kailangan.. "
"Si Kenji ba? "
Napatingin siya kay Angel.
"Paano nga ba kung siya? Magagalit ka ba? "
Napangiti si Angel kaya nagtaka na lang si Hayley.
"Bakit ka nakangiti? Di ka galit? "
"Bakit naman ako magagalit? Alam kong mahal ka ni Kenji.. Saka, alam mo ba? Tinutulungan ko siyang mapalapit sa'yo. "
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Fiksi Remaja"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...