Paglipas pa ng dalawang linggo.
Pumunta ulit si Thyler sa condo, at naaabutan nyang tulog si Allison.
Tinitigan nya ito at napangiti na lang siya.
'Sana makilala pa kita ng lubusan. ' sabi nito sa kanyang isipan habang nakangiti.
Maya-maya gumalaw si Allison at unti-unting dumilat.
"Thyler, andyan ka na pala ba't di mo ko ginising? "Umupo ito.
"Ang sarap kasi ng tulog mo kaya di kita ginising. "Ngiting sabi nito.
"Ah, nakakahiya naman, tinititigan mo pa akong matulog. "
"Cute mo nga eh. "Mahinang sabi nito.
"Huh? "
"Ah, wala, nga pala dinalhan kita ng pagkain mo, kumain ka na. "
"Ay, oo mamaya, kanina ka pa ba? "
"Hinde, kararating ko lang. "
"Ah, wait lang ah, maghihilamos lang ako. "
Tumayo ito at tumungo sa cr.
Eto naman si Thyler, napangiti na naman.*KRING!
Tumunog ang cellphone ni Thyler kaya sinagot nya yun.
"Hello, pre napatawag ka. "
(Papunta na ako dyan sa condo mo.)
"Huh? Wag ka nang pumunta dito. "
(Bakit? May tinatago ka ba? Papunta na at malapit na ako.)
"Sinong nagsabi sa'yong andito ako? "
(Ang daddy mo.)
"Wag ka nang pumunta dito. "
(Sorry, malapit na talaga ako eh, bye.)
"Wai----"
*CALL ENDED
"bwisit talaga yun ah! "
*DINDONG!
Tumayo ito at binuksan.
"Pre! "
"Oh, ang bilis mo. "
"Syempre nung tumawag ako, nasa elevator na ako nun. "
"Pumasok ka na rin. "
Pumasok na nga ito at dumeretso agad sa kama at ibinagsak ang katawan.
"Hoy! Wag ka ngang humiga dyan! "
"Bakit? Pagod ako eh. "
"Tsssss. "
Dumapa ito at isinubsob pa ang mukha.
Ngunit agad siyang napatiyaya.
"Pre, ba't amoy babae 'tong higaan mo? Lah! Nag uuwi ka ng babae dito no? "
"Tssss.. "
"Hay, nakakapagod talaga. "Tumagilid pa to, kaya nanlaki ang mga mata nya. Dahil may nakita siya.
Kaya umupo ito."Hala! Ano to? Bakit may damit ng babae dito?! Sabi na ngang may tinatago ka, kaya ayaw mo akong papuntahin dito." itinaas pa ang damit.
"Bitawan mo nga yan! Magagalit ang may ari nyan! "
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Teen Fiction"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...