CHAPTER 36✔

716 17 1
                                    

Paglipas pa ng ilang araw...

Naglalakad mag isa si Allison,  pauwi na siya ng bahay nila... Nang may makita siyang ikinagulat nya.. Sa isang play ground.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba...

'Teka,  di maaaring mangyari 'to,  eto ba yung dahilan kung bakit lagi akong kinakabahan? 'Tanong nito sa kanyang isipan.

Saka di na siya pinanghinaan ng loob kaya agad siyang lumapit dun...

"Andrei? "Tawag nito sa pangalan ni Andrei.. Kaya nagulat si Andrei nang makita si Allison na nakangisi lang.. Kaakbay ni Andrei si Abby,  ngunit agad tinanggal ang kamay nyang nakaakbay dito.

"Oh, mukhang gulat ka ah, ano? Para ka yatang nakakita ng multo.. "Parang kalma lang magsalita si Allison,  pero deep inside,  nasasaktan na siya.

"So ikaw si Allison?  Na ex nya? "Tanong ng babae.

"I'M HIS GIRLFRIEND. " diniinan ni Allison ang pagkasabi nun.

"What?! Really? Or di kaya humahabol ka parin sa kanya? Di mo na siya maaagaw sa'kin. "

Tinitigan ni Allison ang tiyan ng babae na lumalaki.

"Oh! Bakit di mo sinabing tatay ka na pala soon,  Andrei? "Sarcastic lang magsalita si Allison.

Di nakakapagsalita si Andrei.

"Pero ang tanga ko eh,  binalikan pa kita! Sana noon palang sinabi mo na! "Napaluha na si Allison.

"Sorry Allison, mahal kita eh...at hinihintay kong sabihin sa'yo 'to."

"Mahal mo ako?! Haha! Ayos ah! Ang tagal kong nagpakatanga sa'yo! Kaya pala wala kang masyadong oras sa'kin! Kaya sige! Magsama na kayo!"

Aalis na ito... Ngunit binalikan ulit siya ni Allison.

"Siya nga pala Andrei.. Dahil wala na tayo... Dahil niloko mo ako at ginawa mo akong tanga, may ipapabaon ako sa'yong di mo makakalimutan." Ngumiti ng nakakaloko si Allison.

*BOGSH!

"ARAY!!" Napahawak na lang si Andrei sa kanyang mukha dahil sinapak yun ni Allison, saka lumayo na 'to.

Umiiyak na siya nun..

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan..

*BOGSH!

May nakabangga siya..

Kaya napaangat na lang ang kanyang mukha dahil matangkad ang bumangga sa kanya.

Saka nanlaki ang mga mata nito.

"Harry?"

"Allison?" Sambit nito sa pangalan ni Allison.

"Tara sumilong tayo dun."

Nagtungo si sa isang bench na may pagsisilungan saka umupo.

"Teka, andito ka pala... Anong ginagawa mo dito? "Allison.

"Nagyaya dito yung kaibigan ng asawa ni Charlie eh, saka hinahanap ko nga sila.. Kaso umulan naman.. "

"Ahh... Nga pala kamusta ka na? "

"Eto tahimik,  ang boring... Ikaw ba? "

"For the second time,  naloko na naman.. Matagal na akong nagpakatanga sa kanya.. "

"Niloko ka ni Andrei? Ano na naman bang ginawa nya? "

"Ayun,  nakabuntis ng ibang babae.. "

"Tsk! Yan,  yan ang hirap sa mga taong binibigyan mo ng second chance... Sumisobra na. "

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon