CHAPTER 53✔

520 14 0
                                    

[ALLISON]

Hanggang sa lumipas pa ang isang buwan.. Steady parin dito sa Harry,  para nga siyang baliw minsan wala sa mood,  minsan nang aasar,  akala mo may regla na lang. Tss..

Nakaupo ako sa sala..

Siya naman ang nagluluto.. Nasa kusina siya malamang..

Maya-maya,  may nagdoorbell,  kaya dali-dali akong lumabas para pagbuksan yun.

Pagbukas ko sa gate.. Wala namang tao.. Ngunit pagkatingin ko sa baba.. Ay isang regalo lang ang nandun..

Kaya kinuha ko yun..

"Kanino naman kaya 'to? "

Binasa ko kung kanino ibibigay,  pero,  sa'kin nakapangalan..

At yung nagbigay di man lang naglagay ng pangalan..

Yung nakasulat,  "you must open it first,  before you read my message. "

Kaya sinara ko na ang gate at pumasok na ako..

Pagpunta ko ng sala andun si Harry.

"Saan galing yan? "Tanong nya.

"Di ko alam.. Basta nakita ko na lang sa labas eh.. Nakapangalan sa'kin eh.. Kaso di ko alam kung kanino galing..

"Buksan mo ah,  baka galing kay Romnick yan! "

"Tss... Ewan ko.. Mabuksan na nga lang. "

Dahan-dahan kong binuksan yun..

At nang mabuksan ko yun..

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"
Napatili na lang ako saka hinagis ang bagay na yun..

Bwisit! Sino naman kayang walang awa ang nagpadala nun?!

"Bakit ?"

Napaiyak na lang ako sa sobrang takot.

"Bwisit!!!!"sigaw ko.. Dahil ang laman nun patay na tuta duguan,  at tanggal ang ulo.

Sakto hawak ko ang papel na nakadikit dun,  binuksan ko yun..

At ang nakalagay..

"Ano Allison? Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa'yo? Hahaha! Kaya ko ginawa yan,  dahil ganyan na ganyan ang itsura mo pag namatay ka na!

-Scar face."

"Sino naman kaya 'tong scar face na 'to?! Malaman ko talaga kung sino 'to,  ganyan na ganyan ang kalalabasan nya pag pinatay ko! Pati hayop dinamay sa kademonyohan nya! "

Niligpit na namin yung kalat na pinadala ng hayop na yun..

"Tama ngang nandito ako,  paano pa kaya kapag wala ako? E di malamang napatay ka na nun? "

"Buti na nga lang Harry.. Hmp! Kung di ako titigilan nun,  magtutuos kami! Matagal nang nagpapadala sa'kin yan eh,  malamang siya rin ang dahilan ng pagbaril kay mama! At alam kong minamanmanan ako ng taong yan.. "

"Tutulungan kita Alli.. "

*DINGDONG!

"may tao.. Sandali lang.. Ako na ang magbubukas. "

Lumabas na si Harry..

[HARRY]

Nang mabuksan ko ang gate..

"Anong ginagawa mo dito? "Tanong ko dahil andito na naman ang kumag.

"Ahmm gusto ko sanang puntahan si Allison.. Kaibigan ko lang naman siya eh at wala akong ibang intensyon sa kanya. "

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon