Paglipas pa ng ilang linggo, nakaka-recover na rin si Allison.
Kaya balik na naman siya sa dati..
Sa school, habang naglalakad naman siya..
Nakita na naman nya si Angel, malungkot..
Kaya may nagthrow back na naman sa kanyang isipan.
"Ahhh!!! Ang pangit mo! Sino namang magkakagusto sa'yo?! Ang taba mo na nga pangit ka pa! Sa tingin mo may magkakagusto sa'yo?! "Pambubully ni Xiarra sa kanya saka tinulak pa siya.
"Hoy! Xiarra! Anong karapatan mong awayin yan si Allison?! "
Eto naman si Tiffany, tinulungan siyang tumayo."Yang kaibigan mong nerd eh! Nakakainis! "
"Isa pa Xiarra! Pag inaway mo siya ako na makakalaban mo! "
"Tss.. "Nag walk out na lang si Xiarra.
Humarap na lang si Tiffany kay Allison.
"Ayos ka lang? Hayaan mo habang andito ako sa tabi mo, walang aapi sa'yo."
"Salamat." Bigla na lang siya niyakap ni Allison.
Bigla na lang siyang nakaramdam ng lungkot, dahil wala na rin siyang balita tungkol kay Tiffany.
Kasi ang totoo nyan, nang dahil kay Tiffany, natuto siyang lumaban at kung paano mag-ayos ng sarili.
Saka nilapitan na nya si Angel.
"Oh, Angel, may problema na naman ba? "Tanong nito kay Angel, saka napalingon naman 'to.
"Ma'am Allison.. "Sambit nito sa pangalan ni Allison.
"Oh, mukhang matamlay ka.. "
"Wala po 'to. "
"Ayst, sabihin mo na kasi ah.. Ano ba yun?"
May tinitingnan si Angel mula sa bandang kanan nya.. Kaya bumaling ang tingin ni Allison dun.
Si Alex, may babaeng kinakausap na babae, at mukhang pinopormahan pa yun.
"Si Alex ba? "
Iniwas ni Angel ang tingin nya sa dalawa.
Saka tumango na lang.
"Saka wala naman talaga akong laban kay Chelsea, maganda siya.. Gusto ng lahat, samantalang ako... Pinagtatawanan lang. "
"Alam mo, maganda ka rin naman, ang totoo nga nyan nakikita ko ang sarili ko sa'yo. Lahat ng pinagdadaanan mo, napagdaanan ko na rin. Pinagtawanan, nilait at inapi.. Kaso natuto akong lumaban nang dahil sa isang kaibigan eh."
"Alam nyo ma'am Alli, kayo lang po ang nagpapalakas ng loob ko eh.. Para ko na kayong ate, samantalang yung tunay kong ate, sobra ang inis sa'kin, di ko alam kung ano ang rason nya.. Painosente daw ako pero may tinatagong kalandian daw.. "
"Sinabi nya yun? Baka naman may pinagdadaanan lang ang ate mo. "
"Lagi naman eh, kaya madalas si kuya ang kumakausap sa'kin, naikwento nga nya sa'kin, may naging kaibigan daw siya na katulad ko.. Nang dahil daw sa isang lalake, nagkagalit sila, halos magpatayan na nga daw sila eh.. Si Ate kasi, isang kanang kamay ng gangster ngayon..Ahm, sige ma'am, pupunta lang ako sa library."paalam nito.
"Sige study well, wag mo siyang masyadong isipin, may araw din siya."
Ngumiti naman si Angel kaya kita ang braces nito.
"Oo naman po..salamat ma'am Alli."
Tumango na lang si Alli.
Saka nagtungo na rin si Angel sa library..
Maya-maya, eto namang si Alex, iniwan ang kanyang kausap at lumapit kay Allison.
![](https://img.wattpad.com/cover/110572865-288-k787231.jpg)
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Teen Fiction"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...