CHAPTER 10✔

2.4K 56 8
                                    

.....

"Mga lalake, walang lalabas sainyo ha? Mamimili lang ako." Paalam ni Allison.

"Samahan na lang kita." Offer ni Kenneth.

"Hinde, dito ka lang, basta habang wala ako, walang aalis dito, please lang, naiintindihan nyo ba?"

"Oo basta ikaw my loves.." Bryle.

"Tsss... My loves mo mukha mo! Sige alis na ako." Lumabas na rin si Allison.

"Alam nyo, swerte yung naging boyfriend ni Allison, imbes na siya ang poprotektahan siya pa tong pumoprotekta." Maverick.

"Tanga naman." Harry.

"Sinong tanga?" Kenneth.

"Yung ex nya malamang." Harry.

"Oo napaka protective ni Allison, kaya tanga lang ang lalakeng di mafo fall sa kanya." Keifer.

...

Habang naglalakad naman si Allison, bigla na lang may nagtakip ng panyo sa kanyang ilong at may pinaamoy kaya nawalan ito ng malay, saka isinakay sa isang van..

Dalawang oras na ring naghihintay ang anim sa kanya.

"Halos dalwang oras na ah, wala pa siya dito." Pag aalala ni Rhein na hindi mapakali.

"Oo nga atsaka dapat mabilis lang siya ehh." Bryle.

"Teka tatawagan ko." Dinial naman ni Keifer ang number ni Allison.

"Di niya sinasagot." Keifer.

"Baka naman pauwi na yun." Maverick.

Makalipas pa ang isang oras nagising na rin si Allison na nakatali ang kanyang kamay at paa sa upuan, may piring din ang kanyang mata.

"Asan ako??! Saan nyo ako dinala?! Mga walang hiya kayo! Tulooooonggggg!" Sigaw nya.
May nagtanggal sa kanyang piring.

"Hahaha! Nice to see you again.." Sabi sa kanya ng isang lalake.

"Ikaw?! Ikaw yung binugbog ko sa bar! Pakawalan mo ako!" Pilit nyang tinatanggal ang tali.

"Haha! Naghihiganti lang ako dahil sa pambubugbog mo sa'kin. So ikaw pala ang butler ng anim na unggoy ha?"

"Itigil niyo na ang masamang balak niyo dahil wala kayong mapapala!"

"Hm! Ililigpit na namin sila Hahaha." Halakhak naman ng isa.

"Sabagay, inggit kayo kung anong meron sila! Kase nga mga talunan kayo!"

"Shut up!"

"Ano bang kasalanan nila sainyo?"

"Si Willson Yoon ang may atraso sa'min, at mas malaki ang galit ng boss ko sa kanya, at ikaw? Makikita ka na kang nila pag bangkay ka na..hahahahah!" Humalakhak ito ng parang baliw lang.

"Walang hiya ka!"

"Oh, gising na pala ang prinsesa natin ah." Dumating din ang apat, eto yung apat na nabugbog nya rin.

"Hm, so ngayon, hawak ka na namin little girl.." Sabi ng isa.

"Ahg! Wag na wag mo akong tatawaging little girl, gago!"inis na sabi nito.

"Ang tapang mo talaga, kaya type kita eh." Sabi rin ng isa.

"Type my ass!"

"So ito pala ang magandang ibabalita nyo sa'kin?" Dumating naman ang isang lalakeng kaedad lang ni mr. Yoon.

"Isang alagad ng mortal kong kaaway.. Sa wakas, nadakip din kita."

"Anong kasalan nya? Bakit mo ginagawa to?" Tanong ni Allison.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon