CHAPTER 35✔

780 18 2
                                    

Sina Kenneth,  Rhein,  Bryle at Keifer umuwi muna sa kanila..

Si Kenneth,  matagal nang hiwalay ang kanyang magulang,  may kanya- kanyang pamilya ang kanyang magulang.. Ang kanyang ina,  may ibang pamilya,  pati na rin ang kanyang ama. Kaya ang tanging kasama na nya lang ay ang kanyang ate.

"Nga pala,  Ken,  gusto ka daw makita ni mama. "

"Ayoko ate,  kung gusto niya akong makita,  bakit di pa pumunta dito? "

"Hanggang ngayon pa ba,  masama parin ang loob mo? "

"Bakit hindi ate? Imbes na samahan sana tayo,  anong ginawa nya? Naghanap pa ng iba.. At ang totoo nyan,  di ko na siya kailangan pa. "

"Naintindihan kita... Pero wag mong sabihin yan. "

"Madaling sabihin yan ate kasi tanggap mo,  pero ako kahit kailan di ko matatanggap yan. "

"Anak? "Boses ng kanyang ina na nasa pintuan..

Tumingin si Kenneth.

"Sorry anak,  alam ko naman kung bakit masama parin loob mo sa'kin.. " naiiyak na ang kanyang ina.

"Akala ko ba nandun ka sa asawa mo? " walang ganang tanong nito.

"Matagal na kaming hiwalay anak.. "

Nagulat na lang si Kenneth nang marining yun.

"Bumalik ako dahil kayo ang iniisip ko. "

"Sana noon nyo pa inisip yan para walang sama ng loob. "

"I'm sorry for that.. "

Di na lang umimik si Kenneth,  saka pumasok na lang sa kanyang kwarto.

"Ma,  pasensya ka na lang kay Ken.."

"Di ko siya masisisi.. Hayaan mo na muna,  kakausapin ko na lang pag lumamig na ang ulo.

Pagpasok naman ni Kenneth,  dinial nya ang number ni Allison.

At syempre agad naman nasagot yun.

"Hello,  Alli,  kamusta na? "

(Hello Ken,  okay lang.. Napatawag ka,  kamusta din?)

"Hehe baka nakaistorbo ako baka may pasok ka pa. "

(Haha,  hindi naman.. Vacant ko ngayon.)

"Ah.. Timing pala.. Hehe. "

(Kamusta na kayo dyan? Bakit parang ang tahimik nyo dyan?)

"Andito ako sa bahay namin.. Umuwi muna kami. "

(Ah.. Sabagay..)

"Alli,  yun nga lang may problema.. "

(Ano yun? Spill it out.)

"Actually,  masama talaga loob ko kay mama... "

(Bakit naman? )

"Alam mo kasi simula nung naghiwalay sila ni papa.. Nagkanya-kanya na sila.. Si papa sumama sa iba,  siya din sumama sa iba. "

(Paano yan? Di ka man lang nila inisip? )

"Pasalamat nga ako andyan pa si Ate na nag alaga sa'kin ng 10 years. "

(Buti na lang di ka iniwan ng ate mo..)

"Kaso ngayon biglang bumalik si mama.. Nagsosorry.. Kaso ang hirap tanggapin. "

(Ken,  alam ko,  pero kailangan mong kausapin ng maayos ang mama mo.. Hayaan mong ipaliwanag nya lahat,  kasi kahit anong mangyari mama mo parin yan,  kahit malaki ang kasalanan sa'yo.. Kaya wag mong sayangin ang pagkakataon na nandyan siya.. Kasi di sa lahat ng oras lagi siya sa tabi mo. ) mahabang payo ni Allison.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon