CHAPTER 31✔

738 18 3
                                    

Hanggang sa lumipas pa ang mga isang buwan.
Ganun parin.. Walang pinagbago,  tahimik naman si Allison.

Nasa school si Allison..

Naglalakad siya sa isang school ground ng makita ang isang student nya na nakayuko at mukhang malungkot pa ito. Kaya nilapitan nya agad yun..
Isang nerdy type yun.

"Angel, may problema ka ba? Ba't malungkot ka?" tanong nito sabay hawak ng balikat nito kaya napatingin sa kanya ang student.

"Ma'am Alli kayo po pala.."

"Oo,  sabihin mo sa'kin baka makatulong ako. "

"Wag na po ma'am,  nakakahiya po eh. "

"Sige na,  wag ka nang mahiya ano ka ba? Pag di mo sinabi yan di mo mareresolbahan ang problema mo. "

"Eh,  ma'am kasi naman... Diba close kayo ni Alex? "

Napangiti si Allison.

"Ahh.. Si Alex ba problema mo? "

Nag-nod lang ito.

"Oo,  close naman kami,  pero bakit naman? "

"Ma'am... Crush ko po kasi siya kaso, paano nya po ako mapapansin, pangit naman po ako."

"Angel,  eto tatandaan mo ha? Hindi ka pangit okay? Hayaan mo, ako bahala sa'yo."

"Paano po? Sasabihin nyo po sa kanya? Naku wag po! Baka mas lalo lang nya akong tuksuin."

"Ano ka ba? Alam ko naman yun eh, naranasan ko rin yang mga pinagdadaanan mo."

"Ganun po ba? "

"Maging positibo ka Angel, sabi ko ako ang bahala sa'yo."

"Sige po ma'am Alli,  salamat po. Ahm sige po mauna na po ako pupunta pa po ako sa library. "

"Sige. Study well huh? "

Tumango na lang ito at umalis na.

Saka naglalakad na ito nang nakasalubong nya si Alex.

"Ate Alli,  kamusta po? " bati ni Alex.

"Okay lang naman ako.. Ikaw? "

"Ayos lang din hehe, close pala kayo ng nerd na yun no? "

"Ayst! Ano ka ba?  Ikaw ah,  wag mo ngang binubully yun! Pag ikaw nainlove dun,  ewan ko na lang. "

"Di ah,  pangit kaya nun, saka.. Matagal ko nang inaasar yun, bakit di parin ako naiinlove?"

"Di mo lang mamalayan no..haha sige na."

Naglakad na 'to papuntang office nya.

Habang eto namang anim.

"Alam nyo mga bro,  nakokonsensya na ako eh,  parang gusto ko nang sabihin kay Allison yung nalalaman ko tungkol sa unggoy na Andrei na yun. "Kenneth.

"Ayst! Bakit di mo na sinabi! Tingnan mo oh! Nabubulag na si Allison sa kagaguhan ng lokong yun! "Keifer.

"Eh syempre,  may trabaho yung tao,, paano kung masira yun? Ma-stress na naman, di maka-focus! Ano na mangyayari sa kanya?" Kenneth.

"Yun lang pero sana ginawa mo parin yung tama kahit masakit tanggapin..alam mo kung ako sa'yo Kenneth, kung mahalaga sa'yo si Allison, wag mo siyang hayaang maging tanga. "Harry.

"Oo nga naman bro,  paano kung nahuli nya yun? Diba mas lalo pa siyang masasaktan nyan? Kaya mas magandang ipaintindi mo ng maayos yun sa kanya. "Rhein.

"Paano kung bumaliktad ako? Paano kung di siya maniwala? At sasabihing sinisiraan ko lang sila? Kasi gusto ko siya? "

"Kenneth,  alam mo masasaksak na kita! Napaka negatibo mo eh!! Wag mo ngang sabihin yan! Para kang ewan no?! "Bryle.

"Hay ewan ko.. "

"Pwes, pag ako lang makakakita nun, mabubugbog ko yung lalake. "Keifer.

"Tsss... Namomroblema kayo dyan."Harry.

"Eh,, syempre kaibigan natin yung tao diba? "Bryle.

"Ginusto nyang balikan ang ex nya, kaya ayan dapat nya rin tanggapin na masasaktan ulit siya sa katotohanan. Bakit ba kasi nauso yang second chance na yan no? "Harry.

"Eh? Harry? Ikaw ba yan? Anong meron? May pinaghuhugutan? Ano? Broken? Without lovelife? " pang aasar ni Keifer.

"Ibreak ko yang mukha mo gusto mo? "Harry.

"Hala siya, nagtatanong lang."

"Try kaya nating bumisita dun sa summer? "Rhein.

"Oo nga... Saka... Magandang idea yan Rhein! "Keifer.

"Oo,  maganda yan... Hayst bakit sa summer pa? Pwede bukas na lang?"Bryle.

"Nagmamadali ka Bryle? Mauna ka na. "Kenneth.

"Hm, kung pwede lang.. Hahahaha. "Bryle.

OTHER PERSON:

"malapit na tayong magtuos Allison,  konting panahon na lang,  pagbibigyan muna kitang sumaya. " sabi ng babaeng 'to habang hawak ang kutsilyong matalim.

"Si Allison na naman ba? "Tanong ng isang lalakeng pababa ng sala.

"Oo kuya.. Malamang. "

"Alam mo kung ako sa'yo,  tigil-tigilan mo na yang mga binabalak mo,  dahil kung ako sa'yo, pagsisisihan mo lang lahat ng gagawin mo."

"Alam mo kuya, malaki ang galit ko sa kanya, kaya wala kang magagawa. "

"Hm, bahala ka na rin kung ayaw mong makinig sa'kin. " sabi nito saka lalabas na sana ng pintuan.

"Kuya,  kinakampihan mo ba si Allison?! "

Napatingin sa kanya ang kanyang kapatid.

"Wala akong kinakampihan.. Para rin naman kasi sa'yo ang iniisip ko eh. "

"Kasi naman! Etong sugat na tinamo ko mula sa kanya! Ito ang nagpapaalala sa'kin kung ano ang mga ginawa nya! "

"Hm, e di ipaayos mo,  ipatanggal mo yang pekas mo. "

"Hindi kuya,  haharap kami na ganito ang mukha ko. "

"Hm,  bahala ka na. " sabi nito sabay labas ng bahay.

At dumako naman tayo kay Andrei.

"Kuya, alam mo kung ako sa'yo, wag mo nang iwan si Ate Allison. Bakit kasi gumagawa ka ng kalokohan?" Alex.

"Di ko naman sinasadya yun Alex, sa katunayan nga nyan, nakokonsensya na ako sa ginagawa ko eh , kaso di ko talaga kayang iwan ng basta-basta si Abby. "

"Kuya, ang tanga mo eh, matalino ka naman sana.. Kasalanan mo kaya hangga't maaari, sabihin mo na ang katotohanan kung anong meron kayo ni Ate Abby."

"Ayoko muna, baka mamaya di na siya makafocus sa trabaho nya."

"Tanga mo kuya no? Mas gusto ko pa nga si Ate Allison kasi di maarte kahit maganda..kaysa sa Abby na yan?ayst! Sobrang arte ayaw maalikabukan. Alam mo kuya,, kung kasing edad mo lang ako malamang aagawin ko si Ate Allison sa'yo. "

"Ayst! Tumigil ka nga! Ikaw ang bata bata mo pa ah,  saka siguro may pinopormahan ka na no? "

"Wala ah... Wala pa akong time dyan,  saka kung magmamahal man ako,  di ako gagaya sa'yo.. Sige.. Pasensya na lang sa nasasabi ko kuya. "

Tumungo na si Alex sa kanyang kwarto,  at etong si Andrei di na nakaimik..

.
.
.
Mukhang mas matured pang pang mag isip si Alex kaysa sa kuya nya..

😊😊😊

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon