CHAPTER 4✔

2.9K 65 3
                                    

Nagmamop si Allison sa sahig..

*krinnnngggg!!!!

Tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa mesa sa may sala. Sakto andun naman sina Bryle, Keifer, Kenneth at Maverick.

"Alli! Cellphone mo, may tumatawag!" Tawag ni Kenneth.
"Hayaan mo na yan Kenneth." Patuloy parin sa pagma mop ito.

*kriiinggg!!!

"Allison, sagutin mo na ah! Gusto mo ako sasagot nyan?" Bryle.

Agad namang binitawan ni Allison ang mop at agad kinuha ang phone.

Tiningnan nya ang screen, parang ayaw niyang sagutin.

"Ex mo yata ang tumatawag eh, sagutin mo na. Baka may sasabihin." Keifer.

"Wala na akong pakealam dun."

"Pakinggan mo lang kung ano ang sasabihin sa'yo..." Maverick.

Agad nya naman tong sinagot.

"Oh! Anong problema mo?!" Pasigaw nito.

(Baby, sorry pala nung isang gabing tumawag ka.. Lasing lang ako..)

"Wag ka nang magrason! Dahil huli ka na! Magsama kayo ng babae mo!"

(Sorry na oh..)

"Anong sorry? Wala akong pakealam!"

(Please pag usapan naman natin to oh.)

"Wala na tayong pag uusapan! Magsama kayo ng haliparot na babae mo!"

(Baby------)

"Don't call me baby! Bastard!"

*CALL ENDED..

Di nya naramdaman na napaluha na lang siya, kaya agad niya yun pinunasan.

"Ano ka ba? Ginawa mo na ang lahat, kaya wag mo nang iyakan." Keifer.

Napangiti naman siya.

"Tama ka.."

OTHER PERSON:

"Kailangan na nating gumalaw para mailigpit si mr. Yoon, pati na rin ang alaga niya! Utos na rin ni boss ito para mapalaki pa ang makukuha natin sa kanya." Sabi ng isang lalake.

"Ayon sa private investigator natin, naalala nyo yung babaeng bumugbog sa'tin? Dun siya nagtatrabaho kay Mr. Yoon. Eto pala siya oh, si Allison Romano." Tiningnan nila ang litrato.

"Teka, namumukaan ko to ah! Sandali lang.."

Sabi naman ng isa, at nag isip pa talaga..

"Eto! Eto yung babaeng bumugbog sa'kin sa bar! Eto yun! Hmp! Kailangang mabura na dito 'yan!" Galit na saad nito.

.....

Naglilinis naman si Allison sa mga kwarto ng mga lalake, pwera lang sa kwarto ni Harry baka mamaya niyan mag-away na naman sila..
Nagsialisan ang mga lalake papunta sa practice.
Sa kwarto ni kenneth, pagpasok ni Allison dun.

"Hmmm, parang bukas ang shower ng lalakeng to ah, umalis na nga sila eh, ulyanin talaga yun oh!" Naglakad ito palapit sa cr.
Dahan dahan nyang binuksan ang pintuan at.....

"Ahhh! Hoy! Isarado mo yan!"
Nagulat siya dahil tumambad sa kanya si Kenneth na naliligo sa shower.

Nanlaki ang mga mata nito at agad sinarado ang pintuan..
Nagmamadali siyang lumbas..

"Allison! Sandali!" Pagpigil sa kanya ni Kenneth.

Napatigil na lang ito sa paglalakad at napakagat na lang siya sa kanyang labi at kabado pa..

Naramdaman niyang palapit sa kanya si Kenneth.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito. Nakatapis lang siya ng towel.

"Ahhh...ehhhhh..."
Hinigit ni Kenneth ang kanyang braso para ipaharap sa kanya.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Hinawi nito ang kamay ni Kenneth.

"Bakit andito ka? Naninilip ka sa'kin no?"

"Hoy! Alam mo ang kapal ng mukha mo! "

"Eh ano? Binobosohan mo ako ah may pagnanasa ka sa'kin hm?"

"Letse! Makaalis na nga !" Aalis na siya nang hilain ulit siya ni Kenneth at isinandal sa pader.

"Dito ka lang! May itatanong pa ako ehh."

"Ano nga?!"

"May nakita ka ba?"

"Anong klaseng tanong yan?"

"Sagutin mo lang.." Palapit ng palapit ang mukha nito..

"Wala! Ano ba?! Paalisin mo na nga ako, pag ako nainis ibalibag kita!"

"Hm! Tapang mo naman..." 1 inch na lang ang agwat ng mukha nila.

"Anong binabalak mo? Subukan mong nakawin ang first kiss ko magiging miserable yang buhay mo!" Banta nya.. Agad namang lumayo si Kenneth.

"HAHAAHAHAHAHAHAHAHAAH!!!!! Assuming ka naman! Ikaw hahalikan ko? HAHAAHAHAHAHAHAHAHAAH!!!" Para siyang sira sa katatawa.

"Tss.." mukhang nainis na si Allison sa akto ni Kenneth.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"Maglilinis ako, kaso narinig kong nakabukas ang shower mo, isasarado ko sana kaso... Akala ko wala ka..ang alam ko pumunta ka sa practice niyo."

"Sus! Dahilan mo pa talagang bobosohan mo lang ako..."

"Kenneth, halika nga dito..."
Tawag nito.. Agad namang lumapit si Kenneth.

"Ano? Crush mo na ako?"

*BOGSH!

"Ahg! Aray! Ano ba??!" Reklamo nito. Napahawak pa sa kanyang sikmura.

"Hm! Ang kapal ng mukha mo eh! Anong crush? I crash ko kaya yang mukha mo hmp!" Sabi nito sabay labas ng kwarto..

"Bwisit yun ah!" Mahinang sabi ni Kenneth.

End...

Hala!!! Si Kenneth!! Hahahaha 😂😂😂 hahahahah 😅😅😅

Mukhang inaakit nya si Allison pero ayaw magpaakit ng isang 'to oh!
Cute naman si Kenneth eh... 😊😊😊

Just vote and comment 😊😊

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon