CHAPTER 24✔

958 26 0
                                    

Paglipas ng umaga..

Tinanghali na ng gising si Harry..

"Sino nagdala sa'kin kagabi sa kwarto ko? Wala akong matandaan. "Harry.

"Tssss... Walang matandaan hmp! "Mahinang sabi ni Allison.

"Si Allison yata, kase tulog na kami nun no. "Kenneth.

"Ahhh.. Ikaw nga Allison, hoy! Ni-rape mo ako kagabi no?! "Sigaw nito.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Bakit naman kita pagsasamantalahan ha?! Pagkatapos mong sukaan ang damit ko umalis na ako sa kwarto mo no! Bwisit ka talaga! "Sigaw din ni Allison.

"Eh bakit pagkagising ko nakaboxer na lang ako?! "Harry.

"Aba! Malay ko ba kung naghubad ka! As if namang magnanasa ako sa katawan mo no! Wala ka namang muscles at abs! "

"Hm! Panagutan mo ako! "

"Baliw ka! Baliw! Panagutan mo yang mukha mo! "

"Hahaha! "Tawanan naman ang iba.

"Eh ang aga aga nambibwisit ka eh! Alam mo yun?! "

"Sus! Denier! Totoo naman! Pasalamat ka lasing ako nun, kung hinde.. "

"Kung hinde ano?! "

"Hmm... Wala! "

"Uy! Tama na nga yang pagtatalo nyo ang aga pa oh, kumain na nga tayo dito. "Rhein.

Nag death glare si Allison kay Harry, at ito namang si Harry ngumiti ng nakakaloko.

Maya maya kumain na rin sila.

Habang kumakain sila.

"Nga pala, ano na balita kay Manager? "Allison.

"Ayun, nagpapahinga parin sa bahay niya, kawawa nga eh, nag iisa sa buhay, ako nga di ko makayanan ang walang sariling pamilya. "Rhein.

"Lahat naman tayo ganun.. "Keifer.

"Pero ako, kaya ko... "Harry.

"Weh? Ikaw? Bro alam mo, di mo rin maiiwasang magmahal ng babae. "Bryle.

"Saka, ano ka ba? Malay mo yung babaeng yun nasa harap mo na di mo namamalayan, mahal mo na pala. "Kenneth.

Di agad nakaimik si Harry.

"Alam nyo, bago yan kailangan muna nating tapusin ang mga gulo sa buhay natin. "Harry.

"Paano nga kung habang buhay na tong gulo? "Maverick.

"Rick, tao lang si Aries, mamamatay rin. "Harry.

"Sana ganun lang kadaling mawala yung tao. "Keifer.

"Saka wag nyo namang ipagdasal na mamamatay yung tao, ang dapat lang dun pagbayaran ang mga kasalanan nya. "Allison.

"Sana nga mahuli na yun. "Harry.

Tuloy tuloy parin sila sa pagkain.

At maya maya natapos narin sila.

"Allison, mahilig ka pala sa macho ah, bakit di mo sinabi sa'kin? Hahaha! Kita mo 'to? "Sabi ni Bryle sabay pakita ng muscle.

"Hmp! Alam mo Bryle, di bagay sa'yo yan, sa liit mong yan eh. Hahaha! "Pang aasar naman ni Allison.

"Lah! Height na naman ang topic nito! Porket ako yung pinakamaliit sa kanila atleast ako lang ang cute...mas matangkad parin ako sa'yo." sabi nito sabay pout.

"Wow! Cute daw! Aso lang? Haha!" pang aasar din ni Keifer.

"Manahimik ka nga payatot! Hmp! Maverick, pashare nga ng height."

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon