CHAPTER 25✔

907 24 1
                                    

Ngayon na ang araw na makikipagkita si Harry kay Aries, nasabi na rin sa kanya kung ano ang address, ang usapan 7pm sharp, kaya naman maaga palang dumeretso na ito kay Thyler.

"Thyler, alam ko kung saan nagtatago ang iyong ama. "Harry.

Mukhang gulat pa siya.

"Huh? Saan daw? "

"Basta, sumama ka na lang sa'kin, dahil hawak nya ang pinsan kong si Charlie. "

"Ano?? O sige sasama ako, pero dapat may back up tayo. "

"Wag kang mag alala, pinagplanuhan na namin to, saka alam kong ikaw lang ang makakatulong para baguhin pa ang isip ng iyong ama. "

"Kung yan ang gusto nyo, sige kahit kapalit pa ng buhay ko, basta makatulong lang ako."

"Salamat, pagdasal mo na lang na...di ka mapapahamak."

"Harry, may sasabihin sana ako sa'yo."

"Ano yun?"

"Ewan, pero ang gaan ng loob ko sa'yo eh."

Ngumiti ng tipid si Harry.

"Salamat, basta maghanda ka na..mamayang 7pm, kailangan andun na tayo, gusto nyang isama ko daw si manager, pero ayokong mapahamak siya, kaya ikaw na lang ang sinama ko..at isa pa, may importante daw siyang sasabihin sa'kin."

"Kung ano man yun, kailangan alamin natin." Thyler.

Nakahanda na rin sina Allison sa mga gagawin.

Ngunit siya di mapakali.

"Allison, ano bang nangyayari sa'yo? Di ka mapakali? "Tanong ni Keifer.

"Paano kung ikapahamak ni Harry ang gagawin nya, alam nyo namang napakasama ni Aries, baka paslangin lang si Harry. "Nag aalalang sagot nito.

"Ahs, mahal mo na kasi kaya nag aalala ka. " mahinang sabi ni Bryle.

"Anong sabi mo Bryle?! "Masungit na sabi nito.

"Ahh hehe wala. "Ngiting sagot ni Bryle.

Maya-maya biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Mr. Yoon.

"Manager, andito na po pala kayo."Rhein.

"Oo.. Nabalitaan ko kasing nahuli na kahapon ang bumaril sakin, at isang tauhan ni Aries, pinagbubugbog siya ni Harry... Nga pala, asan siya?"

"Ahmm manager, pinuntahan nya si Thyler. Actually, alam na nya kung saan nagtatago si Aries, pero ikaw at siya ang kailangan, pero di ka na nya tinawagan dahil ayaw ka nyang mapahamak. "Allison.

"Kumikilos na namang mag isa si Harry? "

"Hindi po siya nag iisa, tutulong po kami. "Keifer.

"Kailan ba yan? Kailangan pa ng ibang back up, tumawag din tayo ng mga pulis. "

"Opo manager, gagawin po namin yan, at mamayang gabi na pala. "Maverick.

"Kailangan na nating kumilos. "

Paglipas naman ng gabi.

"Kailangan na nating kumilos Thyler. "

"Sige, ipaalam mo na rin kina Allison to. "

Tumango si Harry at dinial ang number ni Keifer.

"Hello, bro..maghanda na kayo dahil aalis na kami. "

(Okay bro, susunod na kami dyan..)

*CALL ENDED...

"Tara na.. "Nagmadali silang umalis dun.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon