CHAPTER 38✔

661 16 0
                                    

Hanggang sa lumipas pa ang ilang weeks..

Syempre ang magbabarkada balik sa dati..

Dahil sa pansamantalang pag-uwi nila, marami silang mga bagay natuklasan.

"Ano Bryle? Okay ka na ba? "Tanong ni Kenneth.

Ngumiti si Bryle pero di naman pilit yun.

"Oo naman, kayo ba? "Balik tanong nito.

"Alam nyo sa totoo lang, marami akong bagay na natuklasan.. Kayo ba?"Maverick.

"Ako naman, nakakapanibago lang 'tong nangyayari sa'kin.. Na kung dati, galit ang pamilya ko sa'kin,  pero ewan,  biglaan na lang silang bumait. "Keifer

"Ganyan talaga Keifer,  kasi pamilya ka parin nila no.. "Rhein.

"Ako nga eh,  kahit masama ang loob ko kay mama,  tinanggap ko parin naman siya,  kasi alam kong narealize nya na mas mahalaga pa kami,  kaysa sa ibang tao.. "Kenneth.

"Okay na pala kayo ng mama mo eh.. Ligawan ko na ate mo. "Keifer

"Sira! Di ka papasa dun! Saka di ikaw ang ideal type nya no! Saka may boyfriend na yun! "

"Owww???? Hahaha joke lang no! "

"Ikaw Harry? Ano naman ang mga natuklasan dun? May bago ba? Nagkita ba kayo ni Allison? "Tanong naman ni Bryle.

"Oo.. "Sagot nito.

"So,  buti nagpansinan naman kayo,  di na naman kayo nagtatalo. "Keifer.

"Di naman,  ang totoo nga nyan,  nasaktan siya eh. "Harry.

Nanlaki ang mga mata ni Bryle.

"Ano?! Paanong nasaktan!  Anong ginawa mo?! Bakit di ka kasi nagdahan-dahan?! "Sabi naman ni Bryle.

"Sira! "Binatukan nito si Bryle.

"Bwisit! Ang sakit nun ah! "Reklamo nito.

"Eh paano kung anu-ano pumapasok dyan sa isip mo!"

"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko? Ikaw lang nag iisip ng ganyan ah! "

"Tsss... Mukha mo! "

"Anong ibig mong sabihing nasaktan siya? "Nag aalalang tanong naman ni Kenneth.

"Paano,  matagal na pala siyang niloloko ng kupal nyang ex eh."

"Sabi ko na nga ba eh.. "Kenneth.

"Ano na naman bang ginawa ng kupal na yun?" Maverick.

"Nakabuntis ng ibang babae. "Harry.

"Sabi na nga ba totoo ang mga hinala ko eh.. Ano? Kamusta na siya? umiiyak ba siya?" Kenneth.

"Umiiyak siya nun,  pero sabi nya,  di nya hahayaang yun lang ang ikakasira ng pangarap nya.. Hanggang dun lang kami nagkita.. Sa isang linggo pa sana ako uuwi, pero... Nakakawalang gana dun, kaya nauna na ako."

"Tama lang ang ginawa ni Allison, buti na lang nakita ng dalawang mata nya ang panggagago ng lalakeng yun." Rhein.

"Kung ganun may pag asa na ako kay Allison." Bryle.

"Hoy! Wag kang umasa! "Keifer.

"Tss.. Alam mo ikaw Keifer lagi ka na lang kumokontra sa gusto ko! May problema ka ba sa'kin?!"

"Hoy! Di bagay sa'yo ang magalit! Para kang tumatanda! "Keifer.

Ngumiti ng maluwag si Bryle.

"Joke lang naman no! Hahaha. "Bryle.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon