[ALLISON]
Ayan, lagi kaming magkasama ni Harry kahit saan man kami magpunta, minsan nga pinagkakamalian pa kaming magjowa eh, pati kapit bahay namin nakakainis kasi ang dami nilang sinasabi na bagay daw kami ahhhh!!! Never mind!
"Alam mo Allison, isang linggo na akong nandito di ka man lang ngumingiti, tapos pag lumabas tayo saglitan lang...bakit? Ayaw mo ba akong makita ng iba? "
Aba! Assuming 'to ah!
"Hmm.. Akala mo naman pinagkakaguluhan ng lahat. " bulong ko.
"Aba... May sinasabi ka ata ah. "
"Tss... Wala! E di lumabas ka mag isa mo! Kahit hanggang bukas ka pa. "
"Talaga? Di mo ako mamimiss? Hahaha. "
"Miss mo mukha mo! Dyan ka na nga! "
Bwisit 'to!
[UNKNOWN PERSON II]
Andito ako sa harap ng gate nila Allison. Nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko pa ba..
Pero eto na yun..
Pinress ko ang doorbell..
Kaya ilang saglit palang ay nagbukas yun..
At parang tumigil ang mundo nang makaharap siya..
Di bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko..
Ang totoo nyan, mas lalo pa siyang nagmature..
"H-hi Alli.. Long time no see.. "
"Romnick? Ohh...kamusta? Napadalaw ka.. Tagal na nating di nagkita ah.. "
"Ahh.. Hehe oo nga eh, gumaganda ka ah.. "
"Haha di naman.. Naku, pasok ka."
Di parin siya nagbabago, ganito parin siya..
"Ehh.. Gusto sana kitang yayaing lumabas eh.. "
"May pupuntahan kami.. "
Nagulat na lang ako nang biglang lumitaw ang lalake sa likuran nya.
Teka ano 'to? Boyfriend nya ba? Asawa?
"Diba? May lakad tayo mamaya?"
Tanong nya kay Allison sabay akbay pa.Nakakailang 'to eh.
"Ah.. Ehh oo, may lakad kami mamaya.. Sama ka? "
"Ahh.. Hindi na.. Kayo na lang muna baka makaistorbo pa ako."
Paano ako makakadiskarte? May boyfriend naman pala siya?
"Ah.. Kayo lang ba dalawa ang nandito? "
"Ahh--"
"Yes.. Ang totoo nyan magkalive in na kami.. Bakit? "
Pagputol nya sa sinabi ni Allison.. Seloso naman ng lalakeng 'to.
Ngumiti siya ng nakakaloko.
Aba.. Inaasar ako neto ah.. Hm..
"Ang totoo nyan, kaya ako naparito para ligawan sana siya.. Kaso andyan ka pala.. "
"Ahh.. Hmm ligawan.. May dating ka naman pero di ikaw ang type ng asawa ko. "
Asawa na pala nya? Ang pagkakaalam ko wala pa siyang asawa.. Sinungaling talaga 'to.
"Talaga? Asawa mo na? "
"Teka, baka sa iba humantong ang usapan nyo eh.. Pumasok ka na nga Harry !" Pagpigil ni Alli. Ayst kanina ko pang gustong tamaan ang mukha nito.
"Papasok ako basta kasama ka.. Halikana!"
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Novela Juvenil"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...