2 weeks later..
Ngayon na ang araw ng kasal ng magulang ni Allison.
"Ma, siguro.. Masaya ang pakiramdam mo ngayon no? Kasi sa buong buhay mo.. Ngayon mo lang mararanasan 'to. "Sabi ni Allison sa kanyang ina na naka-make up na at naka gown na rin.. Kahit may edad na maganda parin.
"Masaya na kinakabahan anak.. Pero alam mo anak.. Di magtatagal mararanasan mo rin 'to.. "
Napangiti lang si Allison.
"Sana nga ma... Parang.. Wala pa akong balak. "
"Kasi di mo pa natatagpuan ang tunay na magmamahal sa'yo? Alam mo anak, dadating at dadating din yan. "
"Hay naku ma.. Wag muna yan ang topic natin.. Saka tara na ma.. Malelate pa tayo sa simbahan naghihintay na si Papa dun. "
Hanggang sa ilang minuto palang ay nakarating na rin sila.
"O ma, ba't ka naiiyak? Sayang ang make up pag nasira yan, alam nyo kayo ang pinakamagandang bride na nakita ko sa buong buhay ko. "
Napangiti na lang ang kanyang ina.. Saka maya maya ay nagsimula na ang lahat.
[Eepal ulit si Author ha? Sabi ko naman wala akong alam pagdating sa kasalan kaya kayo na ang bahalang mag-imagine dyan 😂]
Back to reality.
Ayan naimbitahan din syempre ang six boys, sina Jae, Jazz, Hannah, Mara.. Charlie, at ibang pamilya ng six boys.
OTHER PERSON:
'Akala nyo masaya na kayo ah.. Pwes ipapatikim ko sainyo kung paano maging miserable.. '
Palabas na ang mga magulang ni Allison. Masaya silang magkahawak kamay at nang nasa pintuan ng simbahan na sila, inihagis nito ang boquet of flowers at si Allison ang nakasalo nun..
'Hm! Sisimulan ko na.. '
*BANG!
[ALLISON]
Teka, saan galing ang putok na yun? Lahat na lang kami natakot dahil sa lakas nun.
Napatingin na lang ako kina mama at papa.
"Mama!!!!" Sigaw ko at dali-daling lumapit kay mama dahil duguan ang kanyang dibdib.
"Ma!!"Iyak ko.
Sino naman kaya ang walang hiyang gagawa nito sa kanya?
"Tumawag kayo ng ambulansya! Dalian nyo! "Natatarantang sabi ni Papa.
"Mama, please wag kayong susuko, dadating na ang ambulansya."
Maya-maya din ay andyan na ang ambulansya.
Kaya isinakay na nila si mama..
Kahit kailan talaga! Sabi ko naman wag na wag silang magkakamaling galawin ang pamilya ko! Dahil ako na mismo ang papatay sa may gawa nito! At kung sino man yun di ako natatakot harapin yun!
Wala na akong magawa kaya umiiyak na lang ako.
"Alli, tiwala lang... Makakaligtas ang mama mo. "Bryle.
"Oo, wag kang mag alala, ipagdadasal namin siya. "Rhein.
Umiyak iyak na lang ako sa kanila at napayakap.
Saka nagmadali na kaming magpunta sa ospital dahil aalamin ko kung ano na ang lagay ni Mama.
Please god, wag nyo po siyang pabayaan.
Pagkarating namin dun..
"Doc kamusta na po ang lagay ni mama? "Nag aalalang tanong ko.
"Critical po ang kondisyon nya, dahil tumama sa kanyang puso ang bala.. Sa ngayon, may comatose siya.. "
"Comatose? Kailan pa ba siya magigising? "Papa
"Hindi lang namin alam sir, sa ngayon.. Ang kailangan.. Ay isang heart transplant. Kasi malaki ang tama ng baril sa kanyang puso kaya malabo itong gagaling.. "
Para akong bumagsak sa lupa dahil sa narinig kong malabo nang gumaling yun.. Parang gusto kong ako na lang ang maging donor.
"W-wala na ba talagang pag asang gumaling si mama? "Iyak ko.
"Ang tanging magpapasalba ng buhay nya.. Ay yung magdodonate sa kanya. Excuse me.. "Umalis na ang doctor.
Wala akong magawa, puro hagikgik na lang ang naririnig, saka napayakap na lang ako kay papa na umiiyak din.
Maya maya andyan sina Keifer at Harry.
"Alli... Manager, kami na muna bahalang magbantay.. "Harry.
"No.. Ako na lang.. Saka dad magpahinga ka na muna.. Umuwi ka na lang. "Allison.
"Keifer, ihatid mo na lang si manager at kami na ang magbabantay. "Harry.
"Okay.. Sige. "
Naglakad na palabas ang dalawa.
Saka pumasok na kami ni Harry sa kwarto kung saan nakaconfine si Mama.
At umupo na kami.
"Kasalanan ko lahat nang 'to.. "
"Wag mong isisi ang lahat sa'yo Alli, wala kang kasalanan."
Naluha na naman ako.
"Pero Harry ako ang nagdala ng gulong 'to... Kaya kasalanan ko. "
"Kasalanan mo man o hindi.. Wag kang mag alala.. Kami ang bahala sa'yo.. Baka may alam ka kung sinong mga tao ang nakaaway mo. "
"Ang alam ko lang, ay yung mortal na kaaway ng dating kagrupo ko.. Kumalas na nga ako para iwasan ng gulo. Pero eto parin, lumalapit. ".
"Ganun lang ba kadali na kumalas sa grupo nyo? "
"Hinde, kung paano ka iwelcome.. Ganun din pag lumabas.. Kaso.. Yung 45 na palo na ibibigay sana sa'kin, sinalo ni Andrei.. "
"Syempre, diba may kapalit naman yun diba? "
"Wala...dahil mahal namin ang isa't isa nun.. "
"Ahhh.. So dati ka palang gangster kaya ka pala magaling makipagbasagan ah. "
"Oo.. Kaya nga ako pumayat eh.. "
"So dati ka na palang mataba? ".
"Yes, I admit. "
Bakit ganun? Habang patagal ng patagal, ang sayang kausap ni Harry.. Ganito ba talaga?
"So utang mo kay Andrei ang buhay mo no? "
"Oo, malaki ang utang na loob ko sa kanya, kaso wala eh..akala ko talaga kami.. Hay naku. "
"Marami pang iba dyan na makakapagpatunay na mahalaga ka talaga. "
Napatingin ako sa kanya.
"Sana nga no? "
Saka tumingin din sa'kin.
Sa totoo lang, di na siya yung Harry na nakilala ko..
Kumpara ngayon.. May sense siyang kausap .
Okay, di pa dito nagtatapos ang istorya, makakaligtas pa ba ang mama ni Allison sa kanyang critical na kondisyon? Sino naman kaya ang magsasalba ng buhay para mapagaling siya?
😊😊😊
![](https://img.wattpad.com/cover/110572865-288-k787231.jpg)
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Teen Fiction"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...