CHAPTER 30✔

858 22 8
                                    

Dumako tayo kay Harry..

Habang natutulog 'to, bigla na lang nagbukas ang kanyang pintuan.

Napadilat ito at nagulat siya sa kanyang nakikita.

"Allison? A-anong ginagawa mo dito?! Bakit pumapasok ka basta-basta dito? "

Lumapit si Allison sa kanya.. Di umimik.

Napaupo ito na lang si Harry. At inilapit ni Allison ang kanyang mukha.

"Teka!! Anong ginagawa mo?! Wag mong sabihing rereypin mo ako! "

"Pssshhh!!! Wag kang maingay. "Bulong sa kanya ni Allison na parang nang aakit pa.. At dahan dahang lumalapit ang mga mukha nila.....

"Harry! Gising na!! May pupuntahan tayo! Huy!! "Boses ni Keifer na niyuyugyog pa si Harry.

Bumalikwas ng bangom si Harry na parang gulat pa.

"Hu! Panaginip lang pala!! Buset! Di ko nakayanan yun! "

"Ano ba yun? "

"Si Allison kasi napaginipan ko.. Pumasok siya dito sa kwarto ko, yung parang may balak siyang gahasain ako.. Tapos nang aakit.. Ayst!! Buti na lang naputol. "

"Hahahaha!!! Ang sabihin mo, sana hindi naputol hahaha!!! Alam mo ba kung ano ng ibig sabihin nyan? May pagnanasa ka na kay Allison.. Hahaha. "

Tumayo si Harry at kinaltukan si Keifer.

"Sira ulo! "

"Harry naman eh!! "Reklamo nito habang hinihimas ang kanyang ulo.

"Tsss.. Saan ba lakad natin? "

"Kahit saan. "

"Sige, lumabas ka na at maliligo na ako. "

Kinuha na nito ang kanyang tuwalya at tumungo na sa banyo.

Habang ito naman si Kenneth maaga nagising..

"Good morning po tita. "Bati ni Kenneth habang eto namang mama ni Allison, abala sa paghahanda ng almusal sa mesa.

"Good morning din iho.. Oh, ang cute mo dyan sa damit ni Allison ah. "

"Haha, cute po ba tita? Hehe.. Hindi pa po siya gising? "

"Naku.. Matagal siyang natulog dahil nagkwentuhan pa kami, alam mo naman yan, palakwento, di nauubusan, ang daldal eh. "

"Oo nga po.. Kaya ang saya nyang kasama. "

"Good morning!!!" Masiglang bati naman ni Allison palabas sa kwarto ng kanyang ina.

"Good morning din! "

"Tara kain na tayo. "

Kumain na rin sila..

Maya-maya, nang matapos na sila.

"Tita, Allison..thank you po sa pagpapatuloy nyo sa'kin dito ah?"

"Naku, wala yun iho.. "

"Ahm kukunin ko lang po yung pinatuyo kong damit sa kwarto ni Alli. "

Tumungo na ito sa kwarto ni Allison.

"Anak, mabait yang si Kenneth. "

"Opo nay, mabait talaga yan. "

"Pero, aminin mo..may nararamdaman ka ba sa kanya? "

"Ma naman, kaibigan ko lang po yung tao, saka.. Alam nyo namang may boyfriend ako eh. "

"Maganda yan anak."

"Ahhh. . Alli, tita.. Tutuloy na po ako. " eto na si Kenneth, suot na nya ang kanyang tshirt.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon