CHAPTER 28✔

867 21 1
                                    

Paglipas ng isang linggo..

Habang naglalakad na papuntang school si Allison ay parang may sumusunod sa kanya.

'Kung sino ka mang sumusunod, maghintay ka.. ' sabi nito sa kanyang isipan.

Maya-maya, iba na ang pakiramdam nya dahil naririnig na rin nya ang foot steps ng sumusunod sa kanya.

Kaya agad nya 'tong nilingon at isang lalake yun.

"Anong kailangan mo sa'kin?! "

Bigla na lang naglabas ng kutsilyo ang lalake saka akmang sasaksakin si Allison, buti na lang agad nakaiwas.

"Bwisit ka ah! Ang aga aga tapos ganito pa ginagawa mo! Pwes! Di kita uurungan! "

"Papatayin kita! " akma na nyang itatama ang kutsilyo kay Allison..

*BOGSH!

Bigla na lang nawalan ng malay ang lalake, dahil may humampas sa kanyang likuran.

Nabigla si Allison sa pangyayari..

"Ayos ka lang ba? " boses ng lalake na mukhang pamilyar sa kanya.

Pagkatingin nya sa lalakeng may hawak na pamalo walang iba kundi si.......

"Kenneth?A-anong ginagawa mo dito? "Nanlaki ang mga mata nito.

Ngumiti si Kenneth ng maluwag, halos di na kita yung mata.

"Andito ako dahil ikakasal ang pinsan ko dito."

"Teka, ikaw lang ba mag isa? Di mo ba kasama sina Rhein? "

"Di eh, buti nakita kita dito.. "

"Huh? Baka maligaw ka nyan.. Wag ka ngang gumala dito. Ang daming masasamang loob dito, lalo na tong isang to, pakitali na lang at dalhin natin sa Presinto. "

"Di ako maliligaw, basta kasama kita. "

"Tsss.. Tara na nga! "

Itinali nila ang lalaking walang malay, saka idinala sa presinto.

"Sir, alam nyo po yang lalakeng yan sinusundan ako! Muntik na nga akong saksakin ng pangit na yan eh! "Sigaw ni Allison.

"Pasensya na.. Utos lang sakin."

"At sinong nag utos sa'yo?!"

"Di ko kilala, di ko namumukaan dahil nakatakip ang kalahating mukha nya, isang babae, binayaran lang ako."

" Ikulong nyo na yan! "Inis na sabi nito, saka dinala na sa selda ang lalake .

Nagpakawala ng buntong hininga si Allison.

"Ayos ka lang ba? "Tanong sa kanya ni Kenneth.

"Oo, hanggang kailan ba ako lalayuan ng gulo? "

"Hayaan mo, matatapos din to, basta mag iingat ka lang.. Tara, saan ka ba pupunta ngayon? "

" sa school.. "

"Nagtuturo ka na pala.. Nga pala kinakamusta ka nila dun.. Namiss ka namin. "

"Namiss ko rin kayo.. Saka pasensya na busy ako kaya walang time magchat sainyo.. "

"Ayos lang, sasabihin ko na lang sa kanila."

"Sige, salamat. "

"Tara, ihatid na lang kita sa school nyo. "

"Sige. "

Other person:

'Malapit na tayong magtuos Allison! Hinding-hindi ko makakalimutan ang sugat na iniwan mo sa'kin! ' sabi naman nito habang nakatingin sa salamin na titig sa mukha nyang may peklat.
Nanlilisik ang mga mata nito.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon