CHAPTER 26✔

837 24 3
                                    

Paglipas ng tatlong buwan..

"Salamat sa lahat ng naitulong mo.. Di ko makalimutan lahat ng naging samahan natin, salamat sa lahat.. Niligtas mo rin ang buhay ko.. Kaya sana mapayapa ka na...salamat sa mga panahong andyan ka.. Dahil.. Alam mo sa totoo lang.. Naging mabuting kaibigan ka rin.. Salamat. "

Napaluha na lang si Allison..

"Kailangan ko na munang umuwi.. Nagiguilty nga ako eh.. Feeling ko kasi.. Nung pumasok ako sa buhay nyo.. Puro gulo na ang dala ko.. Kaya sorry.. Sige, bye na.. "

Naglakad na ito palayo sa puntod. At naghihintay naman sina Rhein, Bryle, Keifer, Maverick at Kenneth sa kanya sa may kotse.
Kaya pumasok na 'to.

"Allison.. Sana makabalik ka ulit dito ha? Mamimiss ka talaga namin.. "

"Di ko alam kenneth.. Di ko maipapangako.. Pero, wag kayong mag alala... Mag vivideo chat tayo.. Di naman ako makakalimot eh. "

"Dapat araw araw.. Kase.. Nakakamiss kaya kadaldalan mo.. "Bryle.

Napaluha na naman si Allison..

"Kayo naman..nagpapaiyak eh.. Tara na deretso na tayo sa airport.. Malelate pa ako sa flight eh.. "

Dumeretso na rin sila sa airport.

Maya-maya din ay nakarating na sila..

"Guys, tandaan nyo.. Di ko kayo makakalimutan, para ko na rin kasi kayong pamilya eh.. Salamat ha? "Mangiyak ngiyak na sabi ni Allison.

"Mamimiss ka namin.. Tara group hug tayo.. "Bryle.

Nag group hug sila... At maya maya'y kumalas na rin sila...

"Sige, aalis na ako.. Baka maiwan na ako ng eroplano eh.. "

"Bye Allison!! "

Nag wave siya at ngumiti.

Saka tumungo na to patungo sa loob ng eroplano na bitbit ang kanyang maleta.

"Mas mabuting magpahinga na rin muna si Allison.. Para naman mawala ang stress nya.. "Rhein.

"Pero pasalamat tayo, dahil natapos na rin ang gulo, malaya na tayo. "Keifer.

"Kaso nga, ang nakakalungkot nga lang.. May nawala.. "Bryle.

"Pero kung saan man siya, malamang mapayapa na siya.. "Maverick.

"Tahimik na rin siya.. At buhay nya pa kapalit para lang matigil ang gulo.. "Kenneth.

"Pero bago tayo magdrama.. Tara na.. "Keifer.

Nagtungo na sila palabas ng airport.

Nasa loob na ng eroplano si Allison.. At lilipad na 'to.

'Magsisimula na ulit ako ng panibago kong buhay, yung tipong tahimik at walang kaguluhan.. Yung laging malaya.. Saka isa pa... Ito na ang mga bagay na natutunan ko.. Kahit mahirap, may mga tao akong natulungan... 'Sabi nito sa kanyang isipan saka napangiti.

Sa condo naman ng mga lalake..

"Hay, kung andito lang sana si Harry, malamang... Sasama yun sa paghatid kay Allison.. "Keifer.

"Oo nga.. Hayaan na lang natin muna siyang manahimik. ."Kenneth.

"Sana nga masaya na siya ngayon no? Grabe yung mga pinagdaanan nya.. Pero di mo aakalaing nangyari yun sa kanya.. "Rhein.

"Oo nga.. Saka.. Tingin ko komportable na siya, kasi malaya na tayo.. Wala nang gulo at nagbabalak sa mga buhay natin.. "Maverick.

"Kaya nga kahit wala nang gulo, sama sama parin tayo. "Bryle.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon