CHAPTER 32✔

782 15 0
                                    

May mga batang naglalaro sa dalampasigan,  naghahabulan.

"Hala!! Andyan na ako! Hahahah!" hinabol siya ng kanyang kapatid hanggang sa may parteng ibabaw ng tubig.

"Kuya!!! Ayoko na!! Hahahaha!! "Natutuwang sabi nito.

Nang maya maya,  bigla na lang lumakas ang alon.

"Kuya!!! "

"Bryan!! "

"Kuya!! Tulong!! "Inaanod na ang kanyang kapatid.

"Bryan!!! "

"Kuya!! "

............

"Kuya!!! " bumalikwas na lang ng bangon si Maverick,  saka naramdaman nyang pumatak ang kanyang luha. Kaya pinunasan nya yun.

'Ano yun? Bakit lagi ko na lang napapaginipan ang dalawang bata na yun? Pakiramdam ko ako yung inaanod ng alon,  bakit ako naluha? ' yan ang mga katanungan sa kanyang isipan.

Nahiga ulit siya na parang naguguluhan.

Tiningnan nito ang kanyang cellphone,  1:39 am na ng madaling araw palang,  saka may mga messeges siyang di pa nabasa,  mga 10 messages.. At 5 missed calls.

Thread:

From: Desperadang Jiji 😒

Huy! Reply ka naman oh 😭
-sent: 9:30pm

My loves! 😭 reply ka!! Tatawagan kita.
-sent: 9:31pm

Hala!! Bakit di mo sinasagot? 😭
-sent: 9:35pm

Maverick! 😭 wag mo akong paiyakin! Bahala ka! 😭
-sent: 9:36pm

😭😭😭😭
-sent: 9:37pm

Sige,  okay lang 😭 sana nakatulog ka na, wag mo sanang iignore ang text ko.
-sent: 9:38pm

Sana magreply ka bukas 😊
-sent: 9:39pm

Wag kang magtetext sa iba! 😂
-sent: 9:40pm

Goodnight na 😘😘sweet dreams!

-sent: 9:41pm

Eto pa! Love you din! Kahit walang tayo!! 😘

-sent: 9:42pm

Yan ang huling message sa kanya..

"Hay,  napaka desperada talaga ng babaeng 'to.. Bukas na lang kita rereplyan.. Inaantok pa ako." sabi nito saka ipinatong sa mesa ang phone saka pumikit na.

At paglipas naman ng umaga.

Eto naman si Rhein,  namimili ng mga kailangan nila.

Patingin-tingin sa paligid..

crowded kasi maraming tao...

*BOGSH!

"Ano ba? Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo! "Masungit na reklamo ng babae sa kanya,  ngunit di namalayan ng babae na kinuha ng isang magnanakaw ang wallet nito,  di rin yun napansin ni Rhein.

"Sorry miss.. " nilagpasan na nya lang ito.

Hanggang sa may magustuhang bilhin ang babae,  hinanap nito ang kanyang wallet.

"Huh? Asan na yung wallet ko?! " halos mangiyak ngiyak na to sa kahahanap,  hanggang sa napatingin na siya sa kinaroroonan ni Rhein,  dahil tanaw nya parin 'to kahit malayo.

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon