Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi madali, dahil sobrang sakripisyo at pagtitiis mong malayo sa'yong pamilya, para lang makahanap ng matinong trabaho.
Si Allison ay nagtatrabaho sa Korea bilang isang waitress sa bar.Minsan, pag day off nya nagtu-tutor na lang siya ng korean Students, pandagdag padala niya lang sa pinas.
[A/n: Guys Korea kasi location ng story so parang nanonood na lang ng k-drama na naka tagalog dub ]
Nasa trabaho siya ngayon, habang nagseserve sa bar, gulat na lang ito nang may humawak sa bandang pwetan nya.
"Hey miss, your so hot, can I take you?" Bulong ng lalake mula sa kanyang tenga.
Nakaramdam ng inis si Allison, kaya ang ginawa nito , ginrip nito ang kamay ng lalake.
"Ah!" Daing ng lalake.
"Alam mo, yang kamay mo eh, kung saan saan dumadapo." Nanggigigil na sabi ni Allison.
Mas lalo pa niya itong ginrip.
"Ahhh!!! Ang kamay ko!" Sigaw ng lalake.
"Kaya 'tong kamay na 'to? Dapat maputol!" Binitawan niya ng patulak ang lalake.
Tatalikod na si Allison, ngunit hinablot agad ng lalake ang kanyang braso kaya napaharap siya dito at dikit na dikit pa.
"Titigan mo ako ng mabuti, diba gwapo naman ako? Pakipot ka lang no, atsaka alam ko namang papayag ka eh, kaya Tara at ipapakita ko kung ano talaga and hinahanap mo, siguradong di ka magsisisi sa'kin." sabi ng lalake sa kanya.
"Bitawan mo nga ako! " angal naman ni Allison.
Mas lalong hinigpitan ng lalake ang paghawak sa braso ni Allison.
"Alam mo, ikaw palang ang nakagawa sa'kin nyan, di ko alam na tatanggihan mo lang ako."
Sabi ng lalake sa kanya, sabay nakakalokong ngiti and ibinigay.
"Ahhhhhh!!!!!! Bastos ka!"
*BOGSH!
"Aww!" Napabitaw ito Kay Allison at napahawak sa parteng pang ibaba nya dahil tinadyakan yun.
"Ano?? Yan ba hinahanap mo ha? Ngayon, dahan dahan ka sa pambabastos mo!"
Tumalikod na si Allison at naglakad palayo.
"Hoy! Dahil sa ginawa mo ! Kakalimutan Kong babae ka!" Mabilis nitong hinabol si Allison, at tatamaan na sana sa mukha ngunit mabilis itong tumingin at nakailag.
"Bwisit! Gulo lang pala hanap mo eh! Bakit di mo sinabi agad? Sige, pagbibigyan kita."
Sinapak naman 'to ni Allison sa mukha.
Kaya napaatras ang lalake."Bwisit ka ! Sisirain mo pa ang mukha ko ah!" Inis na sabi ng lalake, nagkakagulo na sa bar, kaya yung iba nagsilabasan na.
Medyo lasing na ang lalake, kaya pag gusto niyang tamaan si Allison, ilag parin 'to ng ilag.
"Ahhh!! Nakakainis ka!"
Asar na asar na ang lalake kaya dahil dun , nagkaroon siya ng tsansang maitulak ng malakas si Allison, kaya napadapa ito sa sahig.
"Ano? Akala ko ba mabilis ka ? Hm! Isang tulak ko lang pala tumba ka na eh." Nakangising sabi ng lalake.
Nilapitan siya ng lalake, at naglabas pa 'to ng baril at itinutok Kay Allison.
" katapusan mo na!"
Kakalabitin na nito ang baril ngunit nang makita ni Allison ang empty bottle ay kinuha niya 'to at tumayo.
Saka mabilis niya 'tong binasag sa ulo ng lalake kaya natumba ito at nawalan ng Malay.
Wala nang katao tao nang matapos ang gulo.
Agad siyang pinatawag ng manager ng bar.
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Ficção Adolescente"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...