Pagkagising naman ni Allison, naabutan nyang nanonood si Charlie sa sala.
"Good morning my loves.."
Ngiting bati nito kay Allison, ngunit tinarayan nya lang ito.
"Hala, galit ka pa sa'kin? Sorry na oh."
"Alam mo Charlie, nakakainis ka! Kase hinahayaan mo lang yang mga kalat mo sa mesa, pakitapon na nga lang lahat yan! Perwisyo ka eh!"
"Bakit di mo lang kasi maamin na crush mo ako? Gusto din naman kita ah."
"Napaka-feelet mo naman yata 'di kita gusto! Hmp!"
"Charlie, wag mo nang pinopormahan yang future girlfriend ko, akin lang yan." Bryle.
"Anong sa'yo? Akin yan no.." Keifer.
"Binibwisit niyo na naman si Alli, ang aga-aga." Saway ni Kenneth.
"Manahimik nga kayo! Ang aga aga nambibwisit kayo! Wag nga ako ang pagtripan nyo!"'
Masungit na sabi nito.Tumungo ito sa kusina..
Naabutan nya namang nagluluto si Harry, natulala ito dahil sa suot nitong sando na black, kaya kita ang muscles nito. Nang biglang napatingin sa kanya ito.
"Oh, alam kong kanina mo pa ako pinagmamasdan dyan, kung pagnanasaan mo lang ako, wag dito sa kusina." Sambit ni Harry.
"Aba! Kakaiba rin yang iniisip mo no! Bakit naman kita pagnanasaan? Atsaka wala namang kalaman laman yang muscles mo no, puro buto naman."
"Tsss.... Dami mo pang palusot, pagbibigyan kita sa gusto mo, alam ko namang nag iimagine ka eh.."
"Ahh! Ang dumi ng utak mo!"
"Hm.. Wala akong sinabi, di pa ako tapos sa sinasabi ko, what I mean na pagbibigyan kitang pagpantasyahan mo ako sa imagination mo, pero wag mong totohanin."
"Hmp! Kapal! Bakit ko naman pagpapantasyahan ang bugnutin? Hmp! Tingnan mo na yang niluluto mo baka masunog pa." Tumungo naman ito sa sala.
"Ano na namang pinagtatalunan nyo ni Harry?" Maverick.
"Tsss kainis naman kasi eh..tsk!"
"The more you hate, the more you love..hahah! "Rhein.
"Tsssss......"
Hanggang sa kumain na sila..
" nga pala, eto pala niluto ko para sa'yo, Allison." Sabi ni Harry.
"Eh? Seryoso ka?"
"Oo...tikman mo kaya."
"Tsss baka may lason naman yan.."
"Alangan naman di ako criminal mind no."
Tinikman naman yun ni Allison...nang magtagal para siyang natulala.... At...
"Ahhhhhhh!!!!!!! Huuuu!!!! Ang anghang!!!" Sigaw nito na tumayo patungo sa ref para makainom ng malamig na tubig.
Pinagtatawanan nila si Allison."Bwisit ka Harry! Bwisit ka!!!!" Sigaw nito.
Ngayon lang din nila nakitang tumawa si Harry.
Di na rin kumain si Allison dahil nawalan na ito ng gana.
Pagakatapos kumain ng mga lalake...
"Allison, di ka ba nagugutom? Di ka pa kumakain ah." Rhein.
"Bwisit kasing Harry na yun eh! Pinagtitripan ako! May saltik ba yun? Maya maya paiba iba ng mood, ano yun may PMS ba siya?"
"Hahaah! Ano yun babae? Pero alam nyo, ngayon lang natin siya nakitang tumawa ng ganun, napaka problemado nyan eh." Kenneth.
"Oo nga, nakakapagtaka lang." Bryle.
"Tsssss.....ewan ko sainyo! Pero bakit ganyan siya? Natitiis nyong kasama ang ganyan? Di naman palangiti." Allison.
"Mga bata palang kami, ganyan na talaga ugali nyan." Maverick.
"Ahhh kaya pala, pero curious lang ako, nakakalimutan ko lang kasing itanong sainyo, may asawa't anak na ba siya?"
"Anong klaseng tanong yan ? Bakit mo natanong? May gusto ka sa kanya no?" Keifer.
"Bakit siya pa? Andito naman ako ehhh." Bryle.
"Siraulo! Nung naglinis ako sa kwarto nya, may nakita akong isang larawan ng babae at may sanggol na kamukha ni Harry sa ilalim ng unan."
"Ewan, ang pagkaalam namin, wala pang sariling pamilya yan, di pa nga nagkakasyota yan eh." Keifer.
"Eh?"
"Nakikinig ako sa usapan nyo, tungkol sa pinsan ko? Single pa siya, atsaka yung nasa larawan, mama nya yun at si Harry ang sanggol na yun." Eto naman si Charlie.
"Oh, Charlie, aalis ka na?" Rhein.
"Oo, aalis na ako, sige paalam na, lalo ka na Allison my loves, babalikan kita." Sabi nito sabay kindat pa.
"Tssss..."
"Oy! Wala ka nang mababalikan! Akin lang siya no." Bryle.
"Haha!" Lumabas si Charlie.
"Bryle alam mo desperado ka, as if namang ikaw ang pipiliin ni Allison , mas gwapo naman ako." Keifer.
"Hoy! Ayan na naman kayo! Manahimik nga kayong pareho! Mabubugbog ko kayo!" Allison.
"Kayo kasi, wag kasi kayong desperado, mga playboy kayo eeh.," Rhein.
Pinagtitripan nila si Allison pag gusto nila.
___dark_greyy
![](https://img.wattpad.com/cover/110572865-288-k787231.jpg)
BINABASA MO ANG
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]
Fiksi Remaja"THAT LITTLER GIRL IS OUR BUTLER? " ACTION/COMEDY/LOVE She's just a little girl, such an ordinary girl na akala mo madaling mapaiyak. But do you believe that she's protecting the six boys? Kaya wag kang magkakamaling kalabanin yan, dahil THAT LIT...