CHAPTER 60✔

947 17 0
                                    

Hanggang sa lumipas pa ang pag iimbistiga sa katawang nasunog sa budegang yun..

Alam na rin ng magulang ni Allison ang nangyari kaya sobrang sakit sa kanila yun.

"Ma'am,  sir.. Eto po yung sunog na bangkay ng babae.. "Tinanggal ang puting kumot at ipinakita ang sunog na bangkay.

"Hinde! Hindi si Allison yan! "Iyak ni Allice.

"Ahm,  may nakuha po kaming gamit nyan.. Eto po oh. "

Ibinigay ang nakaplastic na kwintas..

Kaya mas lalong humagulgol ang ina nito.

"Hindi maaari! Eto yung binigay kong kwintas sa kanya nung 18th birthday nya! "Napayakap na lang din ito kay Willson na umiiyak din.

*3 MONTHS LATER*

[HARRY]

Nakakalungkot lang isipin na wala na si Allison..

Sa puso't isip ko.. Buhay pa siya.. Kaso eto.. Mananatili na lang siyang ala-ala sa'kin.

"Pare.. Nakakalungkot isipin ang pagkawala ni Allison no? "Sabi ni Bryle na parang naiiyak na..

Ngayon na naman kami nagsasama sama ulit..

Kaso lahat kami malungkot,  pero kailangan naming maging matatag,  dahil ito ang gusto ni Allison.. Ang mapasaya kami.

"Alam nyo mga bro.. Pwede, wag na muna tayong magdrama? Ayaw ni Allison na nakikita tayong ganito.. "Sabi ko sabay pilit na ngiti ang ibinigay ko..

[ALLICE]

Bilang isang ina.. Napakalungkot ng buhay ko dahil sa pagkawala ng anak ko..

Hanggang ngayon umiiyak parin ako sa sobrang kalungkutan ko.

"Tama na yan mahal.. Basta,  alam kong mahal tayo ni Allison..."napayakap na lang siya sa kanyang asawa..

Naalala ko lahat ng masasayang ala-ala namin ni Allison..

Yung ngiti nya..

Lahat lahat..

-----


*ONE YEAR LATER*

Marami nang pagbabago..

Sina Kenneth,  Bryle at Rhein,  taken na...

At sina Maverick at Keifer naman.. Engaged na..

At si Harry? Still single parin..

Masaya na siyang mag isa...

"Harry,  ikaw na lang... Wala ka bang balak? "Keifer.

"Wala... Ewan ko? "Sagot ni Harry.

"Huh? Wala tapos ewan?  Ano yun? "Kenneth.

"O baka affected parin sa pagkawala ni Allison.. "Bryle.

"Siguro nga.. Minahal ko na rin kasi.. Di ko man lang nasabi sa kanya bago mawala. "Seryosong sabi ni Harry.

"Oh! Himala! Ngayon ko lang narinig yan ah! "Rhein.

"Bago sa pandinig namin yan ah haha. "Maverick.

"Ewan ko sainyo. Wag nyo akong inaasar. "Harry.

[HARRY]

Late na akong umamin.. Kaso ano nang silbi nun?

"May kailangan akong puntahan.. "

"Saan naman? "

"Basta.. "

------------

Paglipas ng ilang araw.

Andito ako sa puntod ni Allison... Nasa pilipinas nga ako..
First anniversary nya ngayon.

"Alli... Ang tanga ko no?  Sa tinagal tagal na nating magkasama.. Di ko naamin sa'yo na mahal kita.. "

"Talaga? Mahal mo ako? "

Huh? Boses ba yun ni Allison?

Dahil dun,  bigla na lang akong kinilabutan.

"Allison,  wag na wag mo akong tatakutin. Please. "

"Hahaha,  takot ka pala sa multo? "

Naramdaman kong humawak siya sa kanang balikat ko.

Nagulat na ako dun at napatingin sa kanya..

Humarap ako sa kanya..

Nakangiti.. Masaya..

"Oh,  ang laki ng mata mo ah.. Haha.. Parang nakakita ka ng multo. "

"K-kasi... Imposibleng... Buhay ka. "

"Anong imposible? Buhay ako? Buhay na buhay ako no.."

Di na ako makaimik.

"Di ka makapaniwala? Papatunayan ko. "

Bigla na lang nya akong hinalikan sa labi.. Mga 5 seconds..

Kaya yung kaba na bumabalot sa dibdib ko.. Napalitan ng kilig at lakas ng pagtibok.

Nang humiwalay ang labi namin..

Nakangiti lang siya.

"Ano? Naniniwala ka na? Tulala ka na naman eh! "

"K-kasi.. "

"Ssshhh.. Buhay na buhay ako. "

[ALLISON]

Buhay nga ako..

"Paanong buhay ka? "

Tiningnan ko ang puntod na nakapangalan sa'kin.

"Ehh?? Hahaha natatawa ako dito.. Di naman ako ang nasa loob nyan ah. "

*THROWBACK*

Nag aagawan kami ng baril ni Rainier.

Maya-maya pa ay nahulog ang kwintas na bigay sa'kin ni Mama.. Kaya pupulutin ko na yun nang inunahan ako ng isang babae,  si Xiarra.

"Akin na yan! "Pilit kong inaagaw yung kay Xiarra ngunit di nya ibinigay.. Saka hinablot ko ang baril sa kamay nito.

*BANG!

Nakaramdam na lang ako na may tumamang bala sa likuran ko..

Kaya dali-dali akong humarap kay Rainier at ipinutok ang baril at tumama ang bala sa kanyang dibdib. Kaya bigla na lang siyang natumba.

"Rainier! "Dali-daling lumapit si Xiarra kay Rainier.

Kaya agad na ako tumakbo palabas,  sa likuran na ako lumabas..

Nabigla na lang ako nang sumabog yun..

At nawalan na lang ako ng malay..

---

Pagkagising ko.. Si Romnick bigla ang nakita ko..

Dinala ako sa ospital,  nasa private room ako..

Kaya naisipan ko munang magtago para makarecover..

Kaso di ko alam na may mga umiiyak na akala nila wala na ako..

*END OF THROWBACK *

Napayakap na lang si Harry sa'kin.

"Akala ko huli na ang lahat.."

"Di pa huli Harry... Mahal mo ako diba? "

"Oo.. "

"Mahal din kita.. "

Alam na nila papa na buhay ako..

Kaya syempre balik sa dati.. Sa normal na buhay..

..

..

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon