CHAPTER 43✔

619 18 4
                                    

Lumipas pa ang bakasyon,  ngayon na ay rest day ni Allison,  dahil summer naman.. May plano na silang pumunta sa isang resort,  at naisipan nilang pumunta sa palawan.

Maggagabi na..

"Pa,  excited ka na po bang magbakasyon? "Allison.

"Oo naman,  saka libutin ko naman kung gaano kaganda ang lugar na 'to. "

"Pa,  alam kong maeenjoy nyo 'tong pagtatravel natin,  saka sulitin na natin.. "

"Oo naman.. "

"Ano? Wala na bang naiwang gamit? Alis na tayo. "Pagyayaya naman ng kanyang ina,  saka sumakay na sila ng sasakyan papuntang airport para magflight papuntang Palawan..

*FAST FORWARD..

*PALAWAN*

"Ang ganda pala dito.. "Sabi ni Mr. Yoon na nagtetake ng shots sa mga natures.

"Oo nga pa,  sana ganito na lang lagi sa paligid natin,  peaceful,  tahimik.. At nakakalanghap ng sariwang hangin. "Allison.

"Oo naman,  saka magandang lugar 'tong napili natin ah.. "

"Si dad ang gustong pumunta dito.. "

Nagcheck in na rin sila sa isang hotel dun.. At maya maya pa ay nagtungo sila sa isang cottage,  at masayang nag iihaw ang mga magulang nito,  habang si Allison,  pinagmamasdan lang ang magulang habang nakangiti,  dahil nagsusubuan pa ng inihaw ang dalawa na akala mo teen ager palang..

"Wooh! Kinakagat na ako ng langgam dito.. "Allison.

Napatingin ang mag asawa sa kanya.

Saka tinawanan lang siya..

"Siya nga pala.. Ma, pa.. Kailangan ko munang maglibot-libot.. Dyan na muna kayo. "Paalam ni Allison.

"Sige,  ingat ka lang anak. "Sabi naman ng kanyang ina,  saka naglakad na 'to mag isa..

Lagi siyang kumukuha ng litrato..

"Ano ba kasi! Bitawan mo nga ako! "Dinig ni Allison mula sa kanyang kanan..

"Ano ka ba? Tayo lang naman nandito,  saka walang makakakita diba? "

"Bitawan mo ako! Ahh! Ano ba?! Tulong! "Sumisigaw na ang babae..

Kaya sinilip yun ni Allison,  nang makita ang babaeng pinagsasamantalahan ng isang lalake.

"Hoy! Itigil mo nga yan! "Sigaw ni Allison sa lalake kaya napatigil ang lalake at tumingin kay Allison..

Ngumiti ng nakakaloko ang lalake saka napabitaw sa babaeng dapat nyang pagsamantalahan.

"Aba...ba't ka ba nangengealam? Gusto mo sa'yo ko gawin 'to? Hmm kung sabagay.. Mas hot ka nga oh. "Kagat labi pa 'tong lalake.

"Hm! Hoy! Kung lahat ng babae gusto mong makuha! Tandaan mo! Wag ako! At isa pa! Wag kang magmayabang!"

"Aba! Di pa pala uubra sa'yo ang kagwapuhan ko ah.. Hmm.. "

"Meron ka ba nun? Excuse nga! Miss tara na baka kung ano pang magawa ng hayop na 'to sa'yo. "

Mabilis na lumapit ang babae kay Allison,  tatalikod na sana sila nang higitin ng lalake ang braso ni Allison para ipaharap sa kanya.

"Miss,  sinabi ko bang aalis ka? "

"What the! Sinabi ko bang manghila ka?! "

*BOGSH!

"AHHHHH!!! " sigaw ng lalake na napahawak sa kanyang private part dahil tinadyakan ni Allison.

"Hoy! Sa susunod,  piliin mo kung sino ang binabastos mo!"

THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon