CHAPTER 20✔

1.1K 24 2
                                    

Sa nanay naman ni Allison.

"Buti, nakatawag na sa'kin si Allison, nung nakita mo ba siya, ayos lang ba siya? "Tanong ng nanay ni Allison kay Andrei.

"O-opo, ayos lang naman po siya tita, bakit po? "Utal na sagot nito.

"Kase, may hindi pa siya nasasabi sa'kin eh, sabi nya sasabihin nya na lang pag uwi nya dito. "

"So, may plano pala siyang umuwi tita, alam mo sa totoo lang po tita, mahal ko po talaga siya. "

"Bakit di mo ipaglaban? Alam mo, ramdam kong mahal ka parin ni Allison.. "

'Ang ibig sabihin nyan, bumalik na ang ala ala ni Allison? ' sabi ni Andrei sa kanyang isipan.

"Oh, natulala ka.. "

"Ahm, wala po, kung may balak po siyang uuwi, malamang may pag asa na kaming magka ayos. "

"Oo iho, wag mo kasing saktan ang damdamin niya, alam mo namang ikaw lang ang lalaking minahal niya. "

Napangiti na na lang si Andrei.

"Opo tita, kung saan siya masaya, gagawin ko po. "

Tumango lang ang nanay ni Allison.

At kay Harry naman.. Umaga palang ngunit masarap parin ang kanyang tulog.

*KRIIIIIINNNNGGGGG!

"Ahg! Bwisit! Ang aga nang iistorbo! "Inis na sabi nito kaya tinakpan nya ng unan ang kanyang tenga.

*KRIIIIIINNNGGGG!!!

"Bahala ka dyan! "

Ring ng ring lang ang kanyang cellphone.

*KRINGGGGGGG!!!!!!

Bumalikwas ito ng bangon at tiningnan ang screen kung sino ang tumatawag.

Unknown number ang nakalagay..

Sinagot nya agad yun..

"Hello, sino ka bang nang iistorbo ang aga aga ha? "Inis na sabi nito.

(Pinsan naman, si Charlie 'to, sungit mo ah.. Kamusta na? )

"Mukha mo! Kaya pala di kita macontact kasi nagpalit ka ng number, asan ka ba ha? "

(Sorry naman, nasa Japan ako ngayon, sinama kasi ako nila mommy dito, dahil ipapakilala nila ang fiance ko.)

"Huh? Ibig sabihin ikakasal ka na? "

(Oo, actually, mamayang gabi na ang engagement party eh, sayang di kita sinama, atsaka.. Sana naman maganda ang magiging asawa ko, kagaya ni Allison, hihi.)

"Hay naku, alam mo maganda man o pangit wag kang choosy! Arte mo di ka naman kagwapuhan! "

(Ay, tandaan mo, kung di ako gwapo, ganun ka rin hahah!)

"Lol! Di tayo magkamukha! Bakit ngayon ka lang tumawag ha? Alam mo ba, kailangan ka namin dito. "

(Huh? Bakit?)

"Bumalik na ang ala-ala ni Allison, at ang totoo nyan, si Aries ang kumidnap sa kanya. "

(Ay! Sabi na nga ba eh, next week pa kasi ako uuwi.)

"Dalian mo na! Alam mo kasi kung saan nagtatago si Aries eh. "

(Isang secret house ang tinataguan nya, pero di ko madetermine kung ano ang direction kasi puro gubat yun, kailangan andyan ako para maituro ko, baka kasi maligaw kayo eh. )

"Sige. "

(Si Thyler? Nakikipagtulungan din ba sainyo? )

"Wala akong tiwala sa kanya, alam kong may alam siya. "

(Sige, basta alamin nyo na lang muna, ibaba ko na muna 'to.)

"Sige. "

*CALL ENDED.

'sana naman di maging palpak ang mga plano. ' sabi nito sa kanyang isipan.

Kay Thyler naman, katawag niya si Charlie.

(Pre, kung may alam ka kung asan ang daddy mo, wag mo nang pahirapan sila mr. Yoon, wala ka ba talagang alam?)

"Wala talaga, nakikipagtulungan na nga ako sa kanila eh, pero di ko pa nasasabi sa'yo eh, nung time na nakita ko si Allison na nabunggo, actually sinusundan ko si dad kung saan siya pupunta, dahil bago yun, isang gabi naririnig ko siyang may kausap at bigla na lang humalakhak, ang kutob ko nun, may masama siyang ginagawa ."

(So, ibig sabihin nun, si Allison, galing sa secret house ng daddy mo.)

"Secret house ni dad? "

(Oo, di mo alam yun?)

"Try kong balikan yun, baka sakaling makita ko kung asan ang secret house na yun. "

(Oo mag iingat ka lang, alam kong mahirap to sa'yo. )

"Mahirap talaga pre, minsan kase kailangan mong gawin ang tama. "

(Alam kong naiipit ka sa sitwasyon na 'to, pero tama ka.)

"Oo.. "

(Sige ibababa ko na muna to may gagawin pa kasi ako eh. )

"Sige. "

*CALL ENDED

Di alam ni Thyler kung ano ang gagawin nya, dahil siya na ang nahihirapan sa mga pinaggagawa ng kanyang ama..

End....

Bitin na naman, intense na ba kayo guys?? Hahaha..

Thank you readers..

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon