Chapter 9

110 6 0
                                    

Haisha's POV

Mabilis lumipas ang araw at friday na. Buti naman at makakapagpahinga ako ng maayos.

"That's all for today. You can have your free time" - Prof

"Yes"

"Ayown"

"Yehey"

Sigawan ng mga classmates ko. Maagang nagdismiss kasi may meeting daw ang mga prof.

Inayos ko na ang gamit ko atsaka tinignan si Shea na nag aayos din ng gamit nya.

"Tara cafeteria" aya ko kay Shea. Tumango naman sya.

Paalis na sana kami ng hawakan ni Zandrex ang kamay ko. Nagulat ako kaya agad kong binawi yun. Pero kinuha nya ulit.

Ano bang problema nito. Tinignan ko naman yung mga barkada nya atsaka tinanguan lang ako na parang sinasabi nilang just-go-with-the-flow-look.

"What's going on?" sabi ko sa kanila.

Lumapit naman agad sakin si France at binulungan.

"Makisakay ka na lang"

So wala na akong nagawa. Lumabas na kami ng room.

As expected. Nasa amin na naman ang atensyon ng mga estupidyante at syempre mawawala ba ang mga bulungan nila na hindi naman bulong dahil rinig na rinig namin? Syempre hindi.

"Ohmyghad. Sila na ba?"

"Kailan pa naging sila?"

"Waaah. Ang gwapo talaga ni Zandrex bagay sila"

"Sila na pala? Pero bakit wala akong nabalitaan na nagdedate sila?"

"Oo nga e. Walang ligawan na naganap? Masyado namang easy to get si ate"

Napantig ang tenga ko sa narinig ko kaya humigpit ang hawak ko kay Zandrex. 

"Hayaan mo na bagay naman sila"

Malapit na kami sa cafeteria ng may humarang samin na tatlong babae.

"Babe" sabi ng isang babae na mukhang clown dahil sa kapal ng make up. Leader ata nila. Pagkasabi nya nun ay agad nyang pinulupot ang kamay nya sa braso ni Zandrex. Nakita ko naman si Zandrex na napangiwi.

Tsk. Ano sya ahas? Grabe lang makapulupot. Kung makapagsuot pa ng uniform akala mo kinapos sa tela e.

"And you? Who are you bitch?" mataray nyang tanong sakin.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Babe! Namiss kita. Sino ba yang babae na yan? At bakit magkahawak kayo ng kamay? Bitawan mo nga BOYFRIEND ko!" sabi nya at talagang inemphasize nya pa yung word na boyfriend ha? 

Pagkasabi nya nun ay marahas nyang tinanggal yung kamay ni Zandrex na nakahawak sa kamay ko. Nabitawan nya naman yon dahil hindi nya inaasahan na gagawin yun nung babaeng mukhang clown.

"Ano ba Dianne" sita sa kanya ni Zandrex.

"Pero babe! Nawala lang ako ng isang linggo pumapayag ka ng landiin ka nitong malanding babae na to!" pagmamaktol nya at tinuturo pa ako.

Napantig na naman ang tenga ko. Ako malandi? As in DUH!

"Excuse me? Are you referring to yourself? Sa pagkakatanda ko kasi hindi ako malandi"

"Pfft" rinig kong pigil na tawa ng barkada.

Napalaki naman ang mata ng gaga sa sinabi ko. Gulat ba sya? Pumapalag din ako no!

Bigla nya akong sinamaan ng tingin kaya tinaasan ko lang sya ng kilay.

"How dare you!" sabi nito sakin.

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon