Zandrex's POV
"Haisha Jy" Basa ko sa nakasulat dito sa pinto nya.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung kakatok ba muna ako o papasok na agad since tulog naman daw si Haisha.
Pero what if di ako kumatok tas pumasok na lang ako bigla tapos gising pala sya? Baka masapak lang ako nun. Tch.
Pero pano naman kung kumatok ako tas wala namang magbukas sakin? Kasi nga tulog sya, baka magising ko pa sya. Masasapak pa din ako nun.
Aish. Ano ba gagawin ko? Kinakabahan ako buset.
Hinawakan ko ang doorknob at dahan dahan na pinihit ito. Unti unti ko naman nakikita ang loob ng kwarto nya at ng tuluyan ko ng mabuksan ang pinto, pumasok nako. Nakita ko syang nakahiga sa isang queen size bed. Lumapit ako dun para makita ko sya ng mabuti. Naupo ako sa gilid ng kama nya at pinagmasdan ng maigi ang mukha nya. Ang himbing ng tulog nya at halatang ang lungkot lungkot ng mukha nya. Ewan ko ba pero tuwing makikita ko syang malungkot nalulungkot din ako. O baka naman hindi lang talaga ako sanay na ganyan sya?
Ang Haisha kasi na nakilala ko mataray kahit makulit, tahimik kahit madaldal. Luh? Ano ba yun? May ganun ba? Tch. So yun nga, mahilig mambara kahit matalino. Malakas mangtrip kahit naughty at higit sa lahat kahit mapang asar masayahin.
Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Okay naman sya diba? To be honest, nag-aalala talaga ako sa kanya. Hindi dahil sa sinabihan ako ni mommy na alagaan ko sya pero dahil nararamdaman ko ito ng kusa.
Hinawakan ko ang kamay nya. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ginagawa ko to. Ang lambot ng kamay nya. Makinis din.Halatang alagang alaga nya ang balat nya.
Tumayo ako at iniayos ang kumot na nagulo sa pagkakapatong sa kanya. Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto nya at di ko maiwasan mamangha. Napakalaki ng kwarto nya. Hindi ko inaasahan na ganito ito kalaki. Pagbukas mo kasi ng pinto makikita mo agad ang kama nya. Makikita mo din ang bookshelf na narito sa kwarto nya. Sa harap ng kama nya sa may bandang taas may nakalagay na medyo kalakihang flat screen tv. May comfort room din. Sa side table ng kama nya naman may nakita akong nakapicture frame kaya kinuha ko ito family picture nila nung birthday nya. Sobrang saya nila sa picture na to. Binalik ko ang picture at kinuha pa ang isang picture na nakaframe din. Ito naman yung picture nilang magbestfriend. Pareho silang may icing sa mukha, nakasimangot rito si Shea habang sya tuwang tuwa. Nilapag ko ulit yun at kinuha ang isa pang picture na nakapatong. Its a picture of her. Nakangiti sya habang may hawak syang kutsara at nasa harap nya ang dalawang galong ice cream. Natawa naman ako. Ang cute nya dito.
Sa right side naman ng kama nya may hagdan so it means yung kwarto nya ay may second floor pa nakita kong may dalawang pinto doon sa second floor since open naman tong side para makita mo na may dalawa pang pinto. Hindi na ako umakyat dun dahil sa tingin ko ay dressing room nya yon. Binaling ko ang tingin ko kay Haisha at nakita kong gumalaw sya bigla parang hindi mapakali ang ulo dahil sa pakaliwa't pakanan nito. Agad akong lumapit ng makita kong may tumulong luha sa mata nya.
"No! Kent, please wake up! I beg you please. Noooo!"
"Kent, wake up!"
"Keeeent"
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance