Chapter 23

97 7 2
                                    

"Why are you asking?" pormal na tanong ni Zandrex.

Nagulat naman ako ng biglang tumingin sakin si France. My goodness!

"Wala lang. I just want to know" sagot nya na hindi man lang inalis ang tingin sakin. Nakangiti sabay kindat. Luh, aatakihin ako sa puso neto e.

Natahimik naman ulit kami. Nakakapanibago, hindi naman sila ganito kung kumain e. Maingay sila at talaga namang madadaldal pero bakit parang nag iilagan sila ngayon? Tsh. Hindi naman siguro dahil samin ni Shea diba? Hindi lang naman ito yung unang beses na nakasabay namin silang kumain.

Nauna akong matapos kumain kaya nilabas ko yung phone ko. Maglalaro muna ako.

Napatitig ako sa phone ko. Napaisip.

"Mahaba at matigas, nang isubo ay kumatas" napapaisip kong bulong. 

May nakalagay na clue.
'Mas mahaba mas masarap. Iba't ibang flavor'

Ang hirap naman. Myghaaad. Nasasaid ang utak ko.

"Ehem" Ubo ng kung sino. Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Lahat sila nakatingin ng masama sakin maliban kay Shea na pinipigilan tumawa. Wtf?

"What?" kunot noo kong tanong.

"HAHAHAHAHAHAHA" Di na napigilan ni Shea ang matawa. Tsh. Akala mo mamamatay na sa kakatawa e, nakahawak pa sa tiyan nya.

"What did you say?" namumulang tanong ni Zandrex. Tsh. Nagpipigil ba to ng galit o kinikilig?

"Say what?" naguguluhan kong tanong. Ano bang sinabi ko at nagkagaganyan sila? Tinignan ko si France, nakakunot ang noo at ang sama ng tingin sakin, tinignan ko si Greg, gulat ang mukha nya, tinignan ko naman si Rexel ang sama din ng tingin at si Thunder na namamangha ang tingin sakin na para bang may sinabi ako na hindi kapani-paniwala.

"HAHAHAHAHA!" bumaling naman ako kay Shea na patuloy pa din sa pagtawa
Tsh. Abnormal pati lamesa hinahampas pa. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga stupidyante.

"Aray" binatukan ko nga.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Mga sinapian ba kayo? Tsh"

"Hahahahaha--" hindi na natapos tumawa ni Shea ng tignan ko sya ng masama.

"Why are you laughing so hard? And why are you guys staring me like that?" nagtataka kong tanong.

"E kasi bes, yung Hahaha, yung sinabi mo kanina. Yung hahahaha mahaba at matigas" walang humpay na tawa niya. Tsh. 

Mahaba at matigas? 

May sinabi ba akong ganun?

Pero literal napalaki ang mata ko ng magsink in sa utak ko ang sinabi nya. Napatingin ako sa hawak kong cellphone. Myghad narinig pala nila yung bulong ko? Tsk.

"Uh. Guys mali kayo ng iniisip" nahihiya kong sabi.

Baka mamaya iniisip nila na may katext ako at ganun ang text sakin. Nakakahiya baka kung ano na lang ang isipin nila.

"So what's that?" Pormal na tanong ni France at ininguso pa ang hawak kong cellphone.

"Cellphone. Hindi mo alam?" diretso kong sagot.

"Hahahahahahaha" nanguna na naman ang tawa ni Shea. Wtf?

"Tsk. Ang tino mo talaga kausap no?" iritadong sagot ni Thunder.

"Tch. He asked me what is this right? I just answer him. Stupid" I said while rolling my eyes.

"Tsk. Why did you say that?" Zandrex na namumula pa din at halatang nagpipigil ng inis.

"Teka, kalma. Its just a game okay? A logic" sabi ko sabay pakita sa kanya ng phone ko na halos idikit ko na sa mukha nya.

"Ano ba!" Reklamo nya. Tch.

"Its not what you think guys okay? Tch" 

"Ikaw naman kasi te, out of nowhere magsasalita ka bigla ng ganun. Kung may nakarinig sayo na iba iisipin ang naughty mo" 

"Tch" angil ni Zandrex.

"So alam mo na ba ang sagot?" Ngingiti ngiting tanong ni Shea. 

'Mahaba at matigas, nang sinubo kumatas'

Ang hirap naman kasi e. Ano nga bang sagot? Alam nyo ba?

"Ang hirap e" umiiling kong sagot.

"Ano nga ulit yung tanong?"

"Mahaba at matigas, nang sinubo kumatas" diretsahan kong sagot.

Nagulat kami ng biglaang tumayo si Zandrex.

Tch. Problema nun?

Tiningnan namin ni Shea yung mga boys at nagulat kami ng makitang nanlilisik na ang mga mata nila samin.

"Seriously? Dito nyo talaga pinag uusapan yan?" angil ni Rexel na ang sama sama ng tingin kay Shea. Napayuko naman si Shea sa kahihiyan. Tch.

"What's wrong? Told you its just a game" sabat ko naman. 

"Tigilan nyo nga yan" Kunot noong saway samin ni Thunder.

"Tara na guys ten minutes na lang start na ng klase" singit ni Greg. Nagkatinginan naman kami ni Shea. Napatayo kaming lahat at diretso nang pumunta sa room namin. 

Pagkadating namin dun. Nakita namin si Zandrex na prenteng prenteng nakaupo sa upuan nya at may salpak na earphone. Tch. Maasar nga.

"Pst" tawag ko kay France na nakaupo na sa upuan nya.

"What can i do for you gorgeous?" nakangiting sabi nya sabay kindat sakin. Tokneneng na dimple yan.

"Pwede bang palit muna tayo ng pwesto? May sasabihin kasi ako kay Zandrex kung okay lang?" nakangiti ko ding bulong sa kanya. Pero halos magulat ako ng makitang biglang nalungkot ang mga singkit nyang mata. What happened?

"Yes sure. Anything for you" nakangiti nyang sabi. Ngiti na nasasaktan. Luh?

Tumayo ako at lumipat sa pwesto ni France. Tinignan ko naman si Zandrex ng palihim at nakita kong nakakunot ang mga noo nya.

"Hi" bati ko sa kanya sabay kalabit sa kanya.

"Tch. What are you doing?" Nagtataka at the same time naiinis nyang tanong. Tinanggal nya ang nakasalpak na earphone sa kaliwang tainga nya since nasa left side nya ako. 

Sungit. Tch.

"Nothing. Just staring" nakangisi kong sagot.

"Tch. What do you need?" pormal na tanong nya. 

"I think you can help me" matamis ang ngiting ibinigay ko sa kanya.

Napakunot naman lalo ang mga mga noo nya.

"Help you for what?" 

"for this" pinakita ko ang hawak kong cellphone sa kanya.

"I know you can answer this. Maha--"

"Nang-aasar ka ba?" naiirita nyang tanong. 

Hahahaha! Halatang nag uumpisa na syang mamula. Wala pa nga akong sinasabi namumula na ang mga tainga nya. Tsh. Nginitian ko sya ngunit ngiting nang aasar ang ang ibinigay ko sa kanya.

"Oo" 

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon