Shea's POV
Nagulat kami ng biglang umalis si Haisha at Rexel.
"San pupunta yung mga yon?" tanong ni France.
Wala namang sumagot sa tanong nya dahil mukhang hindi rin nila alam.
Aish. Bakit ba sila magkasama? Bakit nauna na sila? San sila pupunta?
"Tara na sa cafeteria. 30 minutes lang ang break natin" Aya samin ni Greg.
"Baka nasa cafeteria lang yung dalawang yun" kampanteng sabi ni Thunder.
Pagpasok namin sa cafeteria nagulat kami ng makitang andun nga silang dalawa at mga nagtatawanan pa.
"Yo" masiglang bati samin ni Rexel. Tch. Di man lang tumingin sakin.
"Hey" masayang bati samin ni Haisha pagkaupo namin sa table.
Takte! Naiinis ako.
"Bakit ang tagal nyo?" tanong ni Rexel kila France.
"Hindi kami matagal, excited lang talaga kayo lumabas" singit naman ni Zandrex na nakatingin ng diretso ngunit masama kay Haisha.
Nagkatinginan naman si Haisha at Rexel sabay
"HAHAHAHAHAHAHA" sabay nilang tawa.
"Tch. Abnormal" Bulong ni Thunder.
"Hey, are you saying something?" inosenteng tanong ni Haisha kay Thunder na parang hindi narinig ang sinabi nito. Sus.
"Tara na Haisha, tayo na lang umorder para sa kanila" sabi ni Rexel kay Haisha at inalalayan pang tumayo dahilan para magkahawak ng kamay sila.
"Yes, sure" tumingin sakin si Haisha at ngumiti ng nakakaasar.
Pagkaalis nilang dalawa, Naiinis man ay tinignan ko pa din itong mga kasama ko na naiwan dito sa table.
Mga nagtataka sila. Tch. Maski din naman ako e. Pero nagulat ako ng makitang nanlilisik na ang mga mata ni Zandrex na nakatingin sa may counter. Tinignan ko ang tinitignan nya at laking gulat ko ng makitang nakaakbay si Rexel kay Haisha at masayang masayang tumatawa.
Anong meron? Bakit sila magkaganyan? Ang sakit. Kingina.
After nila umorder bumalik na silang dalawa dito sa table. At maya maya lang ay dumating na ang inorder nila.
Tahimik kaming kumakain ng makita kong bumulong si Rexel sa kanya.
"Myghaad. Seriously ginawa nya yon? Hahahahaha!" sabi ni Haisha.
Napatingin naman kaming lahat sa kanila ng puno ng pagtataka ang mukha.
Argh. Naiinis talaga ako. Naiinis ako! Takte.
Ano ba ginawa ko sayo Haisha?
Napabusangot ako lalo ng mukha ng makita kong bumulong din si Haisha sa kanya.
"HAHAHAHAHA! Really?" Isa pa to si Rexel e. Lakas makatawa parang akala mo wala ako dito.
Heller! Andito kaya kami.
"Ehem" pekeng ubo ni Zandrex. Natigil naman yung dalawa sa paglalandian. Err.
Bigwasan ko tong dalawa na to e.
Di nakaligtas sakin ang mga tingin ni Haisha sakin at mga ngiti nyang mapang asar.
Gumaganti ba sya sakin? Sa mga pang-aasar ko sa kanya? Huhuhu T.T
Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si Haisha at Rexel. Di pa nga kami tapos kumain, iiwan na nila agad kami?
"Ah, Guys, una na kami ha?" paalam samin ni Haisha. Lumingon sya sakin at binigyan ako ng nakakaasar na ngiti.
"Eh? San kayo pupunta? Di pa kami tapos kumain oh" pagtatanong ni France.
Hays. Buti naman at may nagtanong.
"May aasikasuhin pa kasi kami" sagot naman ni Haisha.
"Importante ba yan? At di nyo kami mahintay hintay?" inis na tanong ni Zandrex.
Uh? Totoo ba tong nakikita ko? Mukha syang nagseselos dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa mineral bottle. Halos mayupi na.
"Uh? Yes" diretsong sagot ni Haisha. Kasabay non ay ang pag alis nila. Argh. Nakakainis! Takte. Nakakaselos na, nakakaasar pa.
"Ano bang meron sa dalawang yun?" nagtatakang tanong ni Greg samin.
"Oh, Shea. Okay ka lang ba? Halos baluktot na yang spoon sa ginagawa mo oh! Pfft." natatawang tanong sakin ni Thunder.
Tinignan ko naman ang kutsarang hawak ko at tama nga sya, halos baluktot na to. Tch. Naiinis kasi ako e, as in sobra! Sobra pa sa sobra.
Padabog namang tumayo si Zandrex. At akma ng aalis ng pigilan ko sya.
Susundan kaya nya yung dalawa? Makasama nga.
"Uh. Wait, where are you going?" tanong ko.
"None of your business" sagot nya at umalis na nga.
Tch. Ang sungit.
After namin kumain, dumiretso na kami sa room kaso pagdating namin don, wala pa sila Haisha at Rexel. Tanging si Zandrex lang na ang sama sama na ng mukha. And all I can say is nakakatakot na sya.
"Fuck! Where are they?!" sigaw nya.
"May inasikaso nga daw diba? Kumalma ka nga. Nagseselos kaba ha?" diretsahang tanong sa kanya ni Thunder.
"Ano naman inasikaso nila? At bakit naman ako magseselos ha? Tch." pangdedepensa ni Zandrex sa sarili nya.
"Oh e bakit mo nga hinahanap? Hayaan mo sila kung di ka naman pala nagseselos" natatawang tanong ni Thunder.
"Tss" angil ko.
"Yung isa nga dito oh, selos na selos na pero tahimik pa din" pagpaparinig sakin ni Thunder kaya naman sinamaan ko sya ng tingin. Natawa naman sya.
"Hey are you okay?" tanong sakin ni Greg.
"Oo naman" tipid kong sagot sa kanya. Wala ako sa mood makipag usap ngayon. Wag syang magulo.
"Hahahaha! Okay later" Napaayos ako ng upo ng biglang pumasok sila Haisha at Rexel na nagtatawanan na naman. Nakakapit si Haisha sa braso ni Rexel. Nakakaasar.
At ano daw? Later? Anong meron? Kingina. Ano ba talagang meron silang dalawa?
"Haisha" Since katabi ko si Haisha. Narinig ko ang pagbanggit ni Zandrex pangalan ni Haisha.
Oh, I smell something fishy.
"Oh?" walang ganang tugon ni Haisha.
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance