Chapter 4

136 11 0
                                    

Kinuha ko yung duplicate key ng condo ni Zandrex.

Oo! May duplicate ako dahil makulit ako kaya shut up.

Pagbukas ko ng pinto, tahimik. Mukhang wala pa si Zandrex, san kaya pumunta yun? Gabi na wala pa din sya. Ano ba yan wala akong mapepeste. So nahiga muna ako sa kwarto nya since wala pa naman sya. Medyo napapapikit nako ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto.

"What are you doing here?" Gulat na tanong nya

"Wala lang, trip ko lang" sabi ko ng hindi pa din umaalis sa pagkakahiga ko sa kama nya

"What? Pumunta ka dito dahil trip mo lang?"

Napa poker face naman ako -_-Minsan pala may pagkaslow din to e no?

"Shunga ka din pala minsan no? Tatanong tanong ka tas ikaw din naman pala sasagot sa tanong mo"

"Tsk. Pwede ba umuwi kana?" masungit nyang sabi pero dahil sinusungitan nya na naman ako sige, humanda ka sakin

"Eeeh! Ayoko! Dito ako tutulog tabi tayo tapos gawa tayo baby!" Pangbebaby talk ko sa kanya

Namula naman si gago >:)

Okaaaay! Ang galing ko diba? Sige pa sungitan mo pa ako kala mo ha!

Umiwas naman sya ng tingin

"Hayst, stop pissing me off Haisha! Hindi ka dito matutulog! Lumayas ka nga dyan sa higaan ko!" masungit nya pa ding sabi sabay pasok sa cr para siguro magpalit.

Pero dahil sinusungitan nya pa din ako, bahala sya dyan hindi ako aalis dito hanggat hindi ko sya naiinis.

Badtrip ako ngayon, kaya wag nya akong susungitan no. 

Makikita nya talaga ang hinahanap nya.

"Nandito ka pa din?" Inis nyang sabi

"Ay wala, wala! Picture ko lang to!" pangbabara ko sa kanya.

Kainis naman kasi e, di gumagamit ng common sense! Nakita nya ako diba? Edi malamang andito pa din ako -.- 

Lumabas nako para sundan sya sa kitchen. 

Naabutan ko syang naghihiwa ng sibuyas at ng kung ano ano pa

Pumunta ako sa harap nya at nagpangalumbaba para pagnasaan sya ay este para titigan sya kaso hindi ko din naman makita ang mga mata nya kasi nakafocus sya sa hinihiwa nya.

"Seryoso Haisha, Why are you here?" seryosong tanong nya

Iniangat ko yung mukha nya then tinitigan sya sa mata, umiwas naman sya ng tingin

"Cause we'll make a baby, not just only a baby but a twin" *wink*

Namula na naman sya ng todo.

HAHAHAHAHAHAHAHA! 

Mission accomplish na ba? Not yet. Kasi hindi ko pa sya napapasigaw ng sobrang lakas ngayon.

"Haisha alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo tantanan mo ko" malumanay nyang sabi. 

Nagulat naman ako sa pagsagot nya sa akin. Bakit naging malumanay? 

Hala! Hala anong nangyayari?

Lumapit ako sa kanya, nilapat ko yung likod ng palad ko sa leeg at noo nya para tignan kung nilalagnat ba sya pero hindi eh. Wala syang lagnat.

"Ano bang ginagawa mo?" asar nyang sabi pero halatang pinipigilan nya yung asar nya.

"Anong nangyari sayo? Bakit ganun ka sumagot? Malumanay. Hindi mo ko sinigawan! Ohmyghad!"

Napaiwas naman sya ng tingin.

"A-ano k-kasi may favor ako" Nahihiya nyang sabi

Ay! Kaya naman pala hindi ako sinigawan e, may favor -.-

"Hmm, okay but do me a favor too" emotionless kong sabi sa kanya

"Ano bang favor mo?" Pagtatanong ko sa kanya

"A-ano pwede bang wala sanang makakaalam na Fiancèe kita? Nasabi kasi sakin ni tita na sa school ko na ikaw mag aaral" 

Ay! Yun lang naman pala eh.

"Tsk. Okay okay! Pero as I said earlier you should do me a favor too"

"What is it ba?" inis nyang sabi

"Pag gusto kong matulog dito, hindi ka pwedeng magreklamo" mabilis kong sagot sa kanya.

"WHAT? No way!" Gulat nyang tanong. >__________<

"Ayaw mo? Okay, madali naman akong kausap e. I'm gonna tell to everyone that you're my fiance" sabi ko, napaangat pa ang balikat ko. Tsaka ko sya tinalikuran at umalis.

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon