"Mauna kana. May kukunin pa ako sa locker ko" sabi ko sa kanya pagkapasok namin."Sige. Sumunod ka din agad ha" sabi nya at umalis na.
Pumunta na ako sa locker ko at kinuha ang mga libro ko. Dumaan muna ako sa cafeteria at bumili ng pagkain. Feeling ko kasi nagutom ako ulit. Papunta na ako sa room ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
Teka, nasan ba yung phone ko?
Tsk.
"Ouch" at sa kamalas malasan nga naman oh!
Lagi na lang ba? >_<
Lagi na lang ba may makakabunggo sakin everytime na hahanapin ko ang cellphone ko?
"Sorry miss" sabi nya at tinulungan akong pulutin ang mga librong nahulog sa sahig.
"Tch. Anong magagawa ng sorry mo"
Badtrip. Malelate nako e!
"Ang sungit mo naman" sabi nya at iniabot sakin ang mga libro.
Napairap na lang ako. Nakakailang steps pa lang ako ng tawagin nya ako.
"Miss! Saglit lang"
Argh. Ano ba problema netong lalaking to? Malelate nako.
"Ano na naman ba?" inis kong sabi sa kanya.
"Pwede bang humingi ng favor?" tanong nya at nagkakamot pa sa batok nya.
Seriously?
"Pardon?" I said while raising my eyebrow.
Sya na nakabangga, sya pa hihingi ng pabor? Wow lang.
"Nawawala kasi ako e. Di ko mahanap yung room ko. Ang laki naman kasi ng school na 'to. Kanina pa ako naghahanap"
Naawa naman ako sa kanya.
Hays. Ang bait ko talaga."Anong room ba hinahanap mo?"
"Room 326"
326? Edi magclassmate kami? Dun din room ko e.
"Oh halika, ihahatid na kita" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya.
Shems. Gwapo din pala tong isang 'to.
"Nice. Mabait ka naman pala e" sabi nya.
Sus. Nambola pa. Kutusan ko kaya to?
"Correction. Maganda na mabait pa" I said then flipped my hair.
Wala lang. Keme lang. Hahaha!
"Cool. Hahahaha" natawa naman sya sa sinabi ko kaya natawa din ako.
"So, you're a transferee?" pagtatanong ko.
"Oo. Nalate lang talaga ako mag-enroll kasi last week lang ako umuwi dito galing Japan"
"Ah I see. Actually, pareho tayo, transferee din ako"
Wala lang, share lang. Haha!
"Ah. Buti di ka naligaw nung unang araw mo dito?"
"Actually, naligaw din kami ng bestfriend ko. Dalawa kasi kaming nagtransfer pero okay lang kasi kasama naman namin si Magta"
"Magta?"
"Magtanong" sagot ko. Natawa naman sya.
"You're funny huh"
"Well, anyway patingin nga ako ng sched mo" sabi ko habang umaakyat kami ng hagdan. Kinuha nya naman sa bag nya at iniabot sakin.
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance