"Lagot ka France. Ikaw pala nagpaiyak kay Haisha ah" pang aasar ni Rexel kay France. Sinamaan nya naman ng tingin si Rexel.
"Anong ako? I just give her a piece of cake. Tch. She looks so pale kaya kanina while we are walking. So I thought she was just hungry"
"Ano bang meron sa cake na yan at iniyakan nya? Tch. Weird" Thunder na umupo sa kaninang inuupuan ni Haisha. Bale napagitnaan na namin sya ni France.
"Patingin nga" Kinuha ni Greg ang cake at pinakatitigan ito. Tch.
"Wala namang mali dito sa cake ah?" sabi nya at tinikman pa ito.
"Wala talagang problema, masarap nga e. Ako kaya bumili nito" dagdap pa nya.
"Wala naman talagang problema sa cake dahil na kay Haisha ang problema. Abnormal sya. Yun lang yun"
"Thunder. That's too much" saway ko sa kanya. Nanahimik naman sya.
"I think she remember something about this cake" suhestiyon ni France. Ewan ko pero parang naiinis ako sa kanya simula pa kanina.
After ng pag-uusap usap namin ay bumalik na kami sa room. May isang subject pa kami bago mag uwian. Naiinis ako sa sarili ko dahil mayroon sa part ko na nagsasabing wag na lang pumasok at puntahan sa bahay nila si Haisha pero mayroong ding part na nagsasabing hayaan na muna si Haisha na mag-isa. Hays ang gulo gulo. Napapaisip talaga ako sa mga inaakto nya kanina. Inalala ko lahat ng nangyari kanina simula ng kulitin nya ako hanggang sa lumabas kami ng room at marinig nya ang mga sinabi ng mga estudyante. Wala namang masama sa mga sinabi ng estudyante ah? Hanggang sa makarating kami sa tambayan namin. Tahimik sya at ang lalim ng iniisip at hanggang sa abutan sya ng cake ni France at ang biglaang nyang pag iyak. Ang biglaan ding pagsigaw ni Shea at ang pagmamadali nilang umalis. Lahat lahat inalala ko kung may mali bang nangyari pero wala naman.
Wala nga ba talaga? O sadyang wala lang akong alam? Aish.
Natapos ang klase na wala man lang akong naintindihan dahil sa pag-iisip ng husto sa mga nangyari kanina at kay Haisha.
"Una nako bro" paalam sakin ni Thunder pagkarating namin sa parking lot.
"Ako din guys! Ingat" paalam din ni Rexel at sumakay na sa kotse nya. Ganun din sila Greg at France pero halatang ilag sakin si France.
Sumakay nako sa kotse ko after nilang makaalis lahat. Hindi ko alam kung bakit pero dinadala ako ng sasakyan ko sa mansyon nila Haisha.
Tch. Mansyon. Dadalawa na nga lang silang nakatira dyan bukod sa mga kasambahay e sa ganyan pa rin sila nakatira. Hanep sa yaman. Nagdoorbell Na ako at ilang saglit pa ay lumabas ang isa sa mga katulong nila.
"Sino po sila?"
"Fiance ako ni Haisha. Andyan ba sya?"
"Ay yes sir. Pasok po kayo" pinagbuksan nya ako ng gate at pinatuloy sa loob.
"Wait lang po sir, tatawagin ko lang po si Miss Shea" tumango naman ako sa sinabi nya.
Namangha naman ako sa ganda ng mansyon nila. Halatang mamahalin ang mga gamit hanggang sa napadako ang tingin ko sa mga malalaking portrait na nakadikit sa wall nila. Picture nilang pamilya iyon. Sa right side, nakaupo ang isang magandang babae na hindi mo aakalain na may asawa na. Nakangiti sya at talaga namang napakagenuine ng pagkakangiti nya. Sya yung mommy ni Haisha. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ganon na lang sya kaganda. May pinagmanahan e. Nameet ko na sya dati nung magkaron ng family dinner ang family namin together with her family. Sa left side naman nakaupo ang daddy nya. Napakamanly nito at doon lumalabas ang kagwapuhan nito. At sa gitna nila nakaupo si Haisha. Nakangiti sya, mababakas mo sa mga ngiti at lalo na sa mata nya ang tuwa at saya. Hindi ko alam pero napangiti ako sa nakita ko. Napaka angelic ng face nya. Her eyes are so cute. Her pointed noise, her pink and kissable lips. Her hair ar--
Di ko na natapos ang sinasabi ng isip ko dahil sa nagsalita sa may gilid ko.
"Tapos kana ba titigan ang picture nila? Lalo na ang mukha nya?" nakangisi nyang tanong sakin. Napairap naman ako.
"Kanina ka pa dyan?" tanong ko at tumango naman sya.
"So tell me yan ba ang ipinunta mo dito? Ang titigan ang picture ng bestfriend ko?" nakacrossed arms nyang sabi at nakangiting nang aasar.
Pati ba naman sya aasarin din ako? Tch.
"Where's Haisha?"
"Bakit mo hinahanap? Nag-aalala ka ba sa kanya?" naglakad sya sa papunta sa sofa at doon naupo.
"No. Tinanong ko lang" pagdadahilan ko na lang dahil sigurado namang aasarin lang ako neto pag sinabi kong oo.
"Oh? Really? Pwes makakaalis kana" seryosong sabi nya na nakataas pa ang kilay. Napanganga naman ako Seriously?
"Bakit? Nasan ba kasi si Haisha?"
"Hindi ka nag-aalala sa kanya diba? Oh e ano pang ginagawa mo dito? Umalis kana" Sabi nya ulit. Napailing na lang ako.
Napapikit ako ng mariin at saka sya tinignan.
"Okay fine. Nag-aalala talaga ako" sinserong sabi ko sa kanya. Napangiti naman sya sa sinabi ko.
Tch. Ang weird talaga nilang magkaibigan. Abnormal.
"What?" inis kong tanong sa kanya.
"Yun naman pala e, ayaw pang aminin na nag-aalala nga sya. Gusto pang paalisin muna bago umamin. Tch. Abnormal talaga kayong mga lalaki"
Napanganga na naman tuloy ako sa sinabi nya. Kami pa ang abnormal? E sila nga tong seseryo seryoso tapos bigla na lang tatawa tas maya maya iiyak naman. Tch. Sila ang abnormal.
"Oh sya, akyatin mo na lang sya dun sa kwarto nya at natutulog sya. Mabilis mo naman makikita ang kwarto nya dahil may nakalagay na pangalan sa pinto nya. May kailangan lang akong tapusin na assignment. Kung may kailangan ka itext mo lang ako" sabi nya at umakyat na.
Napanganga naman ulit ako. What? Seriously? Nasa iisang bahay na nga kami tas itetext ko pa sya. Argh.
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance