Haisha's POV
Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama ko. Iniisip ang mga nangyari kanina at ang mga sinabi nya.
Actually kinikilig talaga ako at di ko maikakaila yun. But everytime na maiisip ko yung sinabi nya laging pumapasok yung mali at hindi dapat.
Inlove na ba talaga ako? kasi ang saya ko kanina nung marinig ko yung mga katagang sinabi nya.
I think, Im starting to like you.
Para itong napakagandang musika sa pandinig ko. Ang sarap pakinggan ng paulit-ulit.
Ang saya saya ko nang makasama ko sya. Feeling ko sobra sobra ang araw ko. Hindi ko man naipakita kanina pero sa loob loob ko nag uumapaw yung saya ko. Hindi ko maexplain yung sayang nararamdaman ko.
Gusto ko humiyaw sa sobrang kilig. Gusto ko tumalon talon sa sobrang saya. Kaso di ko magawa, may kung anong pumipigil sakin. The half of me is super happy but the other half is empty. I dont know. Siguro kasi natatakot ako? Natatakot ako sa katotohanang baka hanggang dun lang yun? Natatakot sa posibilidad na mangyari ulit ang nangyari sakin dati at higit sa lahat natatakot na masaktan.
"Hoy babae! Mag usap nga tayo!" biglaang pasok ni Shea.
Hays. Alam kong pupunta at pupunta dito si Shea para komprontahin ako sa mga pinaggagagawa namin ni Rexel kanina.
"What?" tanong ko sa kanya. Nakatingin kasi sya ng masama sakin habang nakatayo sa gilid ng kama ko.
"Bakit si Rexel pa ginamit mo ha babae?!" sigaw nya sakin.
Ano daw?
"Huh? Pinagsasasabe mo dyan?" nagtataka kong tanong. Ginamit ko ba si Rexel?
Ay oo nga pala, ginamit ko nga pala sya para pagselosin tong si Shea.
"Wag kang mag maang-maangan dyan ha! Pagseselosin mo na nga lang si Zandrex, si Rexel pa gagamitin mo"
"WHAT?" sigaw ko bigla.
Si Zandrex? Pinagseselos ko? Wtf? Sya nga tong pinagseselos ko e. Tch.
"Kita mo yan, kita mo yan! Nagmamaang maangan ka pa!" sabi nya habang dinuduro duro pa ako.
"Ano ba kasi yun? Wala naman talaga akong alam dyan sa sinasabi mo" naiinis kong sabi.
"Wag ako ha! Nakita din ng dalawang mata ko yon!" wow?
"Edi nakita mo! Letse ha? Sino ba kasi nagsabi sayo?"
"Si Rexel" confident nyang sagot.
Myghaaad! Napasapo ako sa noo ko.
FLASHBACK
"Rexel. Can we talk?" malambing ngunit pabulong kong sabi sa kanya.
"Yes, sure. About saan ba?"
"Yung tayong dalawa lang sana?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango naman sya.
Lumabas kami ng room at pumunta sa music room. Wala kasing tao dun kaya dun kami nagpunta.
"May hihingiin sana akong super liit na favor. Okay lang ba?" malambing kong sabi pagkapasok namin sa MR (music room)
"Sure. Basta ba kaya ko" nakangiti nyang sabi.
"Oo naman kayang kaya mo yun! Ikaw pa ba? Eh idol nga kita!" pambobola ko sa kanya at kinindatan pa sya.
Nagcrossed fingers din ako.
Sana effective! Sana effective.
Wish ko T.T"Ikaw talaga" sabi nya at ginulo pa ang buhok ko!
Gusto ko sana sya sitahin kaso wag na. Mamaya di nya pa ako pagbigyan sa favor ko.
"Pwede bang magpanggap tayo na super close friend? As in super duper ultra mega close friend? Please?" nagpapuppy eyes kong sabi sa kanya.
"Haha. Ang cute mo. Para saan ba?" natatawa nyang tanong sakin.
"Basta. Please? Promise. Itetreat kita later" nagpapacute kong sabi.
Sana naman pumayag sya.
"Haha sige na nga. Ano ba mga gagawin?"
"Hm, wala lang kunwari nag uusap lang tayo na akala mo e mas close pa tayo sa close tas tawanan. Tas minsan mag sweet acts din tayo para realistic diba? Tutal aarte naman na tayo gawin na natin makatotohanan haha. Okay ba?" mahabang paliwanag ko sa kanya.
Tatango tango naman sya.
"Yun lang ba?"
"Oo" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ah sige"
"Pumapayag kana?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ngiting tipong abot tenga.
"Oo. Hahaha!" sagot nya.
"Yeheeeey! Thankyouu!" masaya kong sabi at yumakap pa sa kanya.
Ginulo naman nya ang buhok ko. Aish.
"Tara na sa cafeteria?" yaya nya. Tumango naman ako habang may malawak na ngiti sa aking mga labi.
Hintayin mo Shea, maramdaman mo kung anong feeling ng pinagtritripan at inaasar. Bwahahahahahaha!
"One more thing Rex, Wala sanang makakaalam kung okay lang?"
"Sure" nakangiti nyng sabi.
Ang bait bait naman.
"Nice. Gwapo na mabait pa!" pambobola ko sa kanya.
O diba? Hindi ako basketball player pero magaling akong mambola. HAHA!
"What if may magtanong sakin, bakit tayo ganito?" biglaang tanong nya.
"Ikaw na bahala sumagot" confident kong sagot. May tiwala naman ako sa kanya.
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance