chapter 38

103 6 0
                                    

Haisha's POV

Kanina pa talaga ako nagtataka sa inaasal ni Zandrex. Ano ba talagang nangyayari sa kanya? At himala dun nya ako pinapatulog sa condo nya. Eh di ba ayaw na ayaw nyang natutulog ako sa condo nya? 

That guy is impossible.

"Haisha" tawag sakin ni France.

"Hm?" kinuha ko na yung cake na nabake ko para malagyan ko na ng icing.

"Naset kayo sa fix marriage ni Zandrex diba? Buti okay lang sayo? Diba mas okay kung magpapakasal ka sa lalaking mahal mo talaga?" napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa tanong nya.

"Uh, bukod kasi sa maganda ako masunurin din akong anak" confident kong sagot sa tanong nya. Ayoko naman sabihing ginusto ko din yung set up na yun para ipamukha sa ex ko na hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Ang pathetic kong tignan kung yun ang isasagot ko. No way.

"Hahaha. Ikaw talaga" sabi nya. Ngumiti sya ng genuine at ginulo pa ang buhok ko.

"FRAAANCE!" sigaw ko sa kanya. Tumawa naman sya.

Nilagyan nya kasi ako ng icing sa ilong. Tumakbo sya papunta sa sala kaya naman pumunta na din ako dun dala dala ang cake na ginawa ko.

"Ayuuuuun" sigaw ni Greg pagdating ko sa sala. Lahat sila nandun at nakatingin sakin.

"Hahahaha anyare sayo bes mukha kang timang" pang aasar naman ni Shea

"Yan kasi si France eh" nakanguso kong sabi. Inilapag ko na ang cake.

"Hoy babae! Kumuha ka dun ng platito't tinidor atsaka magtimpla ka ng juice. Aba" nakapamewang kong sabi kay Shea.

"Oo na eto na nga oh" tumayo na sya kaya naman mabilis kong dinutdot yung daliri ko sa cake at ipinahid sa mukha ni Shea.

"Haishaa!" Sigaw nya kaya natawa kaming lahat.

"Dalian mo na, nagugutom nako" sabi ko sa kanya. Tinignan ko silang lahat at saka naghanap ng space na mauupuan. Nakita kong parehong umisod si France at Zandrex kaya naman umupo ako sa inuupuan kanina ni Shea which is katabi ni Rexel.

Pagkaupo ko tinignan ko si France at Zandrex. Si France, nakanguso habang nakasimangot. Si Zandrex naman ang sama ng tingin kay Rexel kaya tumayo si Rexel.

"Dude, pwede bang palit tayo? Ang tigas kasi ng sofa nila eh" reklamo ni Rexel. 

Napanganga ako sa sinabi nya. Matigas ang sofa namin? Eh pare-pareho nga lang yun eh. Tumayo na din si Zandrex at umupo dito sa tabi ko. 

"Guys lets eat na, para makapag start na din kami" sabi ni Shea na may dala dalang platito at tinidor atsaka juice.

"Haisha oh" abot sakin ni Zandrex nung platito with cake na nasliced na.

"Thankyou" naiilang kong sabi. 
Bakit ganito? Feeling ko tinutupi ako ng mga tinginan nya? Hindi naman ako dati ganito. Dati sya yung tinutupi ko ng mga tinginan ko. Pero ngayon baliktad na. Ano te, damit lang? Tupi tupi ganon?

Lol.

Natapos kami sa pagkain ng puro, kwentuhan, tawanan at asaran.

"Tara na guys, punta na tayo sa dance studio. Haisha practice na tayo" pagyaya samin ni Shea pagkatapos namin iligpit yung mga pinagkainan namin.

Tumayo na silang lahat maliban samin ni Zandrex at sumunod kay Shea na nangunguna. Tumayo na din ako, kaso pagtayo ko bigla akong hinapit ni Zandrex palapit sa kanya. Nakahawak sya sa bewang ko at ang lapit na naman ng mukha nya. Yung puso ko parang lalabas na, di din ako makahinga. Why I have this feeling? Nakasmirk sya sakin hanggang sa unti unti nyang nilalapit yung mukha nya sa mukha ko. Hahalikan nya ba ako? OMG! Sheet. End of world na ba?

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon