55

92 3 0
                                    

Pumasok na kami sa loob at di ko maiwasan ang mamangha.

Aakalain mong maliit lang ito pag nasa labas ka pero pag nandito kana sa loob.

Ang laki.

"Manang Els, nasan po si mommy?"- tanong ni Rexel sa isang babaeng may katandaan na sa tingin ko ay nasa mid 60's.

"Ah, nasa kwarto nya iho. Gusto mo tawagin ko?"-nakangiti nyang tanong.

"Sige po Manang salamat"-ani ni rexel.

Ilang sandali pa'y bumaba na ang mommy ni Rexel.

As expected ang ganda ganda.

"Mom"-bati ni Rexel at kiniss ang mommy nya sa cheeks.

"Mom, This is Shea. Shea this is my beautiful mom"-pagpapakilala ni rexel sa mommy niya at sakin.

"Good Morning po"-nakangiti kong bati sa kanya.

Tumingin si Mrs. Illustre kay Rexel at binigyan ng mapanuksong ngiti.

Eh?

"Kyaaah! So ikaw yung girlfriend ng anak ko? Ang ganda ganda mo iha"- energetic nyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

Luuuh! I can't breath.

"Mom, di na makahinga si Shea"- kakamot kamot sa ulo pang sabi ni Rexel.

"Ay sorry iha Hehehe tara upo tayo dali"-hinila nya ako at umupo na kami.

"Ah, hehe okay lang po. Hmm, hindi po ako girlfriend ni Rexel"-namumula kong sabi.

Waaaaaah! Sana nga girlfriend ako ng anak nyo.

"Ay hindi ba? Itong anak ko talaga ang bagal kumilos kahit kailan"-ani ni mrs. Illustre.

"Mom"-sita ni Rexel sa mommy nya. Mukhang nahihiya.

Kyaaaah!

"Iha dito ka muna ha? At madami dami tayong pag-uusapan hehe"- nakangiti nyang sabi sakin.

Napatango na lang ako after ko tumango, binaling nya ang tingin nya kay Rexel.

"Nak, ano? Uupo kana lang ba diyan at panonoorin kami? Aba ikuha mo ng makakain ang girlfriend mo."- sermon ni Tita kay Rexel.

Tita na lang itatawag ko haha. Soon naman magiging girlfriend nya din ako e Hihi kapal ng mukha ko no? 

"Okay, okay Mom, baka kung ano ano sabihin mo kay Shea ah?"-sabi ni Rexel kay tita pero si tita tumango at ngumiti lang.

Tumayo na si Rexel at pumuntang kusina.

Okay? Curiousity hits me.

"Ay iha, ano palang full name mo? Para diba, alam ko pangalan ng mapapangasawa ng anak ko"-tanong sakin ni tita.

Si tita talaga oh! Tangina kinikilig tuloy ako. Asawa daw? Hihi.

"Calli Shea Laurent po Mrs. Illustre"-I answer her question in formal way with genuine smile on my lips.

Yeah feeling ko magiging mommy ko din sya soon! Woooh!

"Laurent? So kayo yung owner ng sikat na restaurant dito sa Pilipinas? Wow! Alam mo ba iha, mahilig ako magluto and one more thing mommy na lang itawag mo sakin ayoko ng masyadong pormal haha"-ani ni tita habang nakangiti.

See? Told yah. Hahahaha! Cool.

"Talaga po mommy? Same po tayo nila mama mahilig din po kami magluto."-wooooh! feel na feel ko talaga syang tawaging mommy.

Wehehe.

"Oh? I want to meet your mom! For sure magkakasundo kami ng mom mo"-halata sa boses nya ang pagkaexcited.

Napangiti na lang ako.

Hays ang sarap sa feeling na kausap ko yung dahilan kung bakit nasa mundong ibabaw si Rexel baby ko.

"Alam mo ba tuwang tuwa talaga ako iha mgayon ko lang nakita yang anak ko na may dinedate"

Nagulat ako sa ibinalita ni mommy. As in ngayon lang talaga? 

Sa gwapo at hot ng Rexel baby ko imposibleng wala pa syang naidedate.

Matanong nga mamaya.

"Shea, here kumain ka muna"-sabi ni Rexel pagkadating nya.

Inilapag nya sa may center table yung dala dala nyang cake at juice may dala din syang platito at tinidor.

"Anak naman, bakit ito yung kinuha mo? Dapat yung isa yung binake ko kanina!"-parang bata na nagrereklamo si mommy dahil sa kinuha ni Rexel baby.

"Mom naman, hindi ko naman alam. At tsaka ito yung kinuha ko kasi isa to sa paborito ko"-paliwanag ng Rexel baby ko.

"Kahit na! Kunin mo yun, dalhin mo dito para matikman ng girlfriend mo. Dali dali"-sabi ni mommy at iwinasiwas pa ang kamay para itaboy si Rexel baby.

"Iha, pasensya kana ha? Medyo may pagkashunga kasi yung anak ko na yun e"-sabi ni mommy.

Natawa ako sa sinabi ni mommy para talaga syang bata hahaha! 

Hay nako mommy kung alam mo lang, kahit shunga at babagal bagal yang anak nyo mahal na mahal ko yan.

"Okay lang po yun mommy hihi"-sagot ko naman.

"Here"-Yung Rexel baby ko may inilapag na panibagong cake.

"Iha, here. Kumain ka tikman mo to dali ako nagbake nito"-pinaglagyan ako ni mommy sa platito ng cake.

Iniabot nya ito sa akin at kinuha ko ito.

"Thank you po"-tinikman ko ito at yummy! 

Panalo! Ang sarap nga mas masarap pa sa binebake ni Haisha. 

"So iha, how was it?"-tila naeexcite na tanong ni mommy.

"Nako mommy, sobrang sarap po sa totoo lang, mas masarap pa po itong cake nyo kesa sa cake ng bestfriend ko"

"Mommy?"-nagtatakang tanong ni Rexel baby.

Nagtataka siguro kung bakit mommy tawag ko sa mommy nya.

"Anak, masyado kasing pormal yung Mrs. Illustre e kaya sabi ko mommy na lang itawag nya sa akin tutal girlfriend mo naman sya e"-ganito ba talaga si mommy? Always nakangiti e kaya siguro nainlove yung daddy ni Rexel baby sa mommy nya hihihi sana kami din ni Rexel baby magkatuluyan.

"Mom! Hindi ko pa sya girlfriend"-angil ni rexel baby.

Natigil ako sa pagkain shet!
What did he say? 

Hindi ko pa sya girlfriend?

PA? Kyaaaaaaaaaaaah!

Capital OMG! Waaaah.

Kinuha ko ang juice na nakapatong sa center table at agad na ininom ito.

Feeling ko ang pula pula ko na.

"Sus anak, dun din ang punta nun e. Oh iha, bakit namumula kana dyan?"-nagtatakang tanong ni mommy.

Kasi po mommy kinikilig ako! Shutanginames!

"Ah, wa-wala po mommy"-nakangiti kong sabi.

"Iha, dito kana maglunch ha? Madami pa tayong pagkukwentuhan."-parang bata na nagsusumamo si mommy.

"Mom may lakad pa kami"-protesta ni Rexel baby.

To be continued...

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon