Chapter 16

108 6 0
                                    

"Pst. Bakit umuwi si Haisha? May nangyari ba sa inyo?" tanong nitong si Shea

Hays. Hindi ko alam kung bakit nga ba umuwi na si Haisha.

"I dont know" Yan ang tanging nasagot ko.

I really dont know, maybe its my fault? Kanina kasi when she throw her shoes na tumama sa likod ng ulo ko. Nagkunwari akong nagalit dahil sa ginawa nya. Nagsorry pa nga sya e pero hindi ko yun pinansin at umalis na. I do that para habulin nya ako pero hindi ko naman inaasahan na hindi nya ako susundan at bigla na lang syang tumakbo palayo. When i saw her running nakaramdam ako ng guilt.

I dont know why pero siguro mali talaga yung ginawa ko.
Aish. Wrong move. Bad move.

Kahit naman masungit ako mabait din naman ako. Atsaka nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko. May problema na nga sya dinagdagan ko pa.

Actually kanina, when Shea asked her to go to cafeteria she refused. I dont know but i have this feeling na ayoko din umalis ng room kaya dinala ako ng mga paa ko sa harap nya since sa likod nya ako nakaupo. Nakasubsob yung mukha nya sa desk nya. After a couple of minutes bigla na lang syang nag angat ng ulo and there i saw her crying.

"Are you okay?" nag aalalang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit nag aalala ako sa kanya pero dapat nga wala akong pakielam since i hate her.

Bigla nya yung pinunasan yung luha nya gamit ang palad nga at saka tumayo pero hinawakan ko sya sa pulsuhan.

"Not now Zan" sabi nya.

Pero lalo ko lang yung hinigpitan

"Tell me. What's the problem?" me still asking.

"Its none of your business" malamig nyang sabi atsaka pwersahang hinatak yung kamay nya para mabitawan ko. Umalis sya pero sinundan ko pa din. Pumunta syang rooftop. Saglit nyang dinama yung hangin atsaka umakyat sa may harang ng rooftop.

Nagpapanic na ako dahil akala ko ay magpapakamatay na sya. I know that she has a problem pero hindi solusyon ang pagpapakamatay. Lalapitan ko na sana sya ng isinigaw nya ang mga nararamdaman nya. I heard all what she said. I dont know what kung anong problema nya pero isa lang alam ko, nasasaktan sya. Lumapit nako sa kanya at binuhat sya dahil humahagulgol na sya sa iyak. Iniupo ko sya sa upuan at saka niyakap. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng ganito na nakikita syang nasasaktan. Ang bigat sa pakiramdam. Ewan ko. Pero parang ang abmormal ngayon ng pakiramdam ko.

"Sshh. Sige lang iiyak mo lang" Hindi ako marunong magcomfort kaya yan na lang ang tanging nasabi ko.

Ilang minutes pa ang lumipas ng magsalita sya.

"What's wrong with my eyes?" Tanong nya habang patuloy na umiiyak pa din.

"Pfft" pagpipigil ko sa tawa ko. Hahahahaha. Sa dinami dami ng pwedeng sabihin hindi ko alam kung bakit yan pa ang sinabe nya. Tsk. Abnormal.

"What's funny asshole?" ayan nagtataray na naman sya at humiwalay pa ng yakap sakin.

"Nothings wrong with your eyes. Its just you cant help your feeling but to cry"

Hays. I dont know what to say kaso ayan ang lumabas sa bibig ko.

Saglit syang natahimik at parang nag iisip.

"You know, its not healthy kung patuloy mong iisipin at aalalahanin ang mga bagay na nagpapabigat ng dibdib mo at nakakasakit ng damdamin mo" Payo ko sa kanya. Fvck. This is not me. Geez.

"Seriously? You're not Zandrex. Where's the real?" Mukhang nahalata na din nya kaya naman napailing na lang ako.

Hays. I really dont know why I am doing this pero -

"Huy pre! Kanina ka pa dyan tulala. Iniisip mo ba si Haisha?"

Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita tong si Greg. Nang aasar ba sya?

"Wag mong isipin yun, hindi ka mahal nun dude" sabi naman nitong si Thunder.

Nasipa ko tuloy sya. Tapos na pala ang klase at uwian na.

"Guys, got to go" Paalam ni Shea

"Hatid na kita" Sabi naman nitong si Greg.

Sus. If i know dumadamoves lang to kay Shea e. Palibhasa may gusto kay Shea. Kaso sa tingin ko si Shea naman may gusto kay Rexel. Based on her oh-so-called-titig kay Rexel at isa pa masyado syang dikit kay Rexel.

"Ako na lang maghahatid sayo, Dadalawin ko din kasi si Haisha" biglang singit ni France.

"Ayiie. May gusto ka sa bestfriend ko no?" pang aasar ni Shea. Namula naman si France.

Dont tell me may gusto sya kay Haisha? Bakit ganun parang naiinis ako? Tsk.

"Pre, nangamatis kana dyan. Hahahaha! Seriously may gusto ka sa panget na yun?" pang aasar naman nitong si Thunder kay France.

Hindi ko alam kung bakit laging inaasar nitong si Thunder si Haisha. He even call her panget, payatot at lahat na ata ng pwedeng iasar kay Haisha, nasabi nya na. E kung tutuusin ang ganda ganda ni Haisha at ang sexy pa dahil sa hinaharap at maumbok na likuran nito. Dont get me wrong huh? Hindi ko sya pinagnanasaan. Makikita mo lang talaga sa katawan ni Haisha ang kagandahan ng hugis ng katawan kaya masasabi mong sexy talaga sya. Hindi rin sya payat. Kasi nung binuhat ko sya kanina ang bigat bigat nya. And as a bestfriend of Thunder ngayon ko lang sya nakitang nang asar ng babae. Gustong gusto nyang nagagalit si Haisha and that thought naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Wala namang masama kung magkakagusto ako sa kanya diba? Tutal hindi mo naman sya real girlfriend" sabay tingin sakin ni France.

Argh. Nababadtrip ako at nababadtrip.

Nababadtrip ako dahil sa sinabi ni France pero mas lalo akong nababadtrip kung bakit ako nababadtrip sa sinabi ni France. E ano naman pake ko diba? Pero nababadtrip talaga ako e.

Napatango na lang ako sa sinabi ni France.

"Shea, ako na maghahatid sayo. May kailangan akong sabihin kay Haisha e"

"Sumama kana lang pre" sabat naman ni France. Bakit ba sabat ng sabat to?

"Sama na din ako" sabi nitong si Greg.

"Sama din" nakangiting sabi ni Rexel.

"Kung sasama kayo, edi sama na din ako. Gusto ko makita si Haisha" - Walang buhay na sabi ni Thunder.

What did he just said? Parang nabingi ata ako dun.

Napatingin kaming lahat sa kanya ng may malaking question mark sa ulo.

"What?" tanong nya.

"You want to see Haisha? OMG! You like her too?" hindi makapaniwalang tanong ni Shea. ni Thunder. Lahat kami nag aabang ng isasagot nya.

"Yes, i want to see her. Cause you know, bored ako. Wala akong maasar asar. Gusto mo ikaw na lang asarin ko" paliwanag nito kay Shea

Lumuwag naman ang pakiramdam namin sa sagot nya. Hays buti na lang.

"Sabi ko nga, sumama kana" sabi nitong si Shea.

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon