Chapter 29

95 6 0
                                    

Kinabukasan

"Bes! Pasabay ako!" sigaw ni Shea habang tumatakbo palabas ng bahay.

"Tch. May kotse ka naman diba?" Asar ko kunwaring sabi sa kanya. Ayokong kasabay to e, baka mang asar na naman. Sinuot ko na ang helmet ko at sumakay na sa motor ko.

"Eh? Ayan gagamitin mo?" shunga talaga neto e. 

"Obvious ba? Kaya nga nakasakay ako dito diba? Utak nga" inis kong sabi sa kanya. Minsan may pagkashunga din e. 

"Eto naman ang aga-aga ang init init agad ng ulo mo" Kinuha nya agad ang isa pang helmet at sumakay na sa motor ko.

"Ang daldal mo! Ihulog kita dyan e" kasabay nun ay ang pagpapaandar ng motor ko.

"Una kana, kukunin ko lang mga gamit ko sa locker" Sabi ko kay Shea pagkapasok namin ng University.

"Samahan na kita, saglit ka lang naman diba?" tumango na lang ako sa tanong nya. May magagawa pa ba ako? Tch.

"Alam mo ba--" 

"Hindi pa" putol ko sa sinasabi nya. Tch. Dadaldal na naman.

"E kung pinapatapos mo kaya muna ako diba?" pikon nyang sabi sakin. Napairap na lang ako.

"Napanaginipan ko kayo ni Zandrex na may ginagawang kababalaghan. Like myghaash" parang di makapaniwalang sabi nya.

Seriously? Napanaginipan nya yon?

Tinignan ko naman sya ng masama dahil sa mga pinagsasasabi nya.

"What?" nakangisi nyang tanong.

"Wag moko umpisahan Shea ah!" banta ko sa kanya. Tch. Mag uumpisa na naman syang mang-asar. 

"Haha. Chill. Shini-share ko lang naman sayo yung napanaginipan ko" natatawa nyang sabi kaya I gave her my deadliest glare. Sinimulan ko ng tanggalin ang sapatos ko at handa ng ibato sa kanya ng bigla syang tumakbo kaya hinabol ko sya at ibinato sa kanya ang sapatos ko.

"FUCK!" daing nung lalaking lumabas sa isang room.

Nagulantang ako ng hindi si Shea ang matamaan ko. Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan ng lalaking natamaan ko sa mukha ng bigla syang nag-angat ng tingin.

"Z-zandrex" nauutal kong banggit ng pangalan nya.

Ang sama sama ng tingin nya sakin. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nakahandusay dito.

Lumapit sya sakin ng hindi inaalis ang masasamang tingin sakin. Unti-unti naman akong napaatras dahil sa paglapit nya.

"Shit" bulong ko ng wala na akong maaatrasan pa. Nakita ko si Shea na nasa likod ni Zandrex at halatang natatawa pa. Kasama nya sila Rexel, France, Thunder, at Greg. Pinandilatan ko naman sya ng tingin. Humanda ka talaga saking babae ka! 

Kinabahan ako lalo ng iniharang ni Zandrex ang dalawang braso nya sa may gilid ko at inilapit ang mukha nya sakin. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung tipong lalabas na ata sa dibdib ko. Parang hindi na tama to.

"Sinusubukan mo ba talaga ako ha?" Madiin nyang sabi.

"H-hindi" nauutal kong sagot sa kanya. Bakit ba ganito? Hindi naman ako dating ganito e. Takte!

"Then, why did you throw your fucking shoes directly to my face?" nagagalit nyang tanong sakin. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko at di ako makasagot.

"Uh, ano--"

*RIIIIIIING* 

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magring.

Whoo. Saved by the bell. Pero nabalik ako sa wisyo ng bigla syang magsmirk sakin kasabay ng pagbaba ng mata nya sa labi ko.

Kinabahan ako, eto na ba? Eto na ba yung sinasabi nyang papatulan nya ako? Waaah. Myghaad. 

Napahawak ako sa dibdib ko ng umalis na sya sa harap ko at pumasok na sa room namin. 

"Are you going to stand there forever?" nagulat na naman ako ng bigla syang magsalita. 

Nakatayo sya sa may pinto at nakatingin sa akin ng diretso. Akala ko nakapasok na sya ng room. Agad akong naglakad papasok ng room. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya.

Tangina! Nakakahiya.

Naupo ako sa upuan ko at nilingon ang nagpipigil ng tawa na si Shea. 

"Aww" daing nya. Binatukan ko sya at talaga namang gigil na gigil ako sa kanya.

"Ang ganda mo" nakangiti kong sabi sa kanya. Mukhang napalakas ang sabi ko kaya naman napatingin samin ang mga kaklase ko.

"I know, ako pa ba?" mayabang nyang sabi.

"Oo, ang ganda mo. Ang ganda mong ingudngod dyan sa upuan mo" nakangiti kong sabi sa kanya. Napasimangot naman sya. Tch.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" natawa naman ang buong klase dahil sa sinabi ko.

"Ehem. Good morning" natigil ang ingay ng mga kaklase ko ng dumating ang prof namin.

Habang nagdidiscuss ang prof namin, nag-iisip na ako ng plano para makaganti kay Shea. Argh. Di ko mapapalampas to. First time ko mapahiya.

Napatingin ako sa kanya ng makita syang parang kinikilig dahil sa katext nya. Lumingon ako sa likod para makita ang ginagawa ni Rexel. Uh, nagtetext din? So magkatext sila? Napangisi ako ng may biglang may mag pop in na idea sa isip ko. 

Evil smile >:)

After two long discussion. Breaktime na. Nagmadali akong lumapit kay Rexel para isagawa ang plano ko. HAHA.

"Rexel. Can we talk?" malambing ngunit pabulong kong sabi sa kanya.

"Yes, sure. About saan ba?" 

"Yung tayong dalawa lang sana?" nakangiti kong sabi sa kanya.

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon