"Class dismiss" paalam ng prof namin. Hays. Bakit ganito feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko? I thought Im okay.
"Tara na bes, cafeteria" Aya sakin ni Shea.
"Sige na. Hindi ako kakain" pagkasabi ko nun ay sinubsob ko yung ulo ko sa desk. Argh. I hate this feeling.
"Why?" I looked at her telling Im-not-okay-look
"O-kay? Dadalhan na lang kita ng pagkain para if ever na magutom ka may makakain ka" sabi nya sabay ngiti sakin ng malungkot. I know she know what Im feeling right now.
"Thankyou" I mouthed to her.
Isinubsob ko ulit yung ulo ko sa desk ko. I closed my eyes and remembered everything.
We're happy. Im happy, he's happy. We laugh like there's no tomorrow. When he stares me its like Im the most beautiful girl in her eyes. He cared me so much. Telling me everyday that he loves me and so lucky to have me in his life. He also said that he wants to marry me someday. But fvck. All of that are not true.
Fvck. Naiyak na naman ako.
Pag angat ko ng mukha ko para kumuha ng panyo sa bag ko. I saw Zandrex infront staring at me. Agad kong pinunasan yung luha ko gamit yung likod ng palad ko. Nakakahiya.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong nya.
Hindi ko sya sinagot at dali daling tumayo para umalis sa room. Kaso pinigilan nya ako. Hinawakan nya ako sa may pulsuhan.
"Not now Zan" Sabi ko sabay hila sa kamay ko pero di ko nabawi yun dahil hinigpitan nya pa lalo yung pagkakahawak dito.
"Tell me. What's the problem?" I look at him and there I saw his eyes full of sadness. Why?
Namamalikmata ba ako?
"Its none of your business" then i forced to pull back my hand. Umalis nako sa lugar na yun bago pa ako maiyak ulit. Ayokong makita ng kahit na sino na mahina ako. They should be scared to me.
Andito nako sa rooftop at kasalukuyang dinadama ang hanging dumadampi sa balat ko. Its so refreshing. I want to shout out my feelings kaya naman tumayo ako at umakyat sa may bandang itaas ng harang ng rooftop na to.
"AYOKO NAAA! ANG UNFAIR MO NAMAN E! TATLONG TAON NA ANG NAKALIPAS PERO BAKIT GUSTONG GUSTO MO PA DIN AKONG PATAYIN? ANO BANG GINAWA KO? NAGMAHAL LANG NAMAN AKO AH? HANGGANG NGAYON ANG SAKIT SAKIT PA DIN. TAMA NA PLEASE LANG NAGMAMAKAAWA AKO"
Hindi ko na nakayanan at napahagulgol nako habang nakaupo dito sa may taas.
I dont know what to do. Mababaliw nako sa kakaisip. He left me hanging saying that Im just nothing.
Naramdaman ko na lang na may bumuhat sakin at iniupo ako sa upuan. Niyakap nya ako.
"Sshh. Sige lang iiyak mo lang" napahagulgol ako sa iyak ng sinabi nya yun.
Nakakahiya man pero wala na akong magagawa. Nakita nya na e. Hindi ko mapigilan umiyak.
"What's wrong with my eyes?" sabi ko habang patuloy pa din sa pag iyak. Akala ko kasi ubis na yung mga luha ko pero until now Im still crying for petes sake.
"Pfft" rinig kong pigil nyang pagtawa kaya naman humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya.
"What's funny asshole?" irita kong sabi umiiyak na nga ako dito tas tatawanan nya lang ako? Kaya ayoko ng may nakakakita sakin umiyak e.
"Nothings wrong with your eyes. Its just you cant help your feeling but to cry"
Natahimik naman ako sa sinabi nya. He's right.
"You know, its not healthy kung patuloy mong iisipin at aalalahanin ang mga bagay na nagpapabigat ng dibdib mo"
"Seriously? You're not Zandrex. Where's the real?" tanong ko sa kanya.
Napailing lang sya sa tanong ko.
What happened to him? Nasaan na ang Zandrex na masungit?
"You know, dont waste your tears to your past. Past na yun.Kung may dapat ka mang gawin para hindi kana masaktan, yun ay ang magpatawad. Forgiveness is the main key para makalaya ka sa past mo." Paliwanag nya.
Napaisip naman ako sa sinabi nya. I think I cant forgive him. He ruined my life. But on the other thought I should be thankful because of him. Because of him, I learned alot.
I heave a big sigh.
"Hays. Ang hirap maging maganda" Sabi ko atsaka tumingala sa langit.
Napatawa naman sya sa sinabi ko. Seriously? Tumatawa talaga sya? Never kong nakita na tumawa or kahit ngumiti man lang si Zandrex no.
"Myghad. Seriously? Tumatawa ka? Magpapamisa na ba ako? First time to" hindi ko makapaniwalang sabi.
Ang isang Jason Zandrex Park na mainitin ang ulo at masungit. Never ngumiti at tumawa, ngayon tumatawa na? This cant be.
Ginulo nya naman yung buhok ko at dahil don.
"Zandreeex!" sigaw ko. Tumayo naman sya atsaka ako binelatan.
Ohmygoodness. Kinakabahan ako. Hindi talaga sya si Zandrex. Ang Zandrex na kaharap ko ngayon ay isang isip bata, hindi masungit at hindi mainitin ang ulo.
Hinabol ko naman sya. Pinagtitinginan na kami ng mga stupidyante pero lakompake. At dahil mabilis syang tumakbo hindi ko sya mahabol habol. Hinubad ko yung sapatos ko atsaka ibinato sa kanya. Buti na lang at sharp shooter ako kaya natamaan sya. Paglapit ko sa kanya. Nakapoker face na. Nge. Ang bilis naman magbago ng mood nya?
"Sorry" Ayan nagsorry na ako pero tinalikuran nya lang ako at naglakad paalis. Hindi man lang ako pinansin at iniwan pa ako.
Naalala ko na naman tuloy yung nangyari three years ago. Ganitong ganito din yung eksena. Nagsorry ako kaso tinalikuran lang ako, hindi pinansin at iniwan lang ng basta basta. Ang sakit pa din talaga kahit nakalipas na.
Malapit na akong umiyak kaya naman umalis nako sa lugar na yun. Uuwi na lang ako. Bukod sa mabigat na nga ang pakiramdam ko galit pa sakin si Zandrex. Mukhang napalakas ata ang bato ko sa kanya.
Pagkauwi ko sa bahay, tinext ko agad si Shea. I know nag aalala na ng sobra yun.
To: Twinsis
Sorry. Umuwi na ako. Dont worry Im okay :))
-Sent
Maya maya lang ay nagreply sya.
From: Twinsis
Okay. Uwi din ako agad after class. See you soon. Tc. Ily.
Hindi na ako nagreply. Masyado akong naistress. Ang dami dami kong iniisip.
What if makita ko sya ulit? What if hindi nya ako iniwan noon? What if humingi sya ng tawad at makipagbalikan sakin? What if aish ano ba tong mga pinag iisip ko. Damn.
Pero if ever na mangyari man yun. I dont think its nice to be with him again. Once is enough. I dont want to be hurt again. No, never.

BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance