Chapter 20

97 6 0
                                        

Haisha's POV

"Go bes! Ilampaso mo yang si Zandrex" pangchecheer sakin ni Shea. 

Hindi ko alam kung narinig ni Zandrex yung mga sinabi ni Shea pero I know narinig nya yun since si Shea ang sumigaw. You know Shea naman diba? Kapag sumigaw yan dinaig pa nakalunok ng Megaphone. Gusto ko sana makita yung mukha ngayon ni Zandrex, dahil sigurado akong nakapoker face na naman yan dahil sa sinigaw ni Shea. Tsk. I want to see his pissed face. Pesteng screen kasi to e nakaharang, katapat ko nga sya di ko naman makita mukha nya.

"Woah. Chill pre, easy ka lang haha. Masisira na yung mga buttons oh" rinig kong sabi ni Rexel kay Zandrex since sila yung magkatabi.

OMG! He's already pissed, I guess. Hahahahaha!

Kasalukuyan na kaming naglalaro ng tekken. Nasa Game 3 na kami. And I admit magaling tong nasa harapan ko na si Zandrex. Katabi ko si Shea na kinakalaban din si Rexel. The first game is quite easy, pano ba naman kalaban ko lang naman si Shea, to tell you the truth never pa syang nanalo sakin and to Zandrex and Rexel, panalo si Zandrex. The second game, i won again then Zandrex too. 

"Boom! K.O" sabi ko. 
Lili wins kasi hahahaha. Talo si Zandrex. At pagtingin ko naman sa katabi ko nakasimangot, tinignan ko yung character nya, nakahiga na sa sahig at may nakalagay na 'You Lose' 

Hahahahaha! Tumayo na si Zandrex ng nakasimangot. Tinapik ko yung balikat nya.

"May next time pa naman" sabay smirk. Napapoker face naman lalo yung mukha nya.

"Congrats, bab--este Rexel" Nahihiyang sabi ni Shea.

"Nice game" Sagot naman nito kay Shea at ginulo pa ang buhok. 

"Basketball" Aya ni Zandrex habang nakatingin kay Rexel. Aba sila lang maglalaro?

"Game ako dyan" Pag sang-ayon naman ni Rexel.

Nagkatinginan kami ni Shea at tinanguan nya ako. Ngumisi naman ako sa ginawa nya. Aba kung inaakala nilang aatrasan namin sila nagkakamali sila. Kahit babae kami wag nila kaming mamaliitin. Marami din kaming kaya.

"Game"

Nagulat naman sila sa sinabi namin at napakunot pa ang mga noo nila. Sinasabi na nga ba e, wala silang bilib samin ha. Sige pakikitaan namin kayo.

"Marunong ka? I mean kayo?" tanong ni Zandrex sakin.

"Dont underestimate us" 

So eto kami, magkakatabi. Since lima naman tong basketball ring na nandidito.
Ganito ang posisyon namin.

Zandrex-Ako-Shea-Rexel

The game begin in 3 2 1. Meron kaming tig 40 na segundo para lang magshoot ng magshoot. Focus lang ako sa pagshoshoot ng pagshoshoot ng bola. Hindi ko na alam kung ano ng score ko.

Natapos ang first round. Hindi ko tinignan ang mga score nila dahil mag uumpisa na ang second round, this time 35 seconds na lang meron kami para magshoot.

At finally, were done. Natapos ang ilang round at chineck namin ang mga scores namin.

Napangisi ako ng makita ko ang score ni Zandrex at ni Rexel. 

"What the hell" Hindi makapaniwalang sabi ni Rexel.

Napasmirk naman kami ni Shea. Naglakad kami paalis dun ni Shea at pumasok ng isang room para magvideoke naman. Nakita din naman namin silang pumasok at naupo na.

Nagselect na si Shea ng kanta nya since sya ang mauuna. 

"Woah" di makapaniwalang sabi ni Rexel pagkatapos kumanta ni Shea. Sabagay, di ko din naman sya masisisi e, maganda talaga ang boses ng bestfriend ko.

Anyway my turn. Sinelect ko yung "Magbalik" ng Callalily

"Naks naman" Sigaw ni Shea pagkarinig na pagkarinig nya sa Intro ng kakantahin ko.

"Magbalik. Sino ba gusto mong magbalik ha? Ayiie" Pang aasar ni Rexel. Masisipa ko tong dalawa na to mamaya e.

Tinignan ko naman si Zandrex. As always, nakapoker face.

🎶Wala na ang dating pagtingin, sawa na ba sa aking lambing, wala ka namang dahilan bakit bigla na lang ng iwan.

Lahat naman ginawa ko. Pero bakit parang ang laki laki ng kasalanan ko para iwan mo ko? 

Di na alam ang gagawin, upang ika'y magbalik sakin. Ginawa ko naman ang lahat bakit bigla na lang naghanap.

Kulang pa ba? Lahat ginawa ko para lang maging masaya tayo. Pero bakit ganun? Kahit na anong pilit ko maibalik ang dating tayo, mukhang hindi na mangyayari yun dahil may iba ng nagpapatibok ng puso mo. 

Hindi magbabago, pagmamahal sa iyo. Sana'y pakinggan mo, ang awit ng pusong ito.

Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag ikot, pag ibig di magbabago. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag agos, pag-ibig di matatapos.

Ang sakit sakit lang. Lahat ginawa ko para lang makalimutan ang nararamdaman ko para sayo pero hanggang ngayon pangalan mo pa din ang isinisigaw ng puso ko. Hanggang ngayon, mahal na mahal pa din kita. Hindi ko maitatago sa sarili ko yun. Nasaktan mo ko, oo. Pero nananatili ka pa din dito sa puso ko. Sana matapos na tong nararamdaman ko sa iyo.

*Clap* *Clap* *Clap*

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon