Chapter 59

115 6 5
                                    

Hahahahahaha! Halata sa mukha nya ang pagkairita.

"Dont try Chelsie. Tara na Haisha, nasa tambayan daw sila. Bigay na lang natin tong pizza sa kanila" tumayo na si Zandrex at akmang hihilain na ako ng nagprotesta na naman si Hali. Short for haliparot.

"Babe! Sasama ako" 

"Dont you dare Chelsie. Baka mamaya sa hospital ka dumiretso" 

Mukhang natakot sya sa sinabi ni Zandrex. Di ko tuloy mapigilan mapangisi. Ang sama tuloy ng tingin nya sakin.

Sabi nga nila, if looks could kill malamang kanina pa ako wala sa mundong ito.

Pumunta kami sa tambayan nila Zandrex at nandoon ang barkada.

"Wow! Pizza!" sigaw ni Greg.

"Oy! Pahingi" biglang sabat ni Rexel.

"Hoy! Mamigay naman kayo! Aba sinolo nyo na" sigaw din ni France at kumuha ng pizza.

"Mga kupal, tirhan nyo ko!" sakit na talaga ni Shea ang magkaron ng malakas na bunganga. So loud. Err.

"Ano? Kayo lang? Di kayo mamimigay?" masungit na reklamo ni Thunder.

"Ulul. Hindi pagkain ang lalapit sayo! Ikaw ang pumunta dito" banat ni Greg.

Ang sarap nilang panoorin. Pero jusko ang iingay nila. Swear!

"Bat naman kasi isang box lang yung binili e. Bitin!" reklamo ni Thunder at ni Shea.

At sila pa may ganang magreklamo ha? Tira nga lang yan e.

"Hindi ko naman kasi binili yan para sa inyo. Para kay Haisha yan. Di nya lang talaga naubos kanina kaya dinala na namin dito." masungit na paliwanag ni Zandrex.

Aba masungit pa din pala sya. Haha!

"Zan, sa rooftop lang ako ah?" paalam ko kay Zandrex. Nabobored nako dito sa tambayan nila. Gusto ko makalanghap ng hangin.

"Samahan na kita" tumayo sya at sya na ang nagbukas ng pinto para sa akin.

Naglakad kami papuntang rooftop. 

Naalala ko tuloy, dito sa rooftop na to mismo ako nakita ni Zandrex na umiiyak.
Nakakahiya man pero totoong napagaan nya yung loob ko.

Naalala ko din yung naghabulan kami ni France dito at nandidito din pala si Thunder. Dito ko sya nun nasipa dahil sa pangbubwisit sakin.

"Tell me, bakit ka pumayag sa arrange marriage na sinet ng parents natin?" tanong ko kay Zandrex habang nilalasap ang hangin. Good thing di maaraw ngayon. 

Di sya sumagot. Pero maya-maya din ay nagsalita sya.

"To be honest. Mahal na mahal ko ang parents ko kaya ayaw ko silang suwayin. Alam ko din naman na ginagawa nila to para sa future ko"

Napanganga ako sa sagot nya. Hindi ganitong sagot ang inaasahan ko. 

"Seriously? Ganyan ka kabait at kasunurin na anak?" until now di pa din ako makapaniwala.

Well, namamangha ako.

"Oo. Pinalaki kasi nila ako na dapat nakikinig sa magulang. Dahil ang magulang natin ang nakakaalam ng makabubuti para sa atin. Tsaka ayoko din silang madisappoint sakin. Well, mabait sila mom and dad. Pag may gusto ako lahat ibinibigay nila, hindi sila nagkulang sakin. Pinaparamdam talaga nila sakin na mahal na mahal nila ako" nakangiti sya habang nagkukwento at di ko maiwasang mamangha ng makita kung gaano kumikinang ang mga mata nya habang nagkukwento. Tila ba, inaalala nya yung mga pangyayari na sobrang saya nila.

"Actually, pwede naman akong hindi pumayag sa arrange marriage. Pero nung nakita kita ewan ko kung bakit napaoo ako at hindi pumalag. I know, it so gay pero parang may part dito sa puso ko na nagsasabi na pumayag ako." nagblush ako sa sinabi nya kaya umiwas ako ng tingin. Pero napaisip ako.

"Kung ganun naman pala, bakit ang sungit mo sakin noon?" nagtataka lang ako.

"I started to hate you nung unang beses mong pumunta sa bahay. Akala ko okay ka, yun pala abnormal ka. I hate you because of that personality of yours. I didn't expect na pervert ka. I thought you're silent and quiet"

Haha. I remember that day. Tomorrow after they announce that news. Sinabihan nila ako na pumunta sa bahay nila Zandrex. So dahil mabait ako maganda pa, pumunta ako. Sabi kasi nila we need to know each other. Actually I dont really care about him. I dont need to know him inutusan lang talaga ako nila mommy. Sakto pagdating ko dun, si aling Ned lang ang naabutan ko. Wala daw ang parents ni Zandrex, umalis dahil may lakad. Si Zandrex daw, nasa kwarto nya. Pumunta na lang daw ako. Itinuro nya ang kwarto ni Zandrex. So pumasok nako since hindi naman nakalock yung pinto kaso wala ding tao. Pero maya maya lumabas sya sa comfort room ng nakatopless at tanging yung baba nya lang ang natatakpan ng towel. I can see his 6 packs abs and Im really enjoying the view. He asked me what am i doing at his room. Then I said we will make baby and I can take him to heaven. After saying those words, bigla syang namula ng todo and all i can say is, he is so fuckin' cute. After recovery, pinalabas nya ako ng kwarto nya. Galit na galit sya at ako naman tawa ng tawa. And from that, I decided to tease him in that way so I can see his damn cute red face.

"Huy, natulala kana dyan" nabalik ako sa wisyo ng magsnap sya sa harap ng mukha ko.

"Ay sorry! May naalala lang ako. Ano ba yang sinasabi mo?"

"Ang sabi ko, ikaw. Bakit ka pumayag sa ganung set up?" hala. Ako naman yung tinatanong nya.

Should I tell the real reason?

"Well, to be honest too. I dont want to get married to guy that I don't love. Para kasi sakin, ang kasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan lamang. Tas ayun, naalala ko yung ex ko na niloko ako. So pumayag na lang ako para ipamukha sa kanya na kaya kong magmahal muli ng iba" nahihiya kong sabi. Alam ko naman kasi na ang babaw ng reason ko.

"Ah. You know Im thankful to your ex-boyfriend" napakunot ang noo ko sa sinabi nya?

He's what?

"Kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ka papayag sa arrange marriage, at kung hindi ka pumayag sa arrange marriage, hindi kita makikilala at kung hindi kita makikilala hindi ako maiinlove ulit ng ganito"

Ang daldal nya ngayon no? Napansin nyo ba?

Pero teka, Bakit bumibilis na naman yung tibok ng puso ko? Feeling ko nag-iinit ang mukha ko sa sinabi nya.

And what? Ulit? So nainlove na sya dati? Kanino?

"You said 'ulit' so do you have a girlfriend before?" curious ako bakit ba!

Tumango sya pero halata mo sa mukha nya ang lungkot na pilit nyang itinatago. At sa hindi malamang dahilan nakaramdam ako ng kirot dito sa puso ko.

"Kung ganun, nasan sya ngayon? Anong nangyari sa inyo?"

"Wala. Umalis. Iniwan ako"

"What do you mean?" naguguluhan ako. Seriously!

"Umalis sila papuntang US. Don na kasi sila titira. Umalis sya ng hindi man lang nagpapaalam sakin or nagpasabi man lang ng kahit ano" malungkot nyang sabi.

Natahimik kami pareho. Nakatingin ako sa kanya habang sya nakatingin sa malayo. Tangina bakit nasasaktan ako? Siguro dahil pareho kami ng naging sitwasyon? Alam na alam ko kasi yung feeling na iniwan ka ng taong mahal mo. Mas masakit lang talaga siguro yung kanya kasi iniwan sya ng basta basta. Ako naman, iniwan kasi pang past time lang.

"Oh bakit umiiyak kana dyan?" 

Napahawak ako sa pisngi ko at totoo. Basa nga ang mukha ko.

"Alam ko kasi yung feeling na iwanan ka ng taong minahal mo ng todo. Yung tipong buong mundo mo umikot sa kanya tapos sa huli, iiwanan ka din pala. Yung tipong handa mong isakripisyo ang lahat wag lang sya mawala. Pero tangina, kahit anong gawin mong pagmamakaawa iiwan at iiwan ka pa rin nya"

-Sorry for the super late update mga bagets busy lng ako ngayonh year hehehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon