chapter 58

61 3 0
                                    


Haisha's POV

"Babe, sa condo mo ulit tayo mamaya ha?" she said in her sluty tone.

Guess who? 

Sino pa ba edi yung haliparot na si Chelsie. Talagang ipinaparinig pa sa amin. Umagang umaga pinaiiral ang kalandian. Ayan lang ba ang ipinasok nya? Pathetic.

Kasalukuyan kaming andito sa room at naghihintay ng prof. 

"Babe, tell me nag-enjoy kaba last time?" 

"Shut the fuck up" 

Enjoy last time? Dont tell me nagpunta talaga sya sa condo ni Zandrex at may ginawa silang kababalaghan? Yak.

"Babe naman e" kahit kailan talaga ang arte nitong babae na 'to. Ang sarap nyang ingudngod sa sahig ng malasap nya ang kaartehan nya.

Naiinis ako. Ako yung nililigawan nya diba? Pero bakit pumapayag syang landiin sya ng haliparot na yan? Nakakabadtrip.

"Shea" kinalabit ko si Shea na nagbabasa ng wattpad sa phone nya. 

"Oh bes?" in-stop nya muna ang pagbabasa at tumingin sakin. Inilabas ko ang phone ko at nagtype.

'Naiinis ako. Yayayain ko si Zandrex sa cafeteria. Ikaw na muna bahala kay haliparot. Kalbuhin mo kung gusto mo'

Ipinabasa ko sa kanya ang itinype ko at ngumisi sya.

Sa ngisi pa lang nya alam kong alam na nya ang gagawin. Maaasahan ko talaga tong bestfriend ko, kahit pa sa kalokohan. Gorang gora ang bruha.

Tumingin ako sa likod. Since sa likod namin sila nakaupo.
Tinignan ko si Zandrex at nakapoker face ang mukha nya. Si haliparot naman ayun, nakataas ang isang kilay habang nakalingkis kay Zandrex. Inirapan ko lang sya.

"Baby, pwede mo ba akong samahan sa cafeteria? Di kasi ako nagbreakfast e" sinabi ko sa kanya yon sa pinakamalambing na boses.

Nagliwanag ang mukha nya.

"Sure baby. Tara. Bakit naman kasi hindi ka kumain. Baka magkasakit ka nyan" tatayo na sana sya ng pigilan sya ni haliparot at expected ko na yun. 

"No. Di sya aalis dito sa tabi ko. Dadating na ang prof at kailangan namin mag-aral.Kung gusto mo kumain, kumain ka mag-isa mo" mataray nyang sabi sa akin.

"Pwede b--" singit ni Shea pero agad ding naputol ang sasabihin nya ng tinignan ko sya ng wait-lang-look.

"Wow. Concern ka pala sa pag-aaral mo? Ang akala ko kasi pumapasok ka lang para ipangalandakan yang kalandian mo. Ang pangit mong malandi" I said in a sweet tone while smiling.

"BURN. Hahahaha!" tawa ni Shea.

Well, that's how you do it.

Burn her. Burn her alive.

Halata sa mukha nya ang pagkairita.

"Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng malan--"

"Chelsie. Stop!" naiinis na sabi ni Zandrex.

Halatang nagulat si Chelsie. Di ko tuloy maiwasan mapangisi.

Hinila na ako ni Zandrex papuntang cafeteria. Pagdating namin dun, umupo kami sa usual table namin. Konti lang naman ang estudyante na nandidito dahil maaga pa.

"Im sorry for what happened" paghingi ng dispensa ni Zandrex. Napairap ako at tumingin sa kabilang side.

Sa totoo lang, naiinis talaga ako. Kaya nga eto oh, ako na gumawa ng way para makalayo sya dun sa babaeng haliparot na yun at magkasama kami.

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon