Haisha's POVAng bilis talaga ng araw, kahapon kakadate pa lang namin ngayon may pasok na ulit. Nandidito kami ngayon ni Shea sa cafeteria since 20 minutes pa naman before magstart ang klase.
"Care to share?" I said while raising my eyebrow. Tsk.
"Uhh. Ano, hmm, may dapat ba akong ishare?" alangan na sagot ni Shea. Psh. halata naman na kinakabahan sya e.
"Shea!" mariin kong sabi sa kanya at pinanlisikan ng tingin.
Makuha ka sa tingin. Kundi sasapukin talaga kita.
"Sorry na bes! Huhu" sabi nya sabay kapit sa braso ko. Tinanggal ko naman yun at tinaasan sya ng kilay.
"Come on, spill it"
"Sorry na. Nagawa ko lang naman magsinungaling sayo kasi ano, hmm nahihiya ako"
"Aray" reklamo nya, binatukan ko kasi.
"At sakin kapa talaga nahiya ah? Bakit ka naman nahihiya"
"Sorry na huhu tsaka ano e, syempre, may date kami ni Rexel baka di moko payagan"
Ay grabe. Ano naman kung may date sila ng Rexel nya diba? Wala naman akong paki. Pero nagawa nya pa rin magsinungaling sakin.
"Ganun ba tingin mo sakin? Hmp" pagtatampo ko. Sabay subo ng inorder kong carbonara.
"Sorry na. Di na mauulit" pero di ko sya pinansin. Bahala sya dyan. Inirapan ko lang sya.
"Bes naman, wag kana magtampo. Sa susunod magpapaalam na ako" Di ko pa din sya pinansin. Nag eenjoy ako dito sa kinakain ko e.
"Uyy" yugyog nya sakin.
"Not satisfied. Ano status nyo ngayon?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Eh, ano. Uhm, MU" nahihiya nyang sagot.
"MU?" alinlangan kong tanong. Aba ang dami kayang meaning nun.
"Oo" diretso nyang sagot
"Malabong Usapan? MisUnderstanding? Malanding Ugnayan? Mutual Understanding? Alin don?"
"Ano ka ba naman bes, syempre Mutual Understanding" Sabi nya na nanghampas pa sakin. Tsk.
"Aray ko naman. Sadista" reklamo nya, hinampas ko din kasi sya para fair psh.
"So, kailan pa?" tanong ko.
"Nung nakaraan pa" kita mo tong babaeng to. Bestfriend nya ako pero di man lang nagkukwento sakin. Nakakatampo talaga.
"Bakit di ka nagkukwento sakin ha?"
"Busy ka kaya sa buhay mo" sagot nya.
Well, sabagay. May point sya, pero kahit na, diba?
Tumayo nako at naglakad. 5 minutes na lang at mag uumpisa na ang klase.
"Uy bes, sorry na ha? wag kana magtampo" habol nya sakin. Lalo ko pang binilisan ang lakad ko para di nya ako mahabol.
"Bes! Sorry naaaa" sigaw nya.
Sigaw pa, pinagtitinginan tuloy kami.
Nang makapasok kami sa room. Nakita ko agad si Zandrex. Inirapan ko naman sya.
"Quit staring, its rude" sabi ko pagkaupo ko sa upuan ko. Pano ba naman kasi ramdam na ramdam ko yung titig nya sakin.
"Kanina ang ganda ng umaga ko pero ngayong nakita kita, grabe naglaho" rinig kong pagpaparinig ni Thunder.
Grabe yang lalaking yan. Lakas mang alaska. Hanep. Kala mo kagwapuhan tsk.
Di ko na lang sya pinansin since dumating na din naman yung prof namin.
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Novela Juvenilisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance