chapter 32

105 8 0
                                    

Haisha's POV

Pagkaalis na pagkaalis ni Zandrex, umalis na din ako.Hindi na ako nag-abalang pumasok pa. Tch. Cutting na naman ako pero wala akong pake. Sa ngayon gusto kong makipagbasag ulo.

Habang naglalakad ako papunta sa likod ng school, di ko maiwasan isipin ang sinagot nya sakin kanina.

Ako asa? Tch. As if namang umaasa ako. Kapal ng mukha.

Naiinis ako sa totoo lang, ano namang pake nya kung magkaron man kami ng relasyon ni Rexel? Dont get me wrong huh? Wala kaming relasyon ni Rexel at wala din akong gusto dun, uulitin ko, umaarte lang kami kanina para asarin si Shea.

Tch. Lakas din kasing mang-asar ng babaeng yun e. Nagantihan ko tuloy. Hays.

Nang makarating ako dito sa likod ng school, nag-isip na ako agad kung paano makakaakyat sa mataas na wall na to para makalabas.

Inilibot ko ang mga mata ko para makakita ng way. At sa pagtalikod ko nakita ko ang isang lalaking naglalakad papunta sakin. Mukhang mambabadtrip na naman. Hanep din sa timing e, kung kailan badtrip na badtrip na nga ako tsaka pa mangbubuwisit. Kaasar -.-

"Where do you think you're going?" pagtatanong ng kupal.

"And what do you care?" mataray na tanong ko sa kanya while raising my left eyebrow. Tch.

"Cutting classes huh?" nakasmirk nyang sabi. 

"Cutting classes huh?" pang gagaya ko sa kanya. Totoo naman ah, kung cutting ako cutting din sya. Tch. Kung hindi sya cutting, e anong ginagawa nya dito? 

Napasimangot naman agad sya.

"Nako, tigilan moko Zandrex ha! Wala ako sa mood makipag usap sayo!" magsasalita na sana sya ng unahan ko na syang magsalita.Tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang rope na nakalagay sa bag ko.

"San mo naman kinuha yan? At bakit may ganyan ka?" nagtatakang tanong nya.

"Wala kang pake! Lumayas ka nga dito baka samain kapa sakin" irita kong sabi sa kanya. Ano ba kasing ginagawa nya dito? Diba may klase kami? Eh bakit nandito yang kupal na yan? 

Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin paalis sa lugar na yon.

"Hey, stop dragging me! Let me go!" Inis kong sabi sa kanya kaso ang higpit ng pagkakahawak nya kaya di ako makawala.

"Ano ba Zandrex! Di na ako natutuwa!" asar na asar kong sabi. Tangina.

"Bitawan mo sabi ako e! Ano bang problema mo!" Kinginang kupal na to e, bibigwasan ko to mamaya.

"Ano ba, ayokong pumasok! Bitiwan moko"

Halos maputol na ang ugat ko sa leeg kasisigaw. Nakakaasar nang sobra, dahil sa mga pangingielam nya, tignan mo tuloy ang dami dami na namang tsismosa ang nakatingin samin at the same pinagbubulungan kami. Fuck.

Tumigil sya sa paglalakad pero hawak hawak pa din nya ang pulsuhan ko. Nakatingin sya ng diretso sa mata ko kaya kinabahan ako. Takte.

"Wag ka ngang maingay! Halikan kita dyan e" 

Ano daw? Myghaad. This is not Zandrex. Hahalikan daw ako? San naman sya kumuha ng lakas ng loob sabihin sakin yan? Aish. Baka mamaya pagtripan ko sya dyan tas mamula na naman sya. Tch.

"Then stop dragging me kung ayaw mong sumigaw ako! At isa pa ayoko nga kasing pumasok!"

"Sino ba kasi nagsabing papasok ka? Sasamahan kita magcutting" napamaang ako sa sinabi nya.

Whaaat?

"Ayoko nga! Uuwi nako" binitawan nya ang kamay ko pagdating namin sa may parking lot.

"Edi ihahatid kita" 

Ano ba mga pinagsasasabi nya? Ano bang pake nya? 

"Sakay" utos nya sakin pero di ko sya pinansin. Bahala sya dyan nakakainis.

"Sakay sabi e!" yung kaninang kalmado nyang boses ngayon sumisigaw na, pero di pa din ako nagpatinag sa pasigaw sigaw nya.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako! Nakakainis ka!" napasigaw ako ng buhatin nya ako ng pa bridal style at ipinasok sa kotse.

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong halikan kita!" pagbabanta nya sa akin nung magsasalita dapat ako. Tch.

"Pake mo ba? E sa gusto kong magsalita e!" nakakabadtrip din to e. Hanep din makapanira ng mood, magbestfriend nga sila ni Thunder. Tch.

"Ah so gusto mong halikan talaga kita?" nakangisi nyang sabi habang inumpisahan nang paandarin ang kotse.

HUWAAAAAAAT?

"Seriously? You're not Zandrex. So dont me!" sarcastic kong sabi kaya naman natawa sya.

Natawa sya? Myghaad. What happened to this guy? Hindi sya ganito dati. Hindi ganito yung Zandrex na nakilala ko.

"Im serious Haisha" kinabahan naman ako ng banggitin nya ang pangalan ko.

"Im serious, Im serious, Im serious your face" naiinis kong sabi sa kanya kaya natawa lalo sya.

Haneeep! Ano bang nangyayari sa lalaking to? Ang daldal nya ngayon plus ngumingiti at tumatawa pa, hindi lang yun dahil ngumingisi na sya ngayon at nang-aasar pa! 

"Ano bang itinatawa tawa mo dyan? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko!" kung naiinis ako kanina pa, mas naging doble yung inis ko ngayon.

At mas mukhang mas titriple pa yung inis ko dahil sa napakagandang sagot nya.

"Hahahahahahaha" isang malakas na tawa nya.

Punyeta! Pagtawanan ba naman ako! 

"Ano ba!" sa sobrang inis ko di ko na namalayan na hinahampas ko na sya.

"A-aray! Aray! Ouch! T-tama na mababangga tayo" daing nya. Tumigil naman ako sa paghampas sa kanya dahil sa pagewang gewang na ang sinasakyan namin.

"Ano ba kasing nangyayari sayo?! May sakit ka ba? Ano bang nakain mo? Sinapian kaba ha? Nakadrugs kaba? Sabihin mo ano!" napapraning at sunod-sunod kong tanong sa kanya. OA na kung OA. Hindi si Zandrex tong kasama ko!

Waaaah! Mababaliw nako! T.T

"Pfft. Hahahahahaha. Baliw ka na" 

"Paanong hindi mababaliw eh, hindi ka naman dati ganyan! Tumatawa ka, nang-aasar kana din, ngumingisi at ngumingiti pa at isa pa ang daldal mo na! Kaya sabihin mo anong nangyayari sayo!" Dirediretso kong sabi sa kanya. Nakakainis pero nakakabaliw. 

"Hahaha, tao din ako Haisha. Tsaka ganito ka din naman diba? Madaldal, makulit, mapang-asar at ma L"

Ma L?

"Huh? Ma L? Pinagsasasabi mo dyan?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Totoo naman diba? Malibog ka" 

Literal na napalaki ang mata ko sa sinabi nya at napatingin pa sa kanya. Lumingon sya sakin at natawa na naman.

"Tch. Sira ulo" bulong ko at humarap na lang sa bintana.

Waaah. Feeling ko ang init init ng mukha ko! T.T

Why are you doing this to me

nababaliw na talaga ako.

T.T

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon