Chapter 10

104 6 0
                                    

Oh France, what brings you here?" Sabi ng ate nya.

Napanganga naman ako sa ate nya. Ang ganda ganda kasi. Lalo na pag nagsmile sya. Dont get me wrong huh? Hindi ako lesbian. Crush ko lang tong ate nya. CRUSH means paghanga.

"Ate, Alam kong lagi kang may extrang uniform baka pwedeng pahiramin mo muna si Haisha?" pagkasabi nya nun ay agad naman napatingin sakin yung ate nya.

"Ikaw si Haisha? Ohmyghad. Ikaw pala yung lagi--" hindi nya na naituloy yung sinasabi nya dahil tinakpan agad ni France yung bibig nya.

What's happening?

"Ate, sabi ko baka pwede mong pahiramin si Haisha ng extra mong uniform"

Agad naman tinanggal ni ate Sapp yung kamay ni France sa bibig nya

"Sure. Sure. Halika Haisha" mabilis naman akong hinatak ni ate Sapp at saka nya iniwan yung mga kasama nya pati si France. Ang hyper ng ate nyo.

"So ikaw pala si Haisha. Ako naman si Frances Sapphire. Call me ate Sapp na lang" sabay ngiti nya sakin.

Grabe ang ganda ganda nya talaga.

"You know, ang ganda ganda mo" Napanganga naman ako sa sinabi nya.

"Si ate naman nambola pa. Mas maganda ka nga po e"

"Haha. Pareho tayong maganda" sabi nya sabay abot ng uniform nya sakin at sinarado yung locker nya.

"Tara samahan na kita magpalit" 

"Nako ate wag na, baka malate ka pa. Anong oras na oh" 

Umiling lang sya. 

"No. Sasamahan kita. So tell me what happened? Bakit ka nagkaganyan?"

Before I spill it I heave a big sigh. 

"There's a bitch na sinadyang tapunan ako ng juice. Nilalandi ko daw kasi yung boyfriend nya which is not true. Kasi in the first place hindi nya naman boyfriend yun and second, Im not her. Im not flirt"

Natawa naman sya sa sinabe ko. 

"I think I know her" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"She's Dianne Villanueva right?" 

Pano nya nalaman? 

"Laging nagkukwento sakin si France that's why I know her. And the thing is Dianne always claimed that Jason Zandrex Park is her boyfriend"

"Tsk. Pathetic" Sabi ko pagkalabas ko ng Cubicle. Nakapagbihis nako kaya tumingin muna ako sa salamin. Buti at kasya sakin tong damit ni ate Sapp, sabagay, hindi naman nagkakalayo ang katawan naming dalawa.

Natawa naman si ate Sapp sa sinabi ko.

"You know, I like you" 

Natawa na lang kami ni Ate Sapp. Paglabas namin ng Comfort room naabutan namin si France na nakasandal sa pader at mukhang naghihintay samin.

"Mukhang close na close na kayo ah" nakangiting sabi ni France kaya napangiti na lang din kami ni Ate Sapp.

"Haisha, una nako ha? Dito kasi ang way ko. Oh France, ingatan mo si Haisha" sabi nito kay France at kumindat pa.

"Thankyou ate! See you soon" 

"Welcome" sigaw nya at kumaway pa.

Ang bait nilang magkapatid. Ang dami dami naming napagkwentuhan ni Ate Sapp hindi na namin namalayan yung oras.

"France, pano yan hindi na tayo nakapasok ng isang subject. Nadamay ka pa tuloy. Sorry"

"You dont need to say sorry. We're friends right?" sabi nya ng nakangiti but i can see sadness in his eyes. Anong meron? 

"San tayo punta nyan? Thirty minutes pa bago matapos yung class natin" tanong nya.

"Tara rooftop?" tanong ko sa kanya.

Umakyat na kami sa rooftop at masasabi kong perfect tong pinagtambayan namin ngayon. Tahimik, mahangin at nakakatanggal ng stress.

Tinignan ko si France, dinadama nya yung hangin habang nakapikit. Lumapit ako sa kanya.

"Thankyou" sabi ko kay France atsaka sya niyakap. Nagulat naman sya sa ginawa ko at ginulo yung buhok ko.

"Fraaaance! My hair!" Sigaw ko. Ayoko kasi talaga sa lahat yung ginugulo o hinahawakan yung buhok ko e.

Natawa lang naman sya at saka tumakbo. Hinabol ko naman sya at nung naabutan ko na sya kinurot ko yung pisngi nya. Napaaray naman sya. 

Hahahahaha! Namumula na kasi yung pisngi nya.

Tawa lang ako ng tawa ng biglang may nagsalita.

"Ano ba naman yan ang ingay!" napalingon kami sa pinanggalingan ng boses.

Nagulat kami ni France.

"Thunder?"

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon