chapter 37

75 7 0
                                    

Zandrex's POV

Pagkadating namin sa mansyon nila Haisha. Nagpaalam muna si Shea na magpapalit lang ng damit sa kwarto nya. Naiwan naman kaming lima dito.

"Hoy Zandrex! Mukha kang tanga alam mo ba yun?" sita sakin ni Thunder.

Nabaling ang tingin ng tatlo sakin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Pinagsasasabi neto?

"Kanina kapa nakangiti. Mukha kang tanga promise" itinaas nya pa talaga ang kanang kamay nya. Yung parang sa panatang makabayan, ganun.

Nabato ko naman sa kanya yung unan na nasa sofa. Ngunit agad din naman nya itong nasalo kaya natawa ang barkada.

"Like somethings happen huh?" biglaang salita ni France. Nakasmirk sya. Ewan ko ba pero nainis ako sa sinabi nya. Pake nya ba? 

"Yeah, you're right. Any problem with that?" I asked him directly with blank expression in my face. I dont care kung kaibigan ko pa sya.

Ang akin, akin lang.

If you're thinking na Im jealous. No, I am not. Cause Im just protecting what is mine.

Lol.

Nakasmirk pa din sya. Bahala sya dyan.

"Hey, wala pa ba si Haisha?" tanong samin ni Shea pagkababa nya ng hagdan.

"Wala pa" sagot naman ni Greg

"San na kaya nagpunta yun?" bulong nya pero rinig naman namin. 

"What do you want to eat guys?" tanong nya ulit.

"Anything will do" - Thunder

"Ay sorry wala kaming anything na pagkain dito e" napatingin kami sa pintuan nang barahin ni Haisha si Thunder. 

"Tsk. Panget na nga epal pa" 

"Hi Haisha. Tagal mo ah?" malambing na tanong ni France. Tsk.

"Oo may nang chika pa kasi sakin e" sabi nya sabay tingin sakin ng masama.

Chika pala ha? Hahaha!

"Ako na magluluto Shea, magpapalit lang ako" umakyat na sya sa taas pagkatapos nyang sabihin sa bestfriend nya yon.

"Hoy Greg, wag mong pakielaman yan kung gusto mo pang mabuhay" napatingin naman kami kay Greg na naglalaro na nang psp.

"Kanino ba to?" tanong nya habang nakatingin pa din sa nilalaro nya.

"Kay Haisha yan. Ibalik mo na bago ka pa mahuling hawak mo yan. Sinasabi ko sayo di ka talaga makakalabas dito ng buhay" pananakot nya kay Greg mukha namang effective kasi ibinalik nya na ito kung saan man ito nakalagay.

"Guys wait me huh? Magluluto lang ako. Feel at home" sabi ni Haisha pagkababa at pumunta na ng kitchen.

Napatingin ako kay France ng bigla syang tumayo. Papunta sya ng kitchen. Shit.

Agad din akong napatayo at pumunta din don.

Naabutan kong kinakausap ni France si Haisha habang nagmimix ito.

"Want some help?" malambing na tanong nito kay Haisha.

Tumingin naman sa kanya si Haisha at matamis na ngumiti. Tch.

"Thanks but no need. I can manage" sabi nya at saka nagpatuloy sa pagbebake.

"Dude, what are you doing here?" lumabas na kasi ako sa tinataguan ko.

"Masama ba? Iinom lang ako ng tubig. Ikaw ano ginagawa mo dito?" dumiretso ako sa ref nila at kumuha ng pitsel kumuha na din ako ng baso.

"Well, obviously, Im talking to her" itinuro nya pa si Haisha.

Ibinalik ko na ang pitsel sa ref. Hindi muna ako umalis at lumapit kay Haisha. Naka apron sya at nakaponytail. 

Ang ganda nya pa din.

"Baka matunaw ako nyan ha" pabirong sabi ni Haisha.

Di ko alam kung sinong sinasabihan nya saming dalawa ni France dahil nakatitig din naman sa kanya si France. He really likes her huh? 

"Ilang taon na kayo sumasayaw Haisha?" pambabasag ni France sa katahimikan.

"Bata pa lang sumasayaw na talaga kami ni Shea" sagot ni Haisha. Halata namang naiilang sya dahil sa mga titig namin ni France sa kanya. Tumango tango naman si France sa sagot nya.

"Haisha, sa condo ko ikaw matulog mamaya" nakasmirk kong sabi. Well, papatalo ba ako? A big no.

"H-huh? Bakit?" nauutal nyang sabi. 

See that? Ako lang nakakagawa nyan. Haha!

"May pag-uusapan tayo" I said while still staring at her.

"About what?" 

"About our WEDDING" inemphasize ko talaga yung word na wedding para iparinig kay France.

"Uh? O-okay?" hindi nya siguradong sagot.

"Sige. Hintayin na lang kita dun ha?" nakangiti kong sabi at kinindatan pa sya at saka umalis na.

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon