Zandrex's POV
"Oo"
"Tch. Tigilan mo 'ko" Inis kong sabi sa kanya. Napaka talaga ng utak nya. Hanep.
"Bakit?" nakangisi nyang tanong
"Anong bakit, wag mo 'kong istorbohin"
"Istorbo na pala ako sayo" nakanguso nyang sabi. Tsk.
"Sa iba ka na lang magpatulong"
"Ayoko nga sa iba e, gusto ko ikaw" she said while playing her fingers.
"Tch. Ano bang sinasabi mo dyan? Manahimik ka nga!" Napairap na lang ako sa kakulitan nya. Kahit kailan talaga.
"Tulungan mo nga kasi ako para next level nako" pagmamaktol nya. Di na ako sumagot dahil pumasok na ang prof namin.
"Good Afternoon Class"
"Good Afternoon Miss" walang buhay na pagbati ng mga kaklase ko.
Nag umpisa na magturo ang prof namin. Nagsusulat ako ng notes ng biglang may ilapag sa table ko itong katabi ko. Napatingin naman ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa white board.
'Pag nasagutan mo to hindi na kita kukulitin pero kapag hindi mo nasagot ng tama to, tutulungan mo ko'
Napalingon ako ulit sa kanya pero this time tumingin na sya sakin. Nakangisi.
Psh. Tinignan ko muli ang papel na ibinigay nya at sinimulang basahin ang pinapasagutan nya.
'Ano ang tawag mo sa kapatid ng tatay mo pero hindi mo tito?'
Napaisip ako. Ano nga ba?
Aish. Nagsulat ako don sa papel at inilapag sa table nya ng palihim.
'AYOKO'
Napalingon naman sya sakin at sinimangutan ako, pero binigyan ko lang sya ng blankong emosyon. Bahala sya dyan. Pati ako dinadamay nya sa mga kalokohan nya tsh.
Pero nagulat ako ng ilapag nya ulit sa table ko ang papel na sinulatan namin. Akala ko titigilan nya na ako hindi pa pala. Sabagay, ano nga bang aasahan ko sa kanya e makulit nga pala sya. Hindi ko lang mawari kung sakin lang ba talaga sya ganyan kakulit o pati sa iba. Pero sa nakikita ko naman hindi sya makulit sa iba dahil sa mga pananaray at pambabara nya.
Tsh. So sakin lang talaga sya makulit? O baka naman inaasar nya lang ako? -.-
Binasa ko ang nakasulat at nanlisik bigla ang tingin ko sa kanya.
'Okay fine. Then Im gonna tell to tita that you always strifed me"
Okay? Blackmailing me huh?
Napangisi na lang sya sakin. Kahit kailan ka talagang babae ka! Tch. Alam na alam nya kung sinong kahinaan ko. So may magagawa pa ba ako? Ayaw na ayaw kong nagagalit si mommy. Mahal na mahal ko yun e. Kingina.
Binasa ko ulit yung tanong na nakasulat sa papel.
'Ano ang tawag mo sa kapatid ng tatay mo per--'
Hindi ko na natapos basahin ang binabasa ko dahil hinablot nya mula sa akin ito. Nagtataka ko syang tiningnan pero nakita ko na lang na may kung anong sinusulat sya don sa papel at saka ibinigay sakin.
'Clue: four letters one word, tagalog. Im giving you one hour to answer that question. Goodluck baby'
I rolled my eyes on her but she give me a smirk. Tch. She tap her watch and mouthed 'Time is running baby' and winked at me.
Bakit ba ako na lang lagi ang kinukulit at dinadamay nya sa mga kalokohan nya? Tsh. Andyan naman yung bestfriend nyang si Shea o di kaya si France na laging nakabantay sa kanya. Kung gusto nya pwede ding si Rexel na may gusto kay Shea o kaya'y si Greg na karibal ni Rexel. Andyan din naman si Thunder na laging nang aasar at nang iinis sa kanya, pwede rin naman syang magpatulong sa mga classmates namin o di kaya'y sa mga estudyante dito pwede ring sa mga profs pero bakit ako pa? Tch. Daming arte.
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance