Chapter 27

99 4 0
                                    

Haisha's POV

"Haisha"

"Haisha wake up! You're dreaming"

"Haisha! Haisha wake up" Rinig kong sabi ng kung sino kasabay ng pagyugyog sakin.

Napamulat ako ng mata at nakita ko ang nag-aalang mukha ni Zandrex. Napayakap ako bigla sa kanya dahil sa masamang alaalang napanaginipan ko. Hanggang ngayon hinahunting pa din ako ng alaalang yon. Di ko naman ginusto yung nangyari sa kanya. I really really love my childhood bestfriend. At kung pwede lang sana na pahintuin ko ang oras para makabalik ako sa nakaraan gagawin ko, maisalba lang ang buhay ng bestfriend ko. 

Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Zandrex sa likod ko kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Parang feeling ko wala akong lakas, hinigop lahat ng panaginip ko.

"Haisha, its okay. Its just a dream, okay?" pag aalo nya sa akin. 

Agad namang nangilid muli ang mga luha ko at anytime ay tutulo na ulit ang mga ito. Muling bumalik sa isipan ko ang mga napanaginipan ko, kung saan namatay ang bestfriend ko, dahil sa katangahan ko. 

At sa inaasahan, nag unahan sa pagbagsak ang mga luha ko, napahikbi ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang ang paghigpit lalo ng yakap sakin ni Zandrex. 

Thankyou. Sabi ko sa kanya sa isip ko. 

"Its not a dream, its a nightmare" mahinang tugon ko sa sinabi nya kanina.

"Pero Haisha, pagabi pa lang kaya pano naging nightmare?"

Natawa ako sa biro nya at napahiwalay sa pagkakayakap sa kanya dahil sa paghampas ko sa braso nya.

"Ang corny mo" 

"Masakit ha. Ikaw na nga tong kinocomfort ikaw pa tong nananakit. Amazona. Tch." sabi nya habang hinihimas himas pa ang braso nyang hinampas ko. Natawa naman ako lalo sa kanya dahil sa naiinis nyang mukha.

"May I know what's bothering you? Bakit ka umiyak kanina sa tambayan?" nagulat ako sa tanong nya. Nakatingin sya sa mga mata ko ng seryoso. Nailang naman ako kaya agad akong napaiwas ng tingin.

Sasabihin ko ba? 

"You know its okay kung di mo sasabihin. I wont force you" nakangiti nyang sabi. 

Magpapamisa na ba ako? Bakit nangiti to ng ganito?

"Stop staring" reklamo nya.

"Tch"

FLASHBACK

Paglabas namin ng room tumabi agad sakin si France para masabayan ako sa paglalakad. Sa right side ko sya pumwesto. Sa left side ko naman tumabi din sakin si Zandrex at sa tabi nya si Thunder.

Si Shea, Rexel at Greg ay nauuna saming maglakad.

Dahil sa mga katabi ko hindi na naman maiwasan ng mga estupidyante na magbulungan ng nakamegaphone kaya halos rinig na rinig namin.

"Myghaad te. Ang hahot nila lalo na si France"

"Basta sakin si Thunder ayiie"

"Tch. Manahimik nga kayong dalawa mas HOT si Zandrex no!" pinakadiinan nya pa talaga yung hot. Tch.

"Ang swerte talaga ni Haisha. I envy her" napasimangot ako dahil sa narinig ko. Hindi dapat sila mainggit sakin dahil mga tao lang din naman tong mga katabi ko.

"Wala tayong palag dyan, maganda, mayaman, matalino at balita ko dancer pa daw yan at magaling sa volleyball. She's so perfect" Bulong ng isa sa katabi nya pero sapat na iyon para marinig namin. 

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon