chapter 33

105 4 0
                                        

continuation..

"Were here" Sabi nya at ipinark na ang kotse. Ngayon ko lang namalayan na nasa mall pala kami.

Bumaba na sya ng kotse at hindi man lang ako pinagbuksan.

What a gentleman right? Tch.

"What are we doing here?" tanong ko sa kanya ng maglakad na kami papasok.

"Masyado ka ng praning, so why dont you try to chill for a while?" nakangiting sabi nya sakin.

Ayan na naman sya sa pangiti ngiti nya. 

Bakit ba ako naaasar sa ngiti nya? Tch. Masyado syang gwapo para ngumiti pa.

"Daming alam. Tss. Bilisan mo gutom nako" binilisan ko ang lakad ko para mauna ako sa kanya at para hindi na din kami magkasabay sa paglalakad.

Napahawak ako sa dalawang pisngi ko. Tangina. Di ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at feeling ko ang init init na ng mukha ko. 

"San mo ba gustong kumain?" tanong nya ng maabutan ako. Nagulat ako kaya agad agad kong tinanggal ang mga kamay ko sa pisngi ko.

Nakakahiya. Mukha akong tanga.

"Kahit saan basta may pagkain" sagot ko.

"Tch" 

"Ano bang pumasok sa isip mo para samahan ako magcutting?" pagtatanong ko sa kanya habang kumakain kami.

Tumigil muna sya sa pagkain at tumingin sakin. Umarteng parang nag-iisip pa.

"Uhm, wala lang trip ko lang"

Napamaang ako sa sagot nya. Trip nya lang?

"Tch. Abnormal" napairap na lang ako sa kaabnormalan nya. 

"Well, atleast now you know how I feel everytime na gagawa ka ng isang bagay tapos sasabihin mo trip mo lang"

Tch. Abnormal. Nakakainis.
Galit dapat ako sa kanya diba?

Hindi na ako nagsalita pa. Bahala sya dyan. Di ko sya papansinin tch.

"Bakit ba ayaw mong pumasok?" biglaang tanong nya kaya napatingin agad ako sa kanya.

Bakit nga ba ayaw kong pumasok? Ay oo nga pala. Tinanong ko nga pala sya kanina kung inlove na ba sya sakin tas ang sagot nya hindi daw. Asa pa ako. Tch.

Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko sa sagot nyang yun. And I think that's the reason kaya nawalan na ako ng gana pumasok. Parang ayaw ko muna syang makita ganern. Bumalik ako sa wisyo ng magsalita sya bigla.

"Hey, Im asking you. Stop staring at me" this time tumingin na sya sakin kanina kasi hindi e. Tss.

"Im not staring at you. Kapal ng mukha" sagot ko sa kanya at bumalik na sa pagkain.

"Hahahaha" ayan na naman sya. Tumatawa kahit walang nakakatawa.

"Why are you laughing? Did I say something funny?" pagtatanong ko sa kanya. Pano ba naman wala pa din syang tigil sa pagtawa. 

"Wala naman" 

Di na ako nagsalita pa. Argh. Nakakainis! 

"Ang cute mo" saad nya habang tumatawa pa din. Napamaang naman ako sa sinabi nya.

Sinabi ba nyang cute ako? Bakit ganun parang kinilig ako? Ay hindi. Galit pala ako.

"Err. Im not cute. Im Gorgeous" confident kong sagot sa kanya at umayos pa ng pagkakaupo and then I flip my hair.

The Hottie and the NaughtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon