Haisha's POV
"Huuy babaeee! GISING NA! Aba may pasok pa tayo!"
Kunot noo kong tinanggal ang pagkakataklob ng kumot ko na nakatakip sa buong katawan ko. Ano ba naman yan. Antok na antok pa ako eh. Tsk.
"Ano ba naman yang bunganga mo Shea, dinaig mo pa alarm clock ko sa sobrang ingay mo! Inaantok pa ako kaya lumayas ka dito!" sabi ko sa kanya at muling itinaklob ang kumot sa ulo ko.
"Ay ganon? So wala kang balak pumasok ha?" sabi ni Shea.
Tsk. Ang ingay talaga.
"Sige, tignan natin kung di ka pa bumangon dyan" dagdag pa nya.
Narinig ko na lang na nagsarado ang pinto. Hays buti naman at umalis na.
---
"Baby"
"Uy baby"
"Baby, bangon na may pasok pa tayo"
Shet. Bakit ganun ang sarap pakinggan ng boses ni Zandrex. Ang lambing at parang nang-aakit. Para akong nasa ulap habang sinasabi nya ang mga katagang iyon.
"Baby, gising na. May pasok pa tayo" sabi nya habang hinahaplos pa ang buhok ko.
Syete. Parang ayoko ng magising at manatili na lang dito sa panaginip na ito. Gusto kong marinig ang boses nya ng paulit-ulit. Para itong musika sa pandi--
"Baby, Yuhooo!"
Napaupo ko bigla ng maramdaman kong may yumugyog sakin.
OMG!
"Finally, grabe ang hirap mo palang gisingin" napatingin ako sa kanan ko at nanlaki bigla ang mga mata ko.
O_____O
Ibig sabihin hindi ako nananaginip kanina? Tangna.
T.T
"Nangyare sayo? Bakit para kang nakakita ng multo dyan?" pagtatanong nya.
"W-wala. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" napaiwas ako bigla ng tingin sa kanya.
Sht. Nakakahiya, baka bad breath pa ako.
"Well, Shea called me. Ayaw mo daw gumising, kaya pumunta ako dito para ako ng gumising sayo" ngumiti naman sya ng nakakaloko.
"Oh. Gising nako kaya tsupi na" pagtataboy ko sa kanya.
"Diba sabi mo, hindi basta basta nakakapasok dito, kaya hindi din basta basta nakakalabas? So wala ka bang gagawin sakin?" taas kilay nyang tanong habang nakangisi.
Luh? Ano ba pumasok sa utak neto at sya pa ang nag-iinsist?
Mamaya pag pinatulan ko yang kapilyuhan nya, di nya kayanin?"Tigilan mo nga ako" sabi ko at tumayo na para maligo.
"Hahaha. Why? Diba dati, lagi mokong pinagtritripan? Ngayon ready nako sa mga kalokohan mo. So come on baby" natatawa nyang sabi.
Eh? San ba to natutong gumanyan?
"Tse! Wala ako sa mood. Ginising moko!" sabi ko sa kanya.
"May pasok kaya tayo, baka nakakalimutan mo"
"Siguro naman pwede ma-late diba?"
"Anong oras kana ba kasi natulog kagabi?" pagtatanong nya.
What time nga ba? Hmm.
"Past 2am na"
"Sino ba kasing pumuyat sayo? At anong ginawa mo?" taas kilay nyang tanong.
Ba't ganun? Iba yung dating sakin nung tanong nya?
Iba ba talaga? O sadyang green lang tong utak ko?
"Anong sino? TSUPI KANA NGA. Maliligo na ako"
Imba din e.
Natawa naman sya sa sinabi ko at lumabas na ng kwarto kaya pumasok na ako sa Cr.
After 20 minutes, Im done.
Nagbihis na ako at nag ayos. After doing those stuffs, bumaba na ako."Goodmorning Twin! Si Zandrex lang pala, makakagising sayo e. Hahaha!" sabi ni Shea pagkababa ko, sinamaan ko naman sya ng tingin kaya natawa sya lalo.
Letseng to. Humanda ka talaga sakin mamaya.
"Bruha kang babaita ka! Lumayas layas ka nga dito sa harap ko at baka di kita matansya" pagbabanta ko sa kanya.
Si Zandrex, ayun natatawa din sa pagbabangayan naming magbestfriend.
"Sadista ka talaga e no? Osya, mauna na ako sa inyo" paalam nya samin.
"Kumain kana ba?" tanong ko kay Zandrex. Ang aga nya kasing pumunta dito diba? Baka mamaya di pa pala sya kumakain.
"Hindi pa. Nung tumawag kasi si Shea sakin kagigising ko lang din kaya naligo ako agad at dumiretso na dito. Di na ako nakapagbreakfast pa" mahabang paliwanag nya.
Kita mo yung babaeng yun. Nang istorbo pa talaga ng ibang tao tsk.
"Dito kana magbreakfast. Sabayan mo na ako" after kong sabihin yun pumunta na kami sa dining area. May oras pa naman kami para makapag almusal.
---
BINABASA MO ANG
The Hottie and the Naughty
Teen Fictionisa akong naughty and isa dn akong gangster tidnan din natin kung maiinlove ako sa taong finix marriage sakin...posible bang mainlove ako sa hottie kong fiance