Chapter 1

183K 2K 111
                                    

Kung nakakamatay lang talaga ang pagtitig, malamang pinaglalamayan na ako sa mga oras na eto. Wala naman akong ginawang masama pero pakiramdam ko isa ako sa mga suspek na pinaghihinalaan na pumatay ng kung sino. 


Sa sobrang titig ng bawat nadadaanan ko sa hallway baka mamaya eh bigla nalang akong sumabog dito. Tsk. Inayos ko nalang ang salamin ko sa mata at binigyan sila ng isang makapunit bibig na ngiti bago nagpatuloy sa paglalakad.



Oo, hindi ako ganun kagandahan pero alam ko iyung salitang respeto. At sana sila din, na sana ilagay nila dyan sa pagka-liit-liit nilang kokote ang salitang iyun na syang kailangan ko.



"Arawch!" Biglang sabi ko ng maramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko mula sa hagdan. "Aray." inis kong sabi habang hinihimas ang pwetan kong tumama sa hagdan. Bwiset! ang sakit! Mas masakit pa sa sabihan ka ng pangit kahit totoo naman Kainis.


Pero natigil ako ng mapansin ko ang mga matang nakatitig sakin ngayon. At bigla akong nanghina ng makita ang mga tao habang nag bubulungan, kasabay ang patagong pagtawa na parang di ko naririnig. Psh! Bumubulong ba talaga tong mga to? O baka kelangan pa nila ng sound system para pati kabilang campus marinig pinag uusapan nila. Haist!


Umagang umaga ang malas-malas, magpagulong-gulong ba naman daw pababa ng hagdan di ba ang sakit!, mas masakit pa sa break-up nyo ng jowa mo. Ay hindi! Mali!. Kalma, wag kang matatamaan, wala kang jowa.



Pinilit kong igalaw ang paa ko para maka-tayo pero medyo masakit dahil hindi maganda yung pagkakabagsak ko. Tch! Paki sabi nalang din sakin kung meron bang magandang pagkakabagsak, at gagawin ko sa susunod.


"Ganyan ba talaga maglakad mga panget?" Bigla kong naiangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses na yun. At si Kyle Ethan Mendoza lang pala. Teka, tiningnan ko ulit. At, Oo nga, sya nga, mali SILA pala. Oo, SILA.


"OMG! Andyan na si Papa Kyle!"


"Grabe ang gwapo ni Nikko."


"Ang cute ni Jio at Kurt OMG!"

"Gosh! Hihimatayin na yata ako.."


Ilan lang ang mga salitang yan sa naririnig ko mula sa mga asong nakatingin sa apat na ugok na to.

Pero natigil ako sa pakikinig sa mga bulong-bulungan nila ng sabay-sabay  silang nagtawanan, ah hindi mali pala
Maliban kay Nikko na nakatingin lang sakin na walang karea-reaksyon sa mukha.

"Ha.ha.ha.." sarcastic kong tawa dahil kita kong halos ma matay-matay na sa tawa tong unggoy na nakatayo lang sa harap ko. "Oo ganito nga ako maglakad! Bakit?, Naiinggit ka? Baka gusto mo?, try mo ang saya grabe!." sabi ko sa sabay irap, yung irap na halos lulubog na dalwang mata ko sa sobrang inis.


Ang yabang, porke nakakalamang lang ng ilang ligo kala mo ikinagwapo na nila. Oo nga, hindi ko mai-ddeny, may itsura sila na maipagmamalaki, kaya nga sila sikat dito sa campus, pero Shocks! Sobrang nakakalungkot dahil sa panahon ngayon, yung mga may itsura at kilala lang ang binibigyan ng karapatan at atensyong respetuhin. At isa pa sa ipinagtataka ko e kung bakit ginugusto pa ng mga babaeng to ang maghabol sa mga ugok na lalakeng nasa harap ko ngayon. Di ba nila alam na nagmumukha na silang mga aso?! Hayss.



Mga walang ibang magawa kundi ang makipag fling sa iba't-ibang babae araw-araw gabi-gabi Psh!. Kung iisipin almost perfect na e, mayaman, matalino, gwapo, haloa lahat nasa kanila na, eh ang kaso nga lang ay wala man lang natanggap na mana yung ugali nila, napaka bad nila! Mas bad pa sa bad. Grr.



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon