Chapter 34

37.6K 831 73
                                    

Foundation month na. Grabe, ang bilis ng mga pangyayari, kaya maging ang pag-lipas ng araw eh hindi ko na masyadong napapansin. Humikab lang ako tapos foundation day na kaagad. Buti na nga lang talaga dahil wala kaming naging proper lesson nung mga nakaraang araw. Dahil ayokong makita si Kyle.



Ewan ko ba, sa tuwing naaalala ko sya bigla nalang akong kinakabahan. Pano kung sya nga talaga yun? Tsk. Eh pake ko kung sya yun. Mabuti nga iyun, dahil at least alam ko na pinag t-tripan nya lang talaga ko.


Pero bakit parang nag-iiba ata pakiramdam ko sa tuwing naiisip ko na pinag t-tripan lang nga ako ni Kyle. Tsk. Ano ba'tong pinag-iisip ko. 'di ko na alam kung nasa katinuan pa ba ako sa mga pinag-iisip ko.



Naglalakad ako ngayon papuntang stock room para ihatid iyung mga nagamit namin para sa pag bukas ng booth kanina. Wala din naman kasi akong ibang magawa kaya eto ako't sunod-sunuran sa i-utos nila.


Habang nag lalakad ako, eh hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa iba't- ibang booth na nadadaanan ko. Na halos pinagku-kumpol-kumpulan ng taong pagka-dami-dami.


"Zein." Sandali akong natigilan sa paglalakad tsaka lumingon sa kung san nang galing iyung boses na tumawag sakin.


At halos mag t-talong ang puso ko sa sobrang saya matapos makita si Nikko mahluvs. Shoot! Apaka gwapo nya ngayon. Kahit na napaka simple lang ng suot nya, ang lakas parin ng dating.


"N-Nikko, bakit may kaylangan ka?" Utal kong tanong habang 'di maiwasang hindi mapangiti.


"Hmm. Nothing. Gusto ko lang itanong kung okay na yang sugat mo." Aniya sabay tingin sa may bandang tuhod ko.


"Oo naman. Isang linggo na'to kaya okay na." Sagot ko tsaa napapaiwas ng tingin.

"Ganun ba?" Sabi nya habang napa-pa-tango. "Hmm. Give me these." Sunod nyang sabi sabay kuha nung kahon na hawak ko.



"Ha? Eh, kaya ko naman eh." Pag pa-pakipot ko habang kinukuha iyung box na hawak nya kahit n ang totoo eh gusto ko rin naman.


"Nah, I insist. It's quite heavy. Hindi dapat ikaw ang gumagawa neto eh." Pucha! Gusto kong kiligin.


"W-wala namang ibang gagawa eh." Sabi ko ulit habang napapaiwas ng tingin. Ramdam ko kasi na namumula ang pisngi ko. Nakakahiya.

"Pero ngayon, meron na. Andito nako." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa ing anong pinagsasabi nya.


Hindi narin ako umangal dahil gusto ko rin syang makasama kahit papano. Kaya naglalakad na kaming dalawa papuntang stock room.


Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad eh bigla kaming natigilan  ng makita namin si Jaime na nakatingin din samin. Pero biglang kumunot ang noo ko matapos makitang ngumiti si Jaime dito kay Nikko. 


Pota! Nasisiraan na ba sya? Sya na nga etong nang-iwan tapos sya pa etong may ganang ngumiti kay Nikko na parang walang nangyari? Asan utak nya? Sa kuko?


Tumingin naman ulit ako kay Nikko na tulala parin ng nakatingin kay Jaime. Pero hindi ko alam at bigla kong nanghina matapos makita ang naging aura nya ngayon. Hindi nya man sabihin pero, alam kong nasasaktan parin eto.


Kaya naman kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang kamay ni Nikko. Agad naman syang tumingin sakn na halatang may pagtataka sa mukha pero ngumiti lang ako. 


"Tara na." Sabi ko kaya nagpilit din eto ng ngiti tsaka tumango. Mukhang hindi na tamang tingnan nalang namin si Jaime buong oras dun. Tsk.



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon