Chapter 29

36.8K 656 15
                                    


AILWTBB 29: Who U Po?





Di parin ako maka get over sa mga nangyari kahapon. Sa tuwing naaalala ko yung awkward moment, maging yung pag-uusap nnin ni Kyle, bigla nalang tumitibok ng napalakas etong dibdib ko na hini ko maipaliwanag. Haist. Mukhang kailangan ko ng magpa check up ah.

Andito kami sa mall kasama si mama eh. Dahil sabado na ngayon kaya bonding time namin to ni mama. Wohoo! Kanina pa kami nag ikot-ikot dito, marami narin kaming na bili. Si kuya give up na kaya nauna na sa resto. At ngayon, andito kami sa harap ng salon.

"Mag papa-ayos ka ma?" Tanong ko kay mama habang abala sa pag sip-sip betong milk tea. Woop! Grabe apaka sarap gusto pa nga tuloy bumili pa ng isa.

"Oo nak. Mag papa ayos tayo." Bigla namang namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya. Aba talagang nagpapatawa etong si mother dear.

"Nag pa-patawa ka ba ma? Wag na, kayo nalang. " Sabi kp pero tinaasan nya ako ng kilay.

''Kala ko ba gusto mong mag-bonding tayo? Sayang naman oh!" Ani mama pero napatango lang ako.


"Eh ma, pwede namang iba nalang eh."

"Nak sige na, minsan lang nga ako makauwi dito eh. Minsan lang din ako humingi ng pabor sayo eh. Sige na." Biglang pag papa-cute ni mama. Aba! Bagets na bagets ang peg ha.

"Ma, kayo nalang. Next time nalang siguro ako." Sabi ko. Eh sa ayaw ko nga talaga eh. Never in my life pumasok sa isip ko ang mag paayos. Magpagupit okay pa. Pero natigilan ako ng mapansin ko si mama na nakataas kilay paring nakatingin sa akin "Promise, okay." Sabi ko ulit kaya napaisip sya dun.

"Okay sige payag na ako. Basta sa susunod, sasama ka na sakin ah." Sabi naman ni mama pero ngumiti lang ako. Pasensya na Ma, kailangan kong magsinungaling sayo. Di bale baka malimutan nya din ang tungkol dito. Tsk!

"Here." Natigilan ako ng makita ko na inaabot sa ain ni mama ang credit card nya. Wewz. "Mag ikot-ikot k na muna, mamili ka ng kubg anong gusto mo."

"Huh? Okay na ako Ma, marami na akong nabili eh." Sabi ko tsaka iniangat ang mga shopping bag na hawak ko.

"Zein, anak. Sige na, para naman hindi ka ma-boring kakahintay sa akin." Aniya tsaka inilagay ang credit card sa kamay ko, balak ko pa nga sanang isauli pero pumasok na sya sa loob ng Parlor. Naku! Wala ng bawian to ha Ma. Walang sisihan pag naubos ko lahat dito. Chour.

At ayun nagsimula na ang mag ikot-ikot dito sa mall kahit na kabisado ko na bawat sulok dito. Una akong nagpunta sa bookstore at namili ng mga libro at kung ano-ano pa. Sunod ay nagpunta sa ice-cream house at nagsawa sa kakakain ng ice-cream. Hayst. Mukhang mas nakakaboring naman pala to. Gusto kong makasama si Mama, pero wag naman sana sa salon.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, bigla nalang akong natigil ng mamukhaan ko ang babaeng nakikita ng mga mata ko. Teka si Lissa yun ah. Oo nga pala, hindi ko pa sya nagpapakilala kay mama. Ayos! Buti naman at may makakasama nako ngayon.

Akmang palapit na sana ako sa kung san sya nakatayo pero bigla akong napatigil, nung makita ko na may lumapit sakanya. At ikinagulat ko ng hawakan nung lalake yung bewang ni Lissa. Watda! Bigla naman tuloy napakunot ang noo ko dahil sa nakikita ko.

Hanggang sa nagsimula na silang maglakad patungo sa kung saan. At dahil sa naintriga ang lola nyo, naisipan kong sundan.Tsk. masyado lang kasi akong naiintriga sa mga nakikita ko ngayob. Sino kaya yung lalakeng yun? Boyfriend nya kaya iyun? Tsk.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad nakita kong bigla silang pumasok sa isang restaurant, kaya agad naman akong lumapit dun.

Hinanap ko kung san sila pumwesto, at ayun, nakita ko nga kaagad sila. Pero kubg may mas ikagugulat ako iyun ay ang kung ano ang sunod kong makita. At halos mapanganga ako sa sobrang pagkabigla. Totoo ba talag etong nakikita ko o sadyang nananaginip lang ako?

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon